MOST POPULAR POSTS

Monday, January 8, 2024

FAFP'S BIBLICAL PERSPECTIVE: "PISTA NG ITIM NA NAZARENO?"

Sa bagong serye na "FAFP'S BIBLICAL PERSPECTIVE", tatalakayin natin ang ilang mga usapin ng pananampalataya na hindi tuwirang nauugnay sa doktrina ng mga Seventh-day Adventist. Sa unang edisyon na ito, napapanahon na bigyang pansin ang darating na prusisyon ng itim na Nazareno ng mga Romano Katoliko sa January 9, 2024. Ating bibigyang linaw ang ilang mahahalagang katanungan hinggil dito:

Ang Pinagmulan ng Pista ng Itim na Nazareno  

Ang Pista ng Itim na Nazareno o Traslacion[1] ay isang relihiyosong kapistahan ng mga Romano Katoliko sa Pilipinas na ginaganap taun-taon tuwing Enero 9 sa Maynila. Ito ay pag-aalala sa anibersaryo ng pagsasalin o paglipat ng imahen mula sa orihinal nitong lokasyon sa San Juan Bautista sa Bagumbayan (ngayon ay Luneta) hanggang Quiapo, nang unang matanggap ang estatwa noong January 9, 1868. Mula noon, dahil sa maraming diumano nasagot na mga dasal at mga himala, ang mga tao ay nagdiriwang ng pista tuwing Enero 9.

Ito ay nakasentro sa Itim na Nazareno, isang rebulto ni Hesukristo, at ipinagdiriwang ng mga deboto na naniniwala na ang imaheng ito ay naghihimala. Ito ay pinaniniwalaang may himalang kapangyarihan, at ang pisikal na paghawak sa imahen ay sinasabing nagdudulot ng mga himala at paggaling sa mga sakit.

ZZ

Ang imahen ng Itim na Nazareno ay umano'y inukit ng isang hindi kilalang Mexicanong sculpturist noong ika-16 na siglo at dinala sa Pilipinas noong May 31, 1606 ng mga Augustinian Recollect misssionaries. May dalawang teorya kung bakit maitim ang inukit na imahen ng Nazareno:

1. Maaaring dahil sa nasunog ito sa barkong sinasakyan nito mula Mexico patungong Maynila.[2]

2. Isa pang dahilan ay ang paggamit ng itim na kahoy sa paggawa ng mga imahen. Ang itim na kahoy ay may espesyal na katangian at simbolismo sa sining at kultura.

3. Isa pang teorya na lumalabas tungkol sa kulay ng Nazareno ay ang sinasadyang pagpapaitim nito ng mga gumuhit at gumawa nito, na mga Mexican-Indian. Ayon sa teoryang ito, ginawa nila ito bilang isang paraan ng pagpapakita ng kanilang pagkakakilanlan at pagmamalaki sa kanilang lahing kayumanggi.

Gayunpaman, wala talagang katiyakan ang sanhi ng itim nitong kulay at ang mga ito ay pawang mga pagpapalagay lamang. Ang imahen ay may natatanggal na ulo at gumagalaw na mga braso at balikat, na ginamitan ng molave at batikuling na kahoy kumpara sa orihinal na mahogany na kahoy. Noong 1990s, ang orihinal na ulo ng imahen ay inilipat sa isang bagong replikang katawan at permanenteng inilagay sa pangunahing altar ng basilika para sa pangangalaga. Ang orihinal na katawan naman ay kinabitan ng isang replika ng ulo at ito ang ngayon ang dinadala sa mga prusisyon.[3]

Ano ang Pananaw ng Biblia tungkol dito? 

Ang Pista ng Itim na Nazareno ay hindi nabanggit sa Biblia. Maging ang mga autoridad Katoliko ay alam nila na ito ay hindi mababasa sa Biblia at hindi sila nababahala dahil hindi sila nananiwala sa prinsipiyo ng "Sola Scriptura" (Scripture alone) na pinanghahawakan ng mga Protestante na natatanging batayan o final authority pagdating sa doctrines and practices ng isang Kristiyano. Ang authority ng Pista ng Itim na Nazareno ay mas kinikilala ng mga Romano Katoliko na nakabatay sa "Tradition" kaysa Biblia. Ang Pistang ito ay may basbas ng Papa sa Roma mula pa noon. 

Ayon kay Msgr. Jose Clemente Ignacio, rector of the Minor Basilica of the Black Nazarene, kinilala ni Pope Innocent X ang matibay na debosyon ng mga Pilipino sa Itim na Nazareno ng Maynila noong 1650.[4] Binanggit din Msgr. Ignacio na hindi lubos na naunawaan ng ilang mga Roman Catholic theologians ang popular na debosyong relihiyoso sa imaheng ito ng mga Pilipino. Hinikayat ito ng Second Vatican Council at hindi itinakwil ang tradisyon na ito. Maging si Pope Francis ay hiniling na suportahan at palakasin ang Pistang ito upang maunawaan at makahanap ng kahulugan ang mga deboto para sa kanilang kabanalan.

Noong January 10, 2015, lumabas sa isang article ng Rappler ang debate tungkol dito. Mababasa sa article na Netizens debate on idolatry, bible verses, and religion [5] na isang grupo ng mga evangelical Christians ay hayagang ipinangaral sa mga deboto ng Itim na Nazareno habang nasa prusisyon na ang kanilang ginagawa ay hayagang paglabag sa kalooban ng Diyos laban sa idolatriya at ito isang mabigat na kasalanan. 


