Ang isang dahilan kung bakit komplikado ang interpretasyon ng mga Sabadista sa Daniel 7:25 ay ang kanilang pagtatangkang i-extend ang mga propesiya nito sa panahon ng Kristiyanismo. Iniinterpret ng mga Sabadista ang literal na mga yugto ng panahon sa Daniel, yung mga prophetic time tulad ng "1,260 days" at "2,300 evening-morning", bilang kumakatawan sa mahahabang panahon ng mga taon na sumasaklaw sa maraming siglo hanggang sa panahon ng Kristiyano. Pero ang totoo, ang Daniel ay isang dokumentong Hudyo, isinulat ng isang Hudyo para sa mga Hudyo, na naghahatid ng mga propesiya ng Diyos tungkol sa Kanyang mga hinirang na bayan (Dan. 9:24). Ang focus ay sa mga kaganapang direktang nakakaapekto sa mga Hudyo at sa bansang Hudyo. Ang huling propesiya sa Daniel, yung propesiya ng "70 weeks", ay nagtatapos sa pagkawasak ng Jerusalem noong 70 AD. Maliban sa mga maiikling pagbanggit sa mga hinaharap na kaganapan (halimbawa, ang pagpupuno ng kaharian ni Kristo sa lupa sa Dan. 2:34-35, at ang pagkabuhay na muli sa Dan. 12:1-3), ang buong aklat ng Daniel ay nakasentro sa bansang Hebreo at ang mga interaksyon nito sa mga kapangyarihang pandaigdig mula sa panahon ng Babilonia hanggang sa huling pagkawasak ng Jerusalem at ang pagtatapos ng Lumang Tipan noong 70 AD sa panahon ng Roman Empire.
Sa ating napag-usapan dati tungkol sa Daniel Kabanata 2, inalala natin yung confusing na panaginip na bumagabag kay Haring Nabucodonosor ng Babilonia. Yung panaginip na 'yon ay tungkol sa isang higanteng estatwa na ang ulo ay ginto, dibdib at braso ay pilak, tiyan at hita ay tanso, at ang binti ay bakal na may paa na bakal at putik. Ang bawat parte ay sumisimbolo sa iba't ibang kaharian na dadaan sa kasaysayan: Babilonia, Medo-Persia, Gresya, at Roma. Tapos, may nangyari na importante—isang bato, na hindi hinawakan ng tao, ang tumama sa estatwa, winasak ito, at kumalat ang mga piraso. Pagkatapos, yung bato ay naging bundok na pumuno sa buong lupa. Ito ay simbolo ng pagtatayo ng kaharian ng Diyos, na sisimulan ng Mesias pagkatapos ng kanyang pagkabuhay at pag-akyat sa langit. Itong kaharian na pinasimulan ng Mesias ay tatayo magpakailanman at walang makakatalo, na simbolo ng banal na paghahari na hindi masisira o malulupig.
Tututok tayo ngayon sa propesiya ni Daniel sa Daniel 7:25 tungkol sa "maliit na sungay". Para sa kanila, ito ay natupad sa mga ginawa ng Papacy, lalo na sa pagpapalit ng Sabbath sa Linggo at ang tagal ng awtoridad nito sa loob ng 3 1/2 panahon o 1,260 taon mula 538 AD hanggang 1798 AD.
Ginagamit ng Panginoon ang mga propesiya sa Biblia bilang isang pagsubok para malaman kung ang isang mangangaral na gumagamit ng pangalan ng Diyos ay tunay o hindi.
"Nguni't ang propeta na magsasalita ng salitang may pagpapalalo sa aking pangalan, na hindi ko iniutos sa kaniyang salitain o magsasalita sa pangalan ng ibang mga dios, ay papatayin nga ang propetang yaon. At kung iyong sasabihin sa iyong puso: Paanong malalaman namin ang salita na hindi sinalita ng Panginoon? Pagka ang isang propeta ay nagsasalita sa pangalan ng Panginoon, kung ang bagay na sinasabi ay hindi sumunod ni mangyari, ay hindi sinalita ng Panginoon ang bagay na yaon: ang propetang yaon ay nagsalita ng kahambugan, huwag mong katatakutan siya." (Deu 18:20-22)
Kung noon pa lang mahalaga na ang babalang ito, mas lalo na ngayon na ang dami-daming mangangaral na magagaling magsalita at magpaliwanag ng Bibliya, kahit na mali-mali naman ang interpretasyon nila, lalo na sa propesiya. Ako mismo ay naging biktima nito nung naimbitahan ako sa isang Daniel & Revelation Seminar na ginanap sa Manila Center Church ng mga Seventh-day Adventist sa Quezon City. Sa mga testimony ko noon bilang isang Seventh-day Adventist, lagi kong ipinagmamalaki na isa sa mga nakakumbinsi sa akin na lumipat mula sa mga Saksi ni Jehova patungong Seventh-day Adventist ay ang kanilang malinaw na paliwanag ng mga propesiya sa Daniel at Apocalipsis.
