Sunday, April 6, 2025
THE GOOD NEWS OF JUDGMENT PART 2: BEHOLD! NOW IS THE DAY OF SALVATION!

Saturday, April 5, 2025
KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS VERSE-BY-VERSE SA MATEO 5:43-47: "HULA NI ELLEN G. WHITE: SARADO NA ANG KALIGTASAN NOONG 1844!"
Mateo 5:43-47"Narinig ninyong sinabi, Iibigin mo ang iyong kapuwa, at kapopootan mo ang iyong kaaway: Datapuwa't sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig; Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap. Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil?"
Camden, N.Y. June 29, 1851:
"Ipinakita ng Panginoon na, bilang tugon sa panalangin, inalis Niya ang Kanyang galit mula sa pangkat na ito, at maaari nilang makamtan ang mga ngiti ni Jesus kung sila'y mamumuhay nang may kababaang-loob at lalakad nang maingat sa harap ng Panginoon, at titiyakin sa bawat hakbang na kanilang gagawin na ang Diyos ang gumagabay sa kanila. Kapag ganito, ang pangkat ay magiging malakas at magiging sindak sa kanilang mga kaaway; at kailangang manatiling nagkakaisa ang pangkat.
Pagkatapos, nakita ko sina Kapatid na Wing at Kapatid na Hyatt—na sinusubukan ng kaaway na wasakin sila. Sila ay nananalangin para sa liwanag hinggil sa ilang mga talata ng Kasulatan, ngunit habang lalo silang nananalangin, lalo namang dumidilim ang kanilang paligid, at ang kaaway ay nagpapalaganap ng isang lambat ng kadiliman sa kanila. At nang halos lubos na silang masakop, sila ay napalaya—ang lambat ay nabasag, at sila ay nakatakas.
Nakita ko ang tunay na liwanag tungkol sa mga talatang ito atbp. Nakita ko na ang panunuyang ito ay ibinigay ni Jesus sa mga Pariseo at mga Hudyo, na puno ng pagpapakabanal sa sarili, at ang nais lamang nilang kausapin o batiin ay yaong mga katulad din nila sa pagpapakabanal at pagkukunwari; at lubos nilang pinapabayaan at nilalampasan ang mga hindi umaabot sa kanilang pamantayan, at ang mga hindi nakakatanggap ng pagbati sa pamilihan tulad nila.
Nakita ko na ito ay hindi naaangkop sa panahon natin ngayon. Pagkatapos, nakita ko na si Jesus ay nanalangin para sa Kanyang mga kaaway; ngunit hindi ito nangangahulugang tayo rin ay dapat manalangin para sa masamang mundo na itinakwil na ng Diyos—noong Siya ay nanalangin para sa Kanyang mga kaaway, may pag-asa pa para sa kanila, at sila ay maaaring makinabang at maligtas sa Kanyang mga panalangin, at maging pagkatapos ng Kanyang pagiging tagapamagitan sa panlabas na silid para sa buong mundo. Ngunit ngayon, ang Kanyang espiritu at simpatiya ay binawi na mula sa mundo; at ang ating simpatiya ay dapat makiisa kay Jesus, at dapat ding bawiin mula sa mga di-makadiyos.
Nakita ko na mahal ng Diyos ang Kanyang bayan—at bilang tugon sa mga panalangin, magpapadala Siya ng ulan sa mga matuwid at sa mga di-matuwid. Nakita ko na ngayon, sa panahong ito, dinidiligan Niya ang lupa at pinasisikat ang araw para sa mga banal at sa mga makasalanan sa pamamagitan ng ating mga panalangin, sa pamamagitan ng ating Amang nagpapadala ng ulan sa mga di-matuwid, habang ipinadadala rin Niya ito sa mga matuwid.
Nakita ko na ang mga masama ay hindi na maaaring makinabang sa ating mga panalangin ngayon—at kahit na ipinapadala Niya ito sa mga di-matuwid, darating pa rin ang kanilang araw ng paghuhukom. Pagkatapos, nakita ko na ang talatang iyon sa Kasulatan ay hindi tumutukoy sa mga masamang itinakwil na ng Diyos na dapat nating mahalin, kundi tumutukoy ito sa ating mga kapitbahay sa sambahayan at hindi lumalampas sa hangganan ng sambahayan.
