Nais ko po ibahagi ang naging talakayan namin ng isang Seventh-day Adventist na nagtanong sa akin sa Facebook messenger. Ang tanong ay nagsimula sa tanong kung bakit iniwan ko ang SDA church na dati kong ipinagtatanggol at nauwi ito sa tanong na kung anong kautusan ngayon ang aking sinusunod. Nakita ko po na makakatulong din po ito para sa iba na nagnanais na maibahagi din ang gospel sa kanilang mga SDA friends and relatives. Hindi ko na nilagay ang pangalan ng nagtanong dahil hindi ko na ipinaalam sa kanya na ipopost ko dito ang naging usapan namin. Nagpapasalamat din ako sa kanyang sincere na mga tanong. Sana buksan din ng Panginoon ang kanyang puso upang maunawaan ang gospel ni Cristo. Dalangin ko sa Panginoon na kahit paano ay marami po ang ma-bless sa usapang ito. To God be the glory!
SDA:
Bat niyo po iniwan ang SDA? Diba tagapagtanggol po kayo doon?
Galacia 1:13-14 ASND
"Alam naman ninyo ang dati kong pamumuhay noong kasapi ako sa relihiyon ng mga Judio. Inusig ko nang lubos ang iglesya ng Dios at sinikap ko itong lipulin. At tungkol naman sa pagsunod sa relihiyon ng mga Judio, nahigitan ko ang marami sa mga kaedad ko, dahil tapat kong sinunod ang mga tradisyong nanggaling pa sa mga ninuno namin."
Galacia 2:15-16, 20-21 ASND
"Kaming mga ipinanganak na Judio ay iba sa mga hindi Judio na itinuturing ng mga kapwa naming Judio na makasalanan. Ngunit alam namin na ang tao ay itinuturing na matuwid ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo at hindi sa pagsunod sa Kautusan. Kaya nga kaming mga Judio ay sumampalataya rin kay Cristo Jesus para maituring na matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Sapagkat walang sinumang maituturing na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan."
"Namatay akong kasama ni Cristo sa krus. Hindi na ako ang nabubuhay sa aking sarili, kundi si Cristo na. Ipinapamuhay ko ang buhay kong ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Dios na nagmahal sa akin at nag-alay ng buhay niya para sa akin. Hindi kobinabalewala ang biyaya ng Dios, dahil kung maituturing na matuwid ang tao sa pamamagitan ng Kautusan, walang saysay ang pagkamatay ni Cristo!"
"Anong pakikinabangin, mga kapatid ko, kung sinasabi ng sinoman na siya'y may pananampalataya, nguni't walang mga gawa? makapagliligtas baga sa kaniya ang pananampalatayang iyan? Gayon din naman ang pananampalataya na walang mga gawa, ay patay sa kaniyang sarili. Oo, sasabihin ng isang tao, Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at ako sa pamamagitan ng aking mga gawa ay ipakita sa iyo ang aking pananampalataya."
Santiago 2:18
"Oo, sasabihin ng ISANG TAO, Ikaw ay mayroong pananampalataya, at ako'y mayroong mga gawa: ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang hiwalay sa mga gawa, at ako SA PAMAMAGITAN NG AKING MGA GAWA ay ipakita sa iyo ang AKING PANANAMPALATAYA."
Meaning, need natin patunayan sa MGA TAO ang ating Cristianong mga pamumuhay na tunay na tayo ay mga mananampalataya na ni Cristo. Hindi kasi nakakabasa ng puso o motibo ang mga tao hindi tulad ng Diyos kaya sapat na ang pananampalataya natin sa Kanya. Hindi po tayo gumagawa ng mabuti upang tayo ay maging matuwid sa harapan ng Diyos para maligtas, kundi ang mga mabubuting gawa na ginagawa natin na nakikita ng mga tao ay isang matibay na patotoo natin na ang Diyos, sa Kanyang biyaya, ay patuloy na binabago ang buhay ng mga nagbabalik loob sa Kanya sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.
Tito 2:11-14, ASND
“Sapagkat ang biyaya ng Dios na nagbibigay ng kaligtasan ay inihayag na sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Kaya mamuhay tayo sa mundong ito nang maayos, matuwid at makadios habang hinihintay natin ang napakagandang pag-asa, na walang iba kundi ang maluwalhating pagbabalik ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan, at upang tayoʼy maging mamamayan niya na malinis at handang gumawa ng mabuti.”
"Pero kautusan na po ni Cristo ang dapat nating sundin at gawin. Ano po bang kautusan ni Cristo ang nasa religion nio po ngayon?"
"Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang utos ni Cristo."
Juan 15:10, ASND
"Kung sinusunod ninyo ang mga utos ko, mananatili ang pag-ibig ko sa inyo. Katulad ko, sinusunod ko ang utos ng aking Ama, kaya nananatili ang kanyang pag-ibig sa akin."
Juan 15:12-14, 17 ASND
"Ito ang aking utos sa inyo : magmahalan kayo katulad ng pagmamahal ko sa inyo. Wala nang pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Mga kaibigan ko kayo kung sinusunod nʼyo ang aking mga utos." Ito nga ang utos ko sa inyo: magmahalan kayo.”
Mateo 22:36-40, ASND
'“Guro, ano po ba ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Jesus, “ ‘Mahalin mo ang Panginoon mong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip.’ Ito ang pinakamahalagang utos sa lahat. At ang ikalawang pinakamahalagang utos ay katulad din nito: ‘Mahalin mo ang iyong kapwa katulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.’ Ang buong Kautusan ni Moises at ang mga isinulat ng mga propeta ay nakasalalay sa dalawang utos na ito.”
Ayon mismo kay Panginoong Jesus, ang law of LOVE ang pinakamahalagang utos sa lahat hindi ang pangingilin ng Sabbath o hindi pagkain ng baboy. Ang law of LOVE ang foundation or basehan ng lahat ng mga kautusan ng Diyos kasama na ang 10 utos.
Ito din ang aral ng mga apostol ni Cristo. Sinabi ni apostol Pablo:
"Ang mga kautusang, “Huwag kang mangangalunya, huwag kang papatay, huwag kang magnanakaw, huwag kang mag-iimbot,” at ang iba pang mga utos ay napapaloob sa iisang utos: “Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.” Huwag kayong mananatiling may utang kaninuman, maliban sa utang ng pagmamahalan. Sapagkat ang nagmamahal sa kapwa ay tumutupad sa Kautusan. Ang taong nagmamahal ay hindi gumagawa ng masama sa kanyang kapwa. Kaya kung nagmamahalan tayo, tinutupad natin ang buong Kautusan."
Kaya ako bilang isang Cristiano na ngayon, ay namumuhay na ayon sa law of Love ni Cristong Panginoon natin. Ang pag-ibig ay the pinakamahalagang commandment para sa kanyng mga anak sa ilalim ng new covenant. Ang commandment na ito ay eternal. Ito ang law na nag-eexist sa langit bago pa man likhain sina Adan at Eva at ito din ang law hanggang sa new heaven and new earth.
SDA:
Bro kaya niyo po bang harapin si Pastor Ferdinand Camacho ng SDA? Sa isang Voice call debate po ?
OBIDOS:
OBIDOS:
No comments:
Post a Comment