Ang isa sa mga nakatulong sa akin para magpabautismo bilang Seventh-day Adventist ay ang propesiya ni Daniel tungkol sa "maliit na sungay," na sabi nila ay napatunayan nila mula sa Bibliya at kasaysayan. Kinumbinsi nila ako sa loob ng 24 na taon na ang pagsamba sa Linggo ay imbensyon lang daw ng Papa sa Roma, na walang basehan sa Bibliya at walang blessing ng Diyos. Kaya naman, dahil sa paniniwala ko noon, naging masigasig akong tagapagtanggol at ebanghelista ng Seventh-day Adventist church. Pero sa huli, narealize ko na ang mga presentasyon nila at paghabi ng mga talata ay puro palabas lang, at ang tunay na history ay hindi tumutugma sa mga sinasabi nila. Nakaramdam ako ng pagkakanulo. Sana ang mga kaibigan kong Sabadista ay hindi magpatuloy sa maling samahan na iyon.
Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit ko napansin ang mga hindi pagkakapare-pareho at mga palihis na paliwanag ng mga Seventh-day Adventist tungkol sa propesiya ni Daniel:
Ang Panaginip ni Daniel
Nung unang taon ng paghahari ni Belsazar bilang hari ng Babilonia noong 555 BC, may bagong storyang nagsimula. Dito, si Daniel na ang bida, nagsasalaysay ng kanyang pangitain at ang interpretasyon nito. Hindi katulad nung Kabanata 2, kung saan si Daniel ang nagpaliwanag ng panaginip ni Nabucodonosor, dito sa Kabanata 7, klarong sinabi niya na ito ay kanyang sariling panaginip. Itinala lang ni Daniel ang mga detalye ng kanyang nakita, at hindi siya nagbigay ng interpretasyon. Pero, malinaw na ang interpretasyon ay tumutugma sa history ng apat na importanteng kaharian na nakasaad sa Kabanata 2.
Si Daniel ay nanaginip at nakakita ng mga pangitain na naglalarawan ng apat na hayop na lumalabas mula sa dagat, na sumisimbolo sa apat na malalakas na kaharian na huhubog sa kasaysayan ng mundo. Ang mga hayop na ito, na iba-iba ang anyo at lakas, ay naimpluwensyahan ng mga hangin ng langit, na gumagalaw sa malawak na dagat ng sangkatauhan.
Ang unang hayop ay parang leon na may pakpak ng agila, na sumisimbolo sa bongga at mabilis na imperyo ng Babilonia. Pero, pinutol ang mga pakpak nito, at tumayo ito sa dalawang paa na parang tao, na nagpapahiwatig ng pagbaba ng kanyang glory at lakas, na posibleng may kasamang kaliwanagan o pagpapakumbaba sa pamamagitan ng Diyos. (v.4)
Ang ikalawang hayop, isang oso na may tatlong tadyang sa bibig nito, ay sumisimbolo sa mabangis at sakim na imperyo ng Medo-Persia. Ang pagiging nakataas sa isang gilid ay nagpapahiwatig ng hindi pantay na lakas sa loob ng imperyo, at ang tatlong tadyang ay maaaring sumagisag sa mga nasakop na probinsiya: Babilonia, Lydia, at Ehipto. (v.5)
Ang ikatlong hayop, isang leopardo na may apat na pakpak at ulo, ay kumakatawan sa mabilis at tuso na imperyo ng Gresya. Ang mga pakpak ay nagpapahiwatig ng bilis, samantalang ang mga ulo ay sumasagisag sa pagkahati ng imperyo pagkatapos ng pagkamatay ni Alexander the Great: Macedonia, Syria, Egypt, at Asia Minor. (v.6)
Ang ikaapat na hayop, nakakatakot na may mga ngiping bakal at sampung sungay, ay sumasagisag sa walang awang imperyo ng Roma, na natatangi at walang kapareho. (vv.7-8):
"Pagkatapos nito'y may nakita ako sa pangitain sa gabi, at, narito, ang ikaapat na hayop, kakilakilabot at makapangyarihan, at totoong malakas; at may malaking mga ngiping bakal; nananakmal at lumuluray, at niyuyurakan ng kaniyang mga paa ang nalabi: at kaiba sa lahat na hayop na una sa kaniya; at siya'y may sangpung sungay. Aking pinagdilidili ang mga sungay, at, narito, sumibol sa gitna ng mga yaon ang ibang sungay, isang munti, na sa harap niyao'y tatlo sa mga unang sungay ay nabunot sa mga ugat: at, narito, sa sungay na ito ay may mga mata na parang mga mata ng tao, at isang bibig na nagsasalita ng mga dakilang bagay."(Dan 7:7-8)
Dito ulit natin makikita yung apat na makapangyarihang kaharian—Babilonia, Medo-Persia, Gresya, at ang Roman Empire. Parang katulad din ito nung pangitain sa Kabanata 2 pero iba lang ang mga simbolo na ginamit. Kahit may mga interpretasyon na nagsasabing yung ikaapat na hayop ay tumutukoy sa mga humalili kay Alexander, lalo na yung mga pinuno ng Seleucid at Ptolemaic sa Asia Minor, Syria, at Egypt, ang pangunahing mensahe ng propesiya ni Daniel ay tungkol sa Imperyong Romano nung unang pagparito ni Kristo.