Ngunit, nakita ko na hindi natin dapat gawan ng anumang kasamaan ang mga masama sa ating paligid—ngunit ang ating mga kapitbahay na dapat nating mahalin ay yaong mga nagmamahal sa Diyos at naglilingkod sa Kanya."
(Nilagdaan) E. G. White.
Kinopya ni R. R. Chapin
(sa akin ang pagsasalin sa Tagalog)
Pag-usapan natin itong sinasabing pangitain. Hatiin natin ito sa tatlong bahagi:
1.) Ang Bibigat ng Sinabi Tungkol sa 'Shut Door' o Pagsasara ng Pintuan ng Awa sa Langit:
Ayon daw sa pangitain ni Ellen G. White, hindi na raw dapat sundin ng mga Adventista yung panalangin ni Hesus para sa kanyang mga kaaway. Ang dahilan daw, yung mga hindi nila kapananampalataya, hinatulan na raw ng Diyos dahil sa mga kasalanan nila nang magsara na ang pinto ng awa noong Oktubre 22, 1844.
Sabi ni Ellen G. White sa kanyang pangitain, inalis na raw ni Hesus ang kanyang 'espiritu at awa' sa mundo noong araw na iyon. Kaya raw, hindi na makikinabang ang mga 'masasamang tao' sa mga panalangin ng mga Adventista.
2.) Maling Interpretasyon sa Matthew 5:43-47:
Sa pangitain ding iyon, sinabi ni Ellen G. White na hindi na raw akma sa panahon nila yung pagtutuwid ni Kristo sa mga Hudyo at Pariseo sa Mateo 23. Sinabi niya ito para hindi isipin na nagmamataas ang mga Adventista noon, dahil nga hiwalay sila at hindi nakikisama sa mga tinatawag nilang 'masasama' at 'hinatulan na ng Diyos' nang magsara ang pinto ng awa noong Oktubre 22, 1844.
Ipinaliwanag din sa pangitain na ito kung sino yung tinutukoy na 'kapwa' sa Mateo 5:43 ("Mahalin mo ang iyong kapwa"). Sabi ni Ellen G. White, "Ang ating mga kapwa na dapat nating mahalin ay yung mga nagmamahal sa Diyos at naglilingkod sa Kanya," at ang ibig niyang sabihin ay ang ating mga "kapwa sa loob ng sambahayan at hindi lalampas sa sambahayan."
Pero, tandaan natin na yung pagkakaintindi niya sa Mateo 5:43 ay galing sa kanyang pangitain, hindi sa mismong kahulugan ng Bibliya, na iba ang sinasabi. Sa Mateo 5:47, sinabi ni Hesus, "At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang labis ninyong ginagawa? Hindi ba't ganyan din ang ginagawa ng mga Hentil?" Ang mga salitang ito ni Hesus ay direktang sumasalungat sa isang hindi tunay na propetang tulad ni Ellen G. White, na nagtuturo na ang 'kapwa' ay tumutukoy lamang sa mga kasama nila sa pananampalataya at hindi sa iba. Dahil hindi siya tunay na propeta ng Diyos at ang kanyang pangitain ay gawa-gawa lamang ng kanyang isip, humahantong ito sa isang mapanganib na maling pagpapaliwanag ng Salita ng Diyos. Nagbabala ang Diyos sa atin sa Jeremias 23:16:
"Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Huwag ninyong dinggin ang mga salita ng mga propeta na nanganghuhula sa inyo: sila'y nangagtuturo sa inyo ng walang kabuluhan; sila'y nangagsasalita ng pangitain ng kanilang sariling puso, at hindi mula sa bibig ng Panginoon."
Dahil sa pangitain ni Ellen G. White, sinabi niya na yung pagtutuwid ni Kristo sa mga mapagkunwaring Hudyo ay hindi na raw mahalaga sa panahon nila. Kaya ang nangyari, parang pwede nang maging katulad ng mga mapagkunwaring Pariseo ang mga Adventista noon, na nagmamahal lang sa mga kapwa nila sa relihiyon. Sabi rin ng ilan ngayon, ganito pa rin daw ang pag-iisip ng maraming Sabadista hanggang sa ngayon.
- Sabi nila, si R. R. Chapin daw ang gumawa ng pangitain, yung lalaking umalis sa simbahan ng mga Adventista noong 1854.
- Sabi nila, wala raw ibang 'mabigat' na sinabi si Ellen G. White tungkol sa Shut Door noong Oktubre 22, 1844 sa kahit anong sulat niya na lumabas na.