Ayon sa article na ito ng Rappler,

Netizens, however, shared varying opinions on the preachers’ interpretation of the bible. Days before the visit of Pope Francis to the country, netizens resurrected the long-running debate on the correct interpretation of the bible, idolatry, religion, and faith.

Sa madaling salita, hindi basta pinaniwalaan ang pangangaral ng evangelical preachers dahil mali ang kanilang interpretation ng Biblia lalo na sa issue ng "idolatry" na kanilang ipinukol sa mga deboto ng Itim na Nazareno. Kinwestiyon agad ang kanyang maling interpretasyon ng Bible, "Some netizens argued that the preachers misinterpreted the bible by taking its verses literally." Ayon pa sa isang nagngangalang Ferdz Santos, “God did not forbid the religious [use] of statues; He forbade the worship of statues. The worship of statues…Images, icons, statues, they are all reminders of God’s Three Divine Persons. Catholics do not adore or worship these images, icons and statues. They adore and worship He who is represented by these man made objects." Dagdag pa ng Rappler, "There’s a large difference between idolatry and venerating saints and images, it’s their faith, so let them be."

Ayon sa isang nagngangalang Yul Dorotheo, hindi dahilan na mali ang debosyon sa Itim na Nazareno porke hindi ito mababasa sa Biblia dahil "Not everything is written in the Bible. Does the Bible say anything about computers, space flight, invitro fertilization, or the Internet? It is our interpretation of the Bible that is applied to these things, and fortunately or not, some Christians have different interpretations from other Christians,”

Evaluation

Bible interpretation nga ba ang issue sa usaping ito? Ang tamang unawa ba sa Biblia ay naka-depende na lang kung ano ang interpretation ng bawat indibidwal na bumabasa nito? Ang interpretation ba ng Biblia ay nakasalalay kung ang isa ay Romano Katoliko o Protestante? Maaari bang maging tama pareho ang dalawang magkasalungat na interpretasyon? Kung hindi alin ang tama at sino ang may final authority na magsabi kung sino ang tama?

Una sa lahat, dapat isa lang talaga ang tama o katotohanan. Ito ay naaayon sa law of logic na na tinatawag na The Law of Non-Contradiction. Ang law of non-contradiction o LNC ay isang pangunahing prinsipyo sa lohika na nagsasabi na ang mga magsalungat na proposisyon ay hindi maaaring maging parehong totoo sa parehong kahulugan sa parehong oras [6].

Kung gayon, hindi maaaring tama at ayon sa kalooban ng Diyos ang Pista ng Itim na Nazareno at the same time ay mali at hindi naaayon sa kalooban ng Diyos ang Pista ng Itim na Nazareno. Ang nag-iisang Diyos ng nag-iisang Biblia ay may tiyak na may nag-iisang kalooban din tungkol sa bagay na ito lalo na tungkol sa pagsamba sa Kanya. Ayon kay Jesus may hinahanap ang Diyos Ama ang mga tunay na sumasamba sa Kanya,

"Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya. Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan."(John 4:23-24 Tagalog AB)

May ilang mahahalagang punto sa mga talatang ito na dapat nating maunawaan at ipamuhay ayon mismo sa mga salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo:

1.) Ang hinahanap ng Diyos Ama ay mga "tunay na mananamba" Niya dahil maraming peke at mali ang uri ng pagsamba.

Dito pa lang sa puntong ito ay maliwanag na hindi lahat ng uri ng pagsamba o debosyon ay katanggap-tanggap sa Diyos. Ang kabaligtaran ng 'tunay na pagsamba' ay 'di-tunay o huwad na pagsamba.' Ayon sa Vine's Complete Expository Dictionary, ang adjective na 'tunay' o 'true" ay mula sa salitang Greek na alethinos (ἀληθινό) na kapag iniugnay sa isang salita tulad ng "pagsamba" ay sinasabi nito na ang pagsamba na hinahanap ng Diyos ay "real, ideal, genuine" at hindi nakabatay sa subjective feelings o nararamdaman ng sinumang tao. 

Ang standard ng kung ano ang tama at mali lalo na sa pagsamba sa Panginoong Diyos ay hindi ang damdamin o nararamdaman ng tao na alam naman nating hindi reliable at madalas nadadaya tayo ng ating mga damdamin. Kaya nga may babala ang Panginoon sa Jeremias 17:9 na "Ang puso ay magdaraya ng higit kay sa lahat na bagay, at totoong masama: sinong makaaalam?" Tanging ang nasusulat na Salita lamang ng Diyos na nasa Biblia ang tanging hndi nagkakamaling standard o final authotity ng sinumang nag-aangkin na Kristiyano tungkol ssa kanyang pananampalataya at pagsamba,

"At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpadunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Ang lahat ng mga kasulatan na kinasihan ng Dios ay mapapakinabangan din naman sa pagtuturo, sa pagsansala, sa pagsaway, sa ikatututo na nasa katuwiran: Upang ang tao ng Dios ay maging sakdal, tinuruang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti." (2 Timothy 3:15-17 Tagalog AB)

Maliwanag na ang final authority ng faith and practice ng isang tunay na mananambang Kristiyano ay ang banal na kasulatan o ang Biblia. Ang salita ng Diyos lamang ang may karapatan na magsabi lung ano ang tama at mali