Pagkakakilanlan ng Sampung Sungay
Tama na kinikilala ng mga Sabadista ang ikaapat na hayop bilang ang Imperyong Romano. Pero, hindi tama ang kanilang sinasabi na ang mga sungay na lumilitaw sa ulo ng hayop na 'yon ay kumakatawan sa sampung bansa na sumasalakay at sumasakop dito.
Dahil may sampung sungay sa ulo ng ikaapat na hayop, iginigiit ng mga Sabadista na pareho lang ang ibig sabihin nito at ng sampung daliri sa paa ng imahe sa Daniel 2. Kaya naman, sinasabi nila na ang sampung sungay ay sumisimbolo sa sampung tribo na responsable sa pagsakop sa ikaapat na hayop. Ilan lang ang sampung ito sa mga tribong gumampan sa pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Romano.
Si Uriah Smith [1], na isang kilalang Adventist pioneer, ay partikular na kinilala ang sampung tribo—mga Vandal, Ostrogoth, Heruli, Visigoth, Burgundian, Anglo-Saxon, Alamanni, Suevi, Lombard, at Frank—at sinabi na sila ang mga tribong kinakatawan ng sampung sungay. Ayon kay Smith, matagumpay na nasakop ng mga tribong ito ang Roma noong 476 AD. Ang dahilan kung bakit pinili ni Smith ang sampung tribong ito ay hindi malinaw, bukod sa kanyang sinabi na sila ang "pinakamahalaga" sa pagbagsak ng Roma.
Ang interpretasyong ito ay taliwas sa paulit-ulit na mensahe sa Daniel tungkol sa kahulugan ng mga sungay ng hayop. Malinaw na binibigyang diin sa Daniel 7:24 na ang sampung sungay ay hindi kumakatawan sa ibang mga bansa kundi mula sa Roman Empire mismo:
"And the ten horns out of this kingdom are ten kings that shall arise..." (KJV)
The ten horns are ten kings who shall arise from this kingdom... (NKJV)
Its ten horns are ten kings that will rule that empire. (NLT)
The ten horns are ten kings who will come from this kingdom. (NIV)
As for the ten horns, out of this kingdom ten kings shall arise... (ESV)
As for the ten horns, out of this kingdom ten kings will arise... (NASB)
As for the ten horns, out of this kingdom ten kings shall arise... (RSV)
1. Alamanni
2. Alans
3. Astingi
4. Batavi
5. Bructeri
6. Burgundians
7. Carpians
8. Celts (Irish)
9. Chamavi
10. Chatti
11. Chauci
12. Cherusci
13. Cimbri
14. Costoboci
15. Eburones
16. Franks
17. Frisii
18. Greuthungi
19. Goths
20. Helvetii
21. Heruli
22. Huns
23. Juthungi
24. Langobardi
25. Lacringi
26. Lombards
27. Lugii
28. Marcomanni
29. Marsi
30. Ostrogoths
31. Picts
32. Quadi
33. Rugii
34. Sarmatians
35. Saxons
36. Scirii
37. Scoti
38. Sicambri
39. Suevi
40. Teutones
41. Turcilingi
42. Ubii
43. Vandals
44. Visigoths
The ten horns are ten kings who shall arise from this kingdom... (NKJV)
Its ten horns are ten kings that will rule that empire. (NLT)
The ten horns are ten kings who will come from this kingdom. (NIV)
As for the ten horns, out of this kingdom ten kings shall arise... (ESV)
As for the ten horns, out of this kingdom ten kings will arise... (NASB)
As for the ten horns, out of this kingdom ten kings shall arise... (RSV)
Ang sampung sungay o "hari", ayon kay Daniel, ay magmumula sa loob ng Imperyong Romano. Ito ay kabaligtaran sa turo ng mga Sabadista na ang mga tribo ay nagmula sa labas nito. Hindi kailanman naghari ang mga tribong ito sa Roma; sa halip, sinakop nila ang ilang bahagi nito at doon nagtayo ng kanilang mga kaharian. Malinaw na hindi sila nagmula sa loob, at hindi rin sila namuno sa Imperyong Romano. Maling-mali talaga ang paliwanag ng mga Sabadista sa puntong ito!