- Ayon kay D. E. Robinson, yung dokumento raw ay may petsang 1851, yung taon kung kailan wala na si Ellen White sa Camden, New York.
- Noong nasa Camden, New York si Ellen G. White noong 1850, nagkaroon siya ng pangitain, pero ito ay tungkol doon isang babaeng hindi mabuti ang pag-uugali.
- Si Brother Preston, na nakasaksi noong pangitain noong 1850, sabi niya, tungkol lang iyon sa babaeng iyon, hindi tungkol sa lahat ng makasalanan.
- Noong 1885, binanggit ni J. N. Loughborough ang isang dokumento na sinasabing Camden Vision. Sinabi niya na hindi niya ito itinuturing na totoo.
- Binanggit din ni F. D. Nichol yung pangitain, at nagpaliwanag tungkol sa pagkalito dahil dalawang beses bumisita si Ellen G. White sa Camden, New York. Yung pangitain noong 1850 sa Camden ay tungkol sa isang babaeng hindi mabuti ang pag-uugali. Noong Hunyo 21, 1851, nagkaroon si Ellen G. White ng pangitain tungkol sa pagtatakda ng panahon, at hawak ng Estate ang orihinal na sulat niyon. Yung pinagtatalunang Camden Vision ay may petsang Hunyo 29. [2]
Narito ang pitong pahayag ni Ellen G. White na nakita ni Uriah Smith na pasado sa kanyang tatlong pamantayan at isa-isa niyang sinubukang ipaliwanag mula raw sa maling pag-unawa ng mga kaaway:[4]
- "Nakita ko na natapos na ni Jesus ang kanyang pagiging tagapamagitan sa banal na lugar noong 1844."
- "Pumasok na siya sa kabanal-banalan, kung saan umaabot ngayon ang pananampalataya ng Israel."
- "Ngunit ngayon, ang Kanyang espiritu at simpatiya ay binawi na mula sa mundo; at ang ating simpatiya ay dapat makiisa kay Jesus"
- "ang mga masama ay hindi na maaaring makinabang sa ating mga panalangin ngayon"
- "masamang mundo na itinakwil na ng Diyos"
- "Parang buong mundo ay nahulog na sa patibong ng Spiritualism, na parang wala nang matitira ni isa man."
- "Tapos na ang panahon para sa kanilang kaligtasan"
- "Ngunit ngayon, ang Kanyang espiritu at simpatiya ay binawi na mula sa mundo; at ang ating simpatiya ay dapat makiisa kay Jesus"
- "ang mga masama ay hindi na maaaring makinabang sa ating mga panalangin ngayon"
- "masamang mundo na itinakwil na ng Diyos"
Ipinaliwanag pa ng The Ellen White Encyclopedia, pages 795-796:
"Bagaman kinikilala na ang kawalan ng orihinal na manuskripto ay hindi naman agad nangangahulugang peke ang isang pangitain ni Ellen White, nag-iingat pa rin sa pagtanggap sa nilalaman at mga salita ng mga kinopyang ulat."(sa akin ang pagsasalin sa Tagalog)
Ayon kay Dr. Gilbert Valentine, isang historian ng SDA church, propesor, hindi sapat na dahilan ang maling petsa ng Camden Vision noong Hunyo 29, 1851 para sabihing peke ito. Gumawa siya ng masusing pananaliksik na pinamagatang "Camden Vision Reconsidered," at malaki ang maitutulong nito para mas maintindihan natin ang tungkol dito.
Sa Footnote #448 ng research paper ni Dr. Valentine, nagbigay siya ng halimbawa ng manuskrito ni Ellen G. White na may parehong problema sa petsa, pero tinanggap pa rin ng White Estate Inc.
Sinasabi nilang kulang ang ebidensya, pero hindi iyan totoo. Sa mga ebidensyang nabanggit natin, malinaw na marami silang hindi pinansin na katibayan tungkol dito. Balikan natin ang konklusyon ni Dr. Gilbert Valentine:
"Bagama't ang Camden Vision ay malinaw na isang dokumentong mahalaga sa buong usapin ng 'Shut Door,' ang pagiging tunay o peke nito ay hindi dapat ibatay sa kung mas madali o mas kumbinyente itong ituring na peke, kundi sa bigat ng mga ebidensya. Batay sa mga ebidensyang tinalakay dito, may sapat na dahilan para tanggapin ang pangitain bilang tunay."
