FEATURED POST

"PAGLALANTAD SA MGA KASINUNGALIAN NI PASTOR BJORN CAPIENDO AT JOHNSON AMICAN TUNGKOL SA “THREE HOLIEST BEINGS” NI ELLEN G. WHITE!"

Ang live na episode ng 'Katotohanan' sa Hope TV kung saan tinalakay nina Johnson Amican at Pastor Bjorn Capiendo ang konsepto ng Tri...

MOST POPULAR POSTS

Tuesday, October 10, 2023

QUESTION: BAKIT WALANG SINULAT SI PABLO TUNGKOL SA SABBATH?


 Question:

Bakit kaya ang Apostle ng mga Gentiles na si Pablo never sinulat sa kanyang aklat na mag sabbath ang Kristiyano? 

Answer:

    Sumulat naman si Pablo tungkol sa Sabbath pero negative, pang discourage sa mga Kristiyano na huwag ng ipangilin ang "physical rest" na 7th day Sabbath ng mga Judio na isa lamang aninong lipas na sa Lumang Tipan at ang katuparan ay kay Kristo na ngayon ay ating "spiritual rest" (Matt. 11:28-30).

“Sinoman nga ay huwag humatol sa inyo tungkol sa pagkain, o sa paginom, o tungkol sa kapistahan, o bagong buwan o araw ng sabbath: Na isang anino ng mga bagay na magsisidating: nguni't ang katawan ay kay Cristo.” (Colossians 2:16-17, Tagalog AB)

    Si Cristo na ang Sabbatismos ng mga Kristiyano. Si Cristo ang "ISANG natitirang Sabbath para sa bayan ng Diyos" ayon sa Hebreo 4:9.

“May natitira pa ngang isang pamamahingang sabbath, ukol sa bayan ng Dios.” (Hebrews 4:9, Tagalog AB)

    Kapag sinabing "natitira pa ngang isang pamamahingang Sabbath", malinaw na isang spiritual Sabbath na lang ang natitira. Kung gayon, hindi dalawa ang Sabbath sa NT: 1.) 7th day Sabbath (weekly) at 2.) Sabbatismos (spiritual rest o ayon mismo kay Ellen White ay "rest of grace" [1]. Isang uri na lang ng pamamahingang "Sabbath" (Grk. Sabbatismos=rest of grace) ang natitira ngayon para sa mga tunay na Kristiyano kasi lumipas na ang aninong physical 7th-day rest ng Mosaic law. Hindi sasabihin ng talata na may natitira pang "ISANG pamamahingang Sabbath" kung umiiral pa din pala ang physical na weekly Sabbath ng Mosaic law at magiging dalawa na ang uri ng Sabbath ngayon. Hindi maaaring magkamali ang Biblia. Dalawa lang ang pagpipilian: Mali ang Biblia o tayo ang mali ng interpretation.

    Kaya tayong mga Kristiyano ngayon ay nasa "rest of grace" na, at hindi sa physical 7th-day weekly Sabbath ng mga Judio. Araw-araw na nating mararanasan ang kapahingahan ng ating mga kaluluwa sa pamamagitan ng ating pananampalataya kay Cristo na ating Panginoon at Tagapagligtas at hindi tuwing ikapitong araw lamang.


Support Former Adventist Fellowship Philippines Ministry

Gcash 09695143944
PAYPAL: paypal.me/backtothescriptures
BPI bank: Ronald V. Obidos Savings Acct# 3259022419
Email: formeradventist.ph@gmail.com







No comments:

Post a Comment