Bukod pa rito, malinaw na itinutukoy ng Daniel na ang sampung sungay bilang "mga hari." Ang salitang Aramaic na ginamit, "melek," ay literal na isinasalin bilang "hari" at palaging ganito ang pagkakasalin sa Lumang Tipan, hindi kailanman bilang "bansa" o "kaharian." Sa kabaligtaran, ang sampung tribo ay mga bansa, hindi mga hari. Sa parehong talata, isang natatanging salita, מַלְכוּ"malku," ang ginamit upang tumukoy sa isang "kaharian."
Halimbawa:
"At tungkol sa sangpung sungay, mula sa kahariang (מַלְכוּ"malku,") ito ay sangpung hari ang babangon: at ang isa'y babangong kasunod nila; at siya'y magiging kaiba kay sa mga una, at kaniyang ibabagsak ay tatlong hari." (Dan 7:24)
Kung ang sampung sungay ay kumakatawan sa sampung tribo na sumakop sa Imperyong Romano, sana ay ginamit ni Daniel ang salitang מַלְכוּ"malku" (kaharian). Ngunit, sadyang pinili ni Daniel ang מֶ֫לֶךְ "melek" (hari) upang ilarawan ang mga sungay.
May isa pang simbolo sa Daniel na hindi napapansin ng mga Sabadista, ang dalawang binting bakal sa Daniel 2. Nahati ang Imperyong Romano sa dalawa: ang Western Rome, na ang sentro ay sa Roma, at ang Eastern Rome (Byzantine), na ang sentro ay sa Constantinople. Ang mga tribong barbaro ang sumakop sa Western Rome, pero ang Eastern Rome ay tumagal pa ng halos 1,000 taon pagkatapos bumagsak ang Kanluran. Kung ang mga daliri sa paa ay kumakatawan sa mga sumakop, sino sa limang tribo ang sumakop sa Silangang Imperyo? Ang totoo, hindi ang mga barbaro ang sumakop sa Silangang Imperyo kundi ang mga Ottoman Turks noong 1453. Kaya, mali talaga ang teorya ng mga Sabadista na ang sampung daliri ay sampung tribo na sumakop sa Imperyong Romano.
Isa pang problema sa interpretasyon ng mga Seventh-day Adventist ay ang dami ng mga tribong barbaro na sumalakay sa Roma. Sa Wikipedia [2], makikita ang lahat ng labanan ng Imperyong Romano at ng mga tribong ito, pati na ang listahan ng mga tribong kasama. Narito ang isang maikling listahan ng mga tribong nakipaglaban sa Roma:
2. Alans
3. Astingi
4. Batavi
5. Bructeri
6. Burgundians
7. Carpians
8. Celts (Irish)
9. Chamavi
10. Chatti
11. Chauci
12. Cherusci
13. Cimbri
14. Costoboci
15. Eburones
16. Franks
17. Frisii
18. Greuthungi
19. Goths
20. Helvetii
21. Heruli
22. Huns
23. Juthungi
24. Langobardi
25. Lacringi
26. Lombards
27. Lugii
28. Marcomanni
29. Marsi
30. Ostrogoths
31. Picts
32. Quadi
33. Rugii
34. Sarmatians
35. Saxons
36. Scirii
37. Scoti
38. Sicambri
39. Suevi
40. Teutones
41. Turcilingi
42. Ubii
43. Vandals
44. Visigoths
Walang basehan ang pagpili ni Uriah Smith ng sampung tribo. Pinili niya lang ang mga sa tingin niya ay importante. Kaya naman, maraming Adventist scholar ang sumalungat sa kanya. Ang totoo, walang dahilan para sa pagpili ng "10" kundi para lokohin ang mga tao na ang sampung sungay ay sampung tribo.
Ang sampung hari ay "mula sa kahariang ito" sabi ni Daniel. Kaya hindi sila dayuhan na sumakop sa Roma. Mula mismo sa loob sila! Ang sampung sungay ay sampung pinuno ng Roma. May sampung Cesar na namuno sa Roma bago nawasak ang Jerusalem, ayon sa kasaysayan. Si Julius Caesar ang una, siya ang nagtapos sa Republika at nagsimula ng Imperyo. Siya rin ang unang Romanong naging diyos, sabi ng Wikipedia.
Narito ang listahan ng sampung Cesar na namuno bago ang pagkawasak ng Jerusalem:
1. Julius Caeser 49-44BC
2. Augustus 31BC-14AD
3. Tiberius (Luke 3:1) 14-37AD
4. Gaius (aka. Caligula) 37-41AD
5. Claudius (Acts 17) 41-54AD
6. Nero 54-68AD
7. Galba 68-69AD
8. Otho 69AD
9. Vitellius 69AD
10. Vespasian 69-79AD
1. Julius Caeser 49-44BC
2. Augustus 31BC-14AD
3. Tiberius (Luke 3:1) 14-37AD
4. Gaius (aka. Caligula) 37-41AD
5. Claudius (Acts 17) 41-54AD
6. Nero 54-68AD
7. Galba 68-69AD
8. Otho 69AD
9. Vitellius 69AD
10. Vespasian 69-79AD
Sino ang tinutukoy na "Maliit na Sungay"?