Sa madaling salita, ang gusto ni Dr. Valentine ay maging masusi tayo sa ating pag-aaral. Dapat nating suriin nang mabuti ang mga katibayan, sa halip na magdesisyon agad dahil lang sa gusto natin o sa ating kasalukuyang paniniwala. Ipinapakita niya na mahalagang pag-isipan nang malalim ang mga usapin tungkol sa kasaysayan at theology.
Conclusion:
Nagbabala si Apostol Pablo tungkol sa mga huwad na guro o propeta na nagtuturo ng ibang ebanghelyo sa Galacia 1:8:
"Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil." (Gal 1:8)
Ang maling turo ni Ellen G. White tungkol sa pagtatapos ng pagkakataong magsisi noong Oktubre 22, 1844, ay maituturing na "ibang ebanghelyo" dahil nagbibigay ito ng maling impormasyon tungkol sa tunay na katangian ng ating Panginoong Hesus. Binabaluktot nito ang tunay na mensahe ng kaligtasan at ipinapakita ang isang Diyos na tila walang awa at pagmamahal sa mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. Salungat ito sa mapagmahal na Diyos na inilalarawan sa Juan 3:16.
"Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan." (Joh 3:16)
Tandaan natin, ang pagmamahal ng Diyos ay hindi lamang para sa mga "nagmamahal sa Diyos at naglilingkod sa Kanya," tulad ng itinuturo ni Mrs. White, kundi para sa lahat ng "tao sa sanlibutan" (hindi lang sa mga kasama sa pamilya ng Diyos) na ayon sa Kasulatan ay "mga kaaway ng Diyos" (Roma 5:10), habang tayo ay "mga makasalanan" pa (Roma 5:8) at "mga mahihina" (Roma 5:6). Hindi natin kailangang maging mabuting tao muna para mahalin tayo ng Diyos. Ito ay kakaibang uri ng pagmamahal na mula sa langit, at ito ang uri ng pagmamahal na gustong makita ni Kristo sa bawat isa sa atin. Tinawag niya itong "sakdal na pag-ibig."
"Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal." (Mat 5:48)
Paano ipinakita ng Diyos Ama ang Kanyang sakdal na pag-ibig sa atin?
"Upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit: sapagka't pinasisikat niya ang kaniyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga ganap at sa mga hindi ganap. Sapagka't kung kayo'y iibig sa nangagsisiibig lamang sa inyo, ano ang ganti na inyong kakamtin? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis? At kung ang mga kapatid lamang ninyo ang inyong babatiin, ano ang kalabisan ng inyong ginagawa? hindi baga gayon din ang ginagawa ng mga Gentil? Kayo nga'y mangagpakasakdal, na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal." (Mat 5:45-48)
Ito ang tunay na kahulugan ng ebanghelyo: ang pagmamahal ng Diyos sa atin ay walang katapusan at hindi nakatali sa oras o kalendaryo. Ito ang pinaka-ugat ng tunay na ebanghelyo.
References:
[7] Gilbert M. Valentine, Camden Vision Reconsidered, binanggit sa The Shut Door and the Sanctuary-Historical and Theological Problems.
[8] ibid.
[9] ibid. Appendix XVIII
[12] The Ellen White Encyclopedia, p. 684
[13] Desmond Ford, Daniel 8:14, The Day of Atonement and the Investigative Judgment, p. 372

Friday, April 4, 2025
"KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS, VERSE-BY-VERSE ON MATEO 5:17-18 - "HINDI LILIPAS ANG 10 UTOS?"
Challenge ng mga Sabadista:
"Bakit ninyo sinasabi na hindi na natin kailangang sundin ang Sampung Utos, gayong sinabi ni Jesus:
- "Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang sirain ang kautusan o ang mga propeta: ako'y naparito hindi upang sirain, kundi upang ganapin" ayon sa Mateo 5:17.
- At sinabi pa niya sa verse 18, kahit "isang tuldok o isang kudlit, sa anomang paraan ay hindi mawawala sa kautusan."
- Ang "nomos" o kautusan ay tumutukoy sa lahat ng 613 utos sa lumang tipan.
- Sinabi ni Hesus na kanyang tutuparin ang kautusan, at walang maliit na bahagi nito ang mawawala.
- Kung ang kautusan ay hindi mawawala, kung gayon lahat ng 613 utos ay dapat sundin.
- Ang paghihiwalay ng sampung utos mula sa 603 na ibang utos ay salungat sa sinabi ni Hesus
Ang Kautusan at mga Propeta: Old Testament Scriptures
Kailangan nating ipaliwanag nang maayos sa mga Sabadista na ang tinutukoy ni Cristo na hindi niya sisirain kundi tutuparin ay hindi ang mismong 'kautusan'. Ipakita natin sa kanila ang talata mismo at ipabasa muli. Nakasulat sa verse 17 ay 'ang kautusan o ang mga propeta', hindi 'ang kautusan'.
- Ang Mateo 5:17-18 ay tumutukoy sa buong Lumang Tipan, hindi sa sampung utos.
- Kailangang maunawaan ng mga Sabadista na ang 'kautusan at mga propeta' ay magkasama at hindi dapat paghiwalayin.
- Ang totoong mensahe ng Mateo 5:17-18 ay ang lubos na pagtitiwala kay Jesus bilang tagapagligtas natin, at ang pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos na nakasulat sa buong Lumang Tipan.
Sagot:

Thursday, April 3, 2025
THE GOOD NEWS OF JUDGMENT: NOT FOUND IN THE SDA 1844 INVESTIGATIVE JUDGMENT

"KASAGUTAN PARA SA MGA SEVENTH-DAY ADVENTISTS, VERSE-BY-VERSE SA MATEO 28:19 - "AMA, ANAK AT ESPIRITU SANTO AY THREE HOLIEST BEINGS?"
“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:” (Mat 28:19)
- SDA Fundamental Belief#2:"There is one God: Father, Son and Holy Spirit, a unity of three co-eternal Persons."
- Traditional Christianity: "There is one God in three persons: the Father, Son, and Holy Spirit."
Tagalog: "May isang Diyos sa tatlong persona: ang Ama, Anak, at Espiritu Santo."
- Nagbibigay-din sa "Triune" na Kalikasan: Ito ay nagpapaliwanag na may iisang Diyos, pero may tatlong magkakaibang persona. Pinapakita nito ang balanse sa pagiging iisa ng Diyos at ang tatlong persona na bumubuo sa Kanyang pagka-Diyos.
- Gamit ang "persons" na maliit ang titik: Ang paggamit ng 'persons' na may maliit na letra 'p' ay nagpapakita ng tradisyonal na paniniwala ng mga Kristiyano noon pa, na nagbibigay-diin sa pagiging iisa ng Diyos at ang magkakapantay pero magkakaibang papel ng bawat persona sa loob ng Trinity.
Tagalog: "May isang Diyos: Ama, Anak, at Espiritu Santo, isang pagkakaisa ng tatlong magkasamang walang-hanggang Persona."
- Nagbibigay-diin sa "pagkakaisa" imbis na "pagiging isa" ng tatlong persona: Pinapaliwanag dito na ang 'pagkakaisa' ng tatlong Persona (Ama, Anak, at Espiritu Santo) ay parang grupo ng magkakahiwalay na indibidwal.