Para sa mga Sabadista, ang "Papacy" ng Simbahang Katoliko ang "maliit na sungay" sa Daniel 7. Kadalasan nilang ginagamit ang Daniel 7:25 para patunayan ito, dahil sa tingin nila, ang mga nakasulat doon ay nangyari talaga, lalo na yung pag-uusig ng Pope sa mga banal noong Dark Ages. Narito ang Daniel 7:25:
"At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan, at lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan; at kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan; at sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon." (Dan 7:25)
Ito ang isang sa mga talata na gustong-gusto ng mga Sabadista na ginagamit nila bilang patunay na ang Papa diumano ang magpapalit ng Sabbath tungo sa Linggo, dahil nakasulat doon: "kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan." Ito ay di-umano'y natupad sa pamamagitan ng pagbabago ng Papacy sa kautusan ng Sampung Utos at ang paglipat ng pagdiriwang ng Sabbath mula Sabado patugong Linggo. Ang propetisa ng mga Sabadista, si Ellen White, ay sumulat sa Great Controversy p.446:
"Sabi ni Daniel, tungkol sa maliit na sungay, ang papacy: 'Kaniyang iisipin na baguhin ang mga panahon at ang kautusan.' Daniel 7:25, R.V. ... Tinangka ng papacy na baguhin ang kautusan ng Diyos. Ang ikalawang utos, na nagbabawal sa pagsamba sa mga imahen, ay inalis sa kautusan, at ang ikaapat na utos ay binago upang pahintulutan ang pagdiriwang ng unang araw sa halip na ang ikapitong araw bilang Sabbath."
Sinusubukan ding patunayan ng mga Sabadista na ang "maliit na sungay" ay tumutukoy sa Papacy sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa paggamit nito ng isang prophetic time period, na tumutukoy sa yugto kung saan isasagawa ng Papacy ang kapangyarihan nito bilang "isang panahon at mga panahon at kalahating panahon."
Kanilang binibigyang kahulugan ang panahon (isang taon), mga panahon (dalawang taon), at kalahati ng panahon na binanggit sa Bibliya bilang kumakatawan sa tatlo at kalahating taon, o 1260 prophetic days. Sa pamamagitan ng paglalapat ng prinsipyo ng isang araw na katumbas ng isang taon sa propesiya, kinokonvert ng mga Sabadista ang mga araw na ito sa 1260 taon. Ikinakatwiran nila na ang panahong ito ay nagsimula noong 538 AD nang palayasin ang mga Ostrogoth mula sa Roma.
Pero si Dr. Samuele Bacchiocchi, isang Adventist scholar at historian, ay nagduda kung tama ba talaga ang paniniwala ng SDA tungkol dito. Sa kanyang newsletter, End Time Issues #86, “Islam and the Papacy in Prophecy” noong July 6, 2002, pp. 22-23, sinabi niya:
"Ang tradisyonal na interpretasyon ng mga Adventista na matatagpuan sa SDA Bible Commentary at sa God Cares ni Merwyn Maxwell ay nagsasaad na ang tatlong sungay na inalis ay tumutukoy sa pagkalipol ng mga Heruli noong 493, ng mga Vandal noong 534, at ng mga Ostrogoth noong 538. Ang problema sa interpretasyong ito ay wala sa tatlong tribong Germanic na ito ang talagang nalipol. Bukod pa rito, hindi kailanman nakontrol ng Papacy ang kanilang mga teritoryo. Ang tagumpay ni Justinian laban sa mga Ostrogoth sa Italya ay panandalian lamang. Una, dahil sa ilalim ng kanilang bagong pinuno, si Totila, mabilis na nabawi ng mga Ostrogoth ang karamihan sa kanilang mga nawalang teritoryo. Ikalawa, dahil tatlong taon pagkatapos ng pagkamatay ni Justinian noong 565, isa pang tribong Germanic, ang mga Lombard, ang sumalakay sa peninsula ng Italya at humina ang kapangyarihan ng Papa. Sa madaling salita, hindi talaga inalis ng Papacy ang tatlong kaharian o bansa upang itatag ang kanyang kapangyarihan."
Si Bacchiocchi ay sumama sa hanay ng mga Sabadistang historyador na nagpahayag ng pagdududa tungkol sa katumpakan ng petsang 538 AD. Matagal nang sinubukan ng mga Sabadistang historyador at theologians na maghanap ng katibayan na sumusuporta sa kahalagahan ng 538 AD kaugnay ng Papacy, ngunit sa ngayon, wala pang makabuluhang pangyayari sa kasaysayan ang natukoy na magpapatunay sa kahalagahan ng tiyak na petsang iyon. Gayunpaman, malinaw na hindi itinatag ang Papacy noong 538.