- Gamit ang "Persons" na malaking titik: Kapag ginamit ang 'Persons' na may malaking 'P,' ayon sa mga tuntunin ng Ingles, pinapakita nito na magkakaiba at may sariling personalidad ang bawat isa sa Trinity, parang magkakahiwalay silang individual body, pero nagkakaisa pa rin. Tumutugma ito sa turo ni Ellen G. White na nagkakaisa lang sila sa isip at layunin, hindi bilang 'iisang Being' sa pagka-Diyos. Sa isang sulat ng mga Sabadista na pinamagatang 'The Quest for a Biblical Trinity: Ellen White's "Heavenly Trio" Compared to the Traditional Doctrine,' ipinaliwanag ni Dr. Jerry Moon, isang theologian ng mga Sabadista, kung paano naiiba ang pagkakaintindi ni Ellen G. White sa pagkakaisa ng Diyos kumpara sa tradisyonal na Kristiyanismo
"Inilarawan niya ang pagkakaisa ng Ama, Anak, at Espiritu Santo sa paraang relational na unawa kaysa sa katangian. Habang ang tradisyonal na doktrina ay tumutukoy sa pagka-Diyos batay sa “being” o “substance,” nakatuon siya sa mga aspeto ng ugnayan sa kanilang pagkakaisa—isang pagkakaisa sa “layunin, kaisipan, at karakter.”[2]
Ginagamit din ni Ellen G. White ang pagkakaisa ng mga disipulo ni Jesus para ipaliwanag kung paano nagkakaisa si Jesus at ang Diyos Ama. Ito ang paliwanag ni Dr. Jerry Moon:
"Ang konsepto ng pagkakaroon ng maraming persona sa pagkakaisa ng relasyon ay nagiging mas malinaw sa Bagong Tipan. Halimbawa, nanalangin si Cristo na ang mga naniniwala sa Kanya ay maging “iisa” gaya Niya at ng Ama na “iisa” (Juan 17:20–22). Sinasabi ni Ellen White ang sipi na ito bilang patunay ng “personality ng Ama at ng Anak,” at bilang paliwanag ng “pagkakaisa na umiiral sa pagitan Nila.” Sumulat siya: “Ang pagkakaisa na umiiral sa pagitan ni Cristo at ng Kanyang mga alagad ay hindi sumisira sa personalidad ng bawat isa. Sila ay nagkakaisa sa layunin, sa pag-iisip, sa karakter, ngunit hindi sa persona. Ganito rin ang pagkakaisa ng Diyos at ni Cristo.”(sa akin ang pagsasalin sa Tagalog)[3]
"Here is where the work of the Holy Ghost comes in, after your baptism. You are baptized in the name of the Father, of the Son, and of the Holy Ghost. You are raised up out of the water to live henceforth in the newness of life—to live a new life. You are born unto God, and you stand under the sanction and the power of the three holiest beings in heaven, who are able to keep you from falling."[4]
"Sa ganitong paraan, nakatanggap siya ng patunay sa pamamagitan ng mga pangitain sa isinulat ng kanyang asawa ilang taon na ang nakalipas sa isang pahayagan ng mga Millerite. Ipinaliwanag ni James White ang Judas 4, tungkol sa mga 'nagkakaila sa tanging Panginoong Diyos at sa ating Panginoong Jesucristo,' at sinabi niya na 'ang uring ito ay walang iba kundi yaong mga ginagawang espirituwal ang pag-iral ng Ama at ng Anak bilang dalawang magkahiwalay, literal, at nahahawakang persona. . . . Ang paraan kung paano ginawang espirituwal ng iba ang tanging Panginoong Diyos at ang ating Panginoong Jesucristo ay sa pamamagitan ng paggamit ng matandang hindi maka-Kasulatang trinitarianong kredo’ (James White, sa Day-Star, Enero 24, 1846). Maliwanag na sumang-ayon si Ellen White sa kanyang asawa na si Cristo at ang Ama ay ‘dalawang natatangi, literal, at nahahawakang persona."(sa akin ang pagsasalin sa Tagalog)[5]
Itong punto na ito ay malinaw na ebidensya galing sa mismong mga sulat ng mga Sabadista, na hindi alam ng karamihan sa kanila, pati ng mga nagtatanggol sa kanila. Hindi kailanman ginamit ng tradisyonal na Kristiyanismo ang 'three holiest beings' para tukuyin ang tatlong persona. Mali ang gamit ng salitang ito, dahil hindi ito ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa Trinidad, at pwede itong humantong sa maling paniniwala na may tatlong Diyos.
2.) Ano ang talagang ibig sabihin ng mga theologians ng Seventh-day Adventists na nagbuo ng SDA Statement of Belief #2?
Parang okay naman ang SDA Statement of Belief #2 sa unang basa, kasi parang sumusunod sa tradisyonal na paniniwala ng mga Kristiyano tungkol sa Trinity. Pero ang totoo, iba pala ang ibig sabihin nila, kaya tinuturing itong heresy. Sabi nila, 'May isang Diyos: Ama, Anak, at Espiritu Santo, isang pagkakaisa ng tatlong magkasamang walang-hanggang Persona.' Pansinin niyo, hindi nila sinabing 'iisang Diyos sa tatlong persona' kundi 'isang pagkakaisa ng tatlong persona.' Ibig sabihin, parang grupo lang sila ng tatlong magkakahiwalay na beings na nagkakaisa.Ang konsepto ng "tatlong diyos" na ito ay hindi tinutulan ng mga kasapi ng komite ng mga Seventh-Day Adventist theologians na naghanda ng Statement of Belief #2, na malinaw na mga tagasuporta ng "tritheism." Suriin natin ang kanilang mga naitalang sesyon at ang mga terminolohiyang ginamit, na walang dudang sumusuporta sa tritheism imbis na Trinitarianism. Hindi ito kayang pasinungalingan ng mga Sabadista.
LEIF HANSEN:
"Kapag pinag-uusapan ang Trinity, lagi itong komplikado. Kaya iniisip ko, baka pwedeng sabihin na lang natin na 'nagkakaisa sila sa layunin' para maiwasan na yung usapan tungkol sa pisikal na pagiging isa nila." (sa akin ang pagsasalin sa Tagalog)
NEAL C. WILSON [6]:
"Naiintindihan ko ang punto mo. Siguro mas mabuting sabihin natin na 'nagkakaisa sila sa layunin' kaysa 'pisikal na nagkakaisa sila." (sa akin ang pagsasalin sa Tagalog)
Para hindi maguluhan ang mga tao, sinabi ni Leif Hansen na mas mabuting sabihin na lang na 'nagkakaisa ang Diyos sa layunin' kaysa sabihing 'pisikal silang nagkakaisa.' Kasi, kung naniniwala ang mga Sabadista na tatlong magkakahiwalay na katawan ang Diyos, mahihirapan silang ipaliwanag kung paano sila magiging pisikal na iisa. Kaya, sa mga sermon nila sa kanilang mga churches, focus sila sa 'pagkakaisa sa layunin.' Sang-ayon dito si Neal C. Wilson, at sinabing mas tama ngang sabihin na 'nagkakaisa sa layunin' silang tatlo.
"Ang panganib ng paniniwala sa tritheism, na maaaring mangyari sa ganitong posisyon, ay nagiging totoo kapag ang pagkakaisa ng Diyos ay ginawang parang simpleng pagsasama-sama lang, tulad ng isang grupo ng tao o organisasyon." (sa akin ang pagsasalin sa Tagalog) [7]
Sunod, tatalakayin natin ang mga sinabi ni J.G. Bennett tungkol sa kanilang paniniwala:
J. G. BENNETT:
"Ang pagpapaliwanag tungkol sa Diyos at sa Trinity ay laging gumagamit ng pangngalang 'Siya'. Kapag pinag-uusapan ang Ama, Anak, at Espiritu Santo, pareho rin ang ginagamit nating panghalip na 'Siya'. Kinikilala at tinatanggap ko ang Trinity bilang isang grupo na nagkakaisa, pero nahihirapan akong gamitin ang panghalip na 'Siya' para tukuyin ang Trinity o ang Diyos." (sa akin ang pagsasalin sa Tagalog)
Sabi ni J.G. Bennett, tanggap niya na ang Trinity ay isang 'grupo na nagkakaisa' o 'collective unity'. Kaya, yung obserbasyon natin na mali ang pagkakapahayag nila sa SDA Fundamental Belief #2, na nagsasabing 'isang Diyos: Ama, Anak, at Espiritu Santo, isang pagkakaisa ng tatlong magkasamang walang-hanggang Persona,' kung saan parang grupo lang sila ng tatlong 'banal na individual na persona,' ay malayo sa tradisyonal na paniniwala ng mga Kristiyano noon na 'Iisang Diyos sa Tatlong Persona.' Yung paniniwala nilang parang may tatlong diyos ay lalong pinatunayan ng sinabi ni W.R. Lesher sa sesyon na yun. Sabi niya:
W. R. LESHER: "Sa tingin natin, nagkakaisa ang Diyos sa layunin. Pero, siyempre, misteryo ang Diyos. At hindi natin lubos na maintindihan kung paano sila nagkakaisa, maliban sa layunin nila. Yung konsepto ng tatlong nilalang na iisa ay talagang misteryo, at sa palagay ko, hindi natin dapat subukang ipaliwanag ang lahat ng misteryong iyon." (sa akin ang pagsasalin sa Tagalog)
Paano ito mapapasinungalingan ng mga kaibigan nating Sabadista, kung ang mga mismong gumawa ng kanilang SDA Fundamental Belief #2 ay mga tagasuporta ng Tritheism o paniniwala sa tatlong diyos?
References:
- Roman Catholic (Katoliko)
- Eastern Orthodox
- Protestant

MOST POPULAR POSTS
-
“Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at...