Itinuturo ni Bacchiocchi ang isa pang isyu sa propetikong panahon mula 538 hanggang 1798, na binibigyang diin na ang pag-uusig sa simbahan ay hindi tumutugma sa mga taong ito:
"Ang pangalawang problema sa tradisyunal na interpretasyon ay ang pagkabigo nitong ipaliwanag ang pangunahing kahulugan ng propetikong panahong ito. Ang pag-uusig at proteksyon ng simbahan ay hindi nagsimula noong 538, ni natapos noong 1798. Ito ay mga realidad na naglalarawan sa buong kasaysayan ng simbahan ng Diyos sa lahat ng mga siglo. Ang ilan sa mga pinakamadugong pag-uusig ng mga emperador ng Roma ay naganap noong unang apat na siglo."[3]
Malinaw na ipinakita ni Bacchiocchi na ang petsang 538 AD ay hindi tumutugma sa anumang makabuluhang pangyayari sa kasaysayan at ang authority ng Papacy ay nagsimula ilang siglo bago pa nito. Ngayon, ano naman ang tungkol sa pagtatapos ng propesiya ng 1260 araw? Nawala ba ang Papacy noong 1798 AD? Kumpara sa taong 538 AD, ang 1798 AD ay mayroong ilang kahalagahan para sa Papacy. Gayunpaman, ang mga pangyayari sa taong iyon ay hindi tiyak na tumuturo sa "pag-aalis" o kahit na sa "pagbagsak" ng Papacy. Noong 1798 AD, nang dalhin ni Heneral Berthier ng Pransya si Pope Pius VI bilang isang bilanggo, ang Papacy ay naharap sa kahihiyan. Ang paglalarawan sa pangyayaring ito bilang "pagbagsak" ng Papacy ay isang malaking panlilinlang. Sa kanyang newsletter, ipinapaliwanag ni Bacchiocchi ang mga pangyayaring naganap pagkatapos ng pagkakadakip sa Papa noong 1798:
"Ang pagkakabilanggo kay Pope Paul VI ay kinondena ng Russia at Austria. Nagpasya ang dalawang bansa na pagsamahin ang kanilang mga puwersa upang ibalik ang Papa sa kanyang trono ng Pontifical sa Roma. Nang harapin ng pamahalaang Pranses ang bagong koalisyong ito at ang mga popular na pag-aalsa, nagpasya itong ilipat ang Papa sa Valence, sa Pransya, kung saan siya namatay 40 araw pagkaraan, noong Agosto 29, 1799."
"Ang pagkamatay ni Pius VI ay hindi maituturing na 'pag-aalis' o 'pagbagsak ng Papacy.' Ito ay simpleng pansamantalang kahihiyan lamang ng prestihiyo ng Papacy. Sa katunayan, nakapagbigay si Pius VI ng mga direktiba para sa paghalal ng kanyang kahalili. Ilang buwan pagkatapos ng kanyang kamatayan, nagpulong ang mga Kardinal sa Venice noong Disyembre 8, 1799, at inihalal si Barnaba Chiaramonti, na kumuha ng pangalang Pious VII, bilang paggalang sa kanyang hinalinhan."
"Ang bagong Papa ay nakipag-negosasyon kay Napoleon para sa Concordat noong 1801 at sa Organic Articles noong 1802. Ang mga kasunduang ito ay nagbalik sa Papa ang ilan sa mga teritoryo ng Estado ng Simbahan at nagsaayos sa saklaw ng awtoridad ng Papa sa Pransya."
"Ang mga sumunod na taon ay minarkahan, hindi ng pagbagsak, kundi ng muling pagkabuhay ng awtoridad ng papa, lalo na sa ilalim ng Pontificate ni Pius IX (1846-1878). Noong 1854, ipinahayag ni Pius IX ang Dogma ng Immaculate Conception ni Maria. ...
"Ang pinakahuling pangyayari sa pontificate ni Pius IX ay ang pagpupulong ng Unang Konseho ng Vatican noong Disyembre 8, 1869. Nagkaroon ito ng napakalaking bilang ng mga dumalo mula sa buong mundo ng Romano at noong Hulyo 18, 1870, ipinahayag ng Konseho ang dogma ng Papal Infallibility. Ang dogmang ito ay lubos na nagpataas sa awtoridad ng Papa, at nagpapawalang bisa sa anumang pagtatangka na iugnay ang pagbagsak ng papacysa 1798."
Sinomang may alam sa history ng Kristiyanismo, masasabi na hindi eksaktong simula at dulo ng kapangyarihan ng Papa ang 538 AD at 1798 AD. Matagal nang nag-iipon ng lakas ang Obispo ng Roma bago pa ang 538 AD, at kahit nagkaroon sila ng problema ang papacy noong 1798 AD, tuloy pa rin ang paglakas ng Simbahang Katoliko. Pinili ng mga Sabadista ang mga petsang 'yon kasi sakto sa mga paniniwala nila. Mas importante sa kanila na magtugma ang mga petsa sa hula nila kaysa maging tama sa history ng Papacy upang makapanlinlang!
Isa pang bagay na hindi mapatunayan ng mga Sabadista sa history ay yung sinasabing paglipat ng Sabbath sa Linggo nung panahon diumano ng kapangyarihan ng Papa mula 538 hanggang 1798 AD. Matagal ko nang tinatanong ito sa mga tagapagtanggol ng mga Sabadista pero wala pa ring sumasagot:
1. Kung talagang totoo ang sinasabi niyo, ano ang pangalan ng Papa ang nagpalit ng Sabbath sa Linggo pagitan ng 538-1798 AD?
2. Saang ecumenical council ng Simbahang Katoliko opisyal na idineklara ang pagpalit ng Sabbath mula 538 AD hanggang 1798 AD kung nagsasabi kayo ng totoo?
Nakakainip na kasi hanggang ngayon, ni isa sa kanila, pati mga pastor at theologian ng mga Sabadista, walang makasagot. May mga sumubok sumagot, pero puro sila magkakasalungat. May nagsabi na hindi daw nangyari yung pagpalit ng Sabbath sa Linggo sa pagitan ng 538 AD at 1798 AD, tapos yung isa naman, sabi, dun daw sa pagitan ng 538 at 1798 nangyari! May isa pang Sabadistang defender na nagsabi na si Pope Sylvester daw ang nagpalit, tapos kinontra naman ng iba, pati mga ordinaryong miyembro, na si Constantine daw ang nagpalit, na nangyari pa bago pa ang 538-1798 AD! Ano ba talaga? Ibig sabihin lang, nagsisinungaling ang mga Sabadista, at walang isa man sa kanila ang nagsasabi ng totoo—isang bagay na dapat pag-isipang mabuti ng bawat isang Sabadista.
Okay, so, pag-usapan naman natin yung "maliit na sungay" sa Daniel 7. Sa history, si Caesar Nero ang kinikilalang "maliit na sungay" na 'yon. Ang tunay niyang pangalan ay Lucius, at sa Latin, ang Lucius ay ibig sabihin ay "Tagadala ng Liwanag," parang katunog ng Lucifer. Nakakatuwa pa, maraming Kristiyano nung mga unang siglo ang tingin kay Nero Caesar ay ang anti-Kristo. Ang mas nakakaintriga pa, siya lang ang Caesar na ang pangalan sa Hebrew ay katumbas ng 666.
Tingnan mo naman yung mga similarities ni Nero at nung maliit na sungay sa Daniel 7:
"At kaniyang ibabagsak ay tatlong hari." (7:24) - Tatlong Emperador, sina Tiberius, Caligula, at Claudius, ang pinatay para masigurado na si Nero, na wala naman sa linya ng mga susunod na emperador, ang makaupo. Gaya ng nabanggit kanina, sina Uriah Smith at iba pang mga Sabadista ay nagsasabi na ang mga Vandal, Ostrogoth, at Heruli ay winasak ng Papa ng Roma. Ito ay gawa-gawa lang. Hindi totoo na ang mga tribong ito ay direktang winasak ng Papa. Sabi ng mga history books, ang mga Heruli ay tinalo ng mga Lombard, at ang mga Vandal at Ostrogoth naman ay bumagsak sa mga Byzantine. Baka may naitulong ang Papa sa pagkatalo ng mga Vandal at Ostrogoth, pero hindi sigurado kung gaano kalaki ang naitulong niya.
Ang importante, ang mga Heruli ay natalo ng mga Lombard, na si Smith mismo ang nagsabing isa sa sampung sungay. Kung ituturing ngang mga sungay ang mga tribo, ibig sabihin, ayon na rin kay Smith, isa sa sampung sungay (mga Lombard) ang tumalo sa isa pang sungay (mga Heruli), dalawang sungay ang inalis ng ibang pwersa (mga Byzantine), at yung maliit na sungay mismo ay walang inalis na sungay.
"At siya'y magbabadya ng mga salita laban sa Kataastaasan"(7:25) - Si Nero ay nagtaguyod ng pagsamba sa emperador at nagpatayo ng napakalaking estatwa niya sa Roma. Sa mga nakasulat sa Ephesus, tinawag siya na "Makapangyarihang Diyos" at "Tagapagligtas."
"At lilipulin niya ang mga banal ng Kataastaasan (7:25) - Si Nero ang nagsimula ng pag-uusig sa mga Judio at Kristiyano, na sobrang brutal. Kasama sa mga pinatay na mga banal ang mga importanteng tao tulad ng mga apostol na sina Pablo at Pedro, sa tinawag ng mga historyador na "ang pinakamalupit na pag-uusig."
"At sila'y mangabibigay sa kaniyang kamay hanggang sa isang panahon, at mga panahon at kalahati ng isang panahon." (7:25) - Ang pag-uusig ni Nero ay nagsimula noong Nobyembre ng 64 AD at natapos sa kanyang kamatayan noong Hunyo ng AD 68, eksaktong 42 buwan (1260 araw). Totoong nag-usig ang mga Katoliko, pero yung timeline na 538 hanggang 1798 ay hindi eksaktong tumutugma sa history. Nagsimula ang pag-uusig bago pa ang 538 at tumagal pa ng halos kalahating siglo pagkatapos ng 1798.
"At kaniyang iisiping baguhin ang panahon at ang kautusan" (7:25) - Binago ni Nero ang mga utos at balak niya pang baguhin ang iba pa. Sa Daniel 7:25, ang salitang "kautusan" ay galing sa salitang "dat," na ang ibig sabihin ay "utos," hindi "Torah." Kaya, ang sinasabing pagbabago ng batas ng isang pinuno ay hindi tumutukoy sa Sampung Utos, at siguradong hindi kasama ang Sabbath doon. Nung nagdeklara ng giyera si Nero laban sa Jerusalem, opisyal niyang binago ang kasunduan sa pagitan ng Israel at Roma na matagal nang umiiral simula pa noong 161 BC. Ipinadala ni Nero si Vespasian para wasakin ang Jerusalem noong Disyembre AD 66, na pormal na sumira sa kasunduan.
Totoo na binago ng Catholic Catechism yung Ten Commandments, pero nagsimula ito kay Augustine, nauna pa bago pa yung sinasabi ng mga Sabadista na simula ng "maliit na sungay" at ng kapangyarihan ng Papa. Kaya, mahirap na iugnay ang mga pagbabago ng kautusan sa Catechism na kagagawan ng Papacy.
Si Samuele Bacchiocchi, isang theologian ng Seventh-day Adventist church, na nakapasok pa sa Vatican vaults, ay nag-aral ng mga pinakamatandang dokumento tungkol sa Sabbath. Ang naging conclusion niya, matagal na palang nangingibabaw ang Sunday-keeping bago pa lumitaw ang unang Papa.
"Hindi ako sumasang-ayon kay Ellen White, halimbawa, tungkol sa pinagmulan ng Linggo. Itinuturo niya na noong mga unang siglo, lahat ng mga Kristiyano ay nag-ingat ng Sabbath at higit sa lahat ay sa pamamagitan ng mga pagsisikap ni Constantine kaya't ang pag-iingat ng Linggo ay pinagtibay ng maraming mga Kristiyano noong ika-apat na siglo. Iba ang ipinapakita ng aking pananaliksik. Kung babasahin mo ang aking sanaysay na PAANO NAGSIMULA ANG PAG-IINGAT NG LINGGO? na nagbubuod sa aking disertasyon, mapapansin mo na inilalagay ko ang pinagmulan ng pag-iingat ng Linggo sa panahon ni Emperador Hadrian, noong A.D. 135."[4]
"At kanilang aalisin ang kaniyang kapangyarihan(7:26) - Sa huli, ibinoto ng Senado ng Roma ang pagpatay kay Nero, na talagang nag-alis sa kanya ng kanyang kapangyarihan.
"Mabibigay sa bayan ng mga banal ng Kataastaasan: ang kaniyang kaharian ay walang hanggang kaharian" (7:27) - Ang talatang ito ay hindi tumutukoy sa walang hanggang kaharian ng Diyos sa hinaharap kundi sa Kanyang espirituwal na kaharian na itinatag mula pa noong 30 AD. Unti-unti itong lumawak, hanggang sa naging dominanteng relihiyon ang Kristiyanismo sa Imperyo ng Roma.
Lahat ng detalye sa Daniel 7 ay nangyari exactly gaya ng inihula. Sobrang precise nito kaya yung mga atheist at agnostic, dati, ay nagsasabing ang aklat ni Daniel ay sinulat daw pagkatapos mamatay ni Nero. Sinabi nila ito nung ang pinakamatandang kopya daw ng Daniel ay isang libong taon after Christ. Pero, natahimik sila nung natuklasan ang aklat ni Daniel sa Dead Sea Scrolls. Walong kopya ang natagpuan, at ang pinakamatanda ay carbon-dated sa 165 BC—matagal pa bago pa si Nero at kahit sino sa sampung Caesar. Ang komplikadong kaalaman tungkol sa mangyayari sa Imperyo ng Roma, ilang siglo pa ang hinaharap, ay patunay talaga ng divine insight. Purihin ang Diyos!
References:
[2]https://en.wikipedia.org/wiki/Chronology_of_warfare_between_the_Romans_and_Germanic_peoples
[4] Samuele Bacchiochi, Ph.D., E-mail message to the "Free Catholic Mailing List" catholic@american.edu on Feb. 8, 1997.
No comments:
Post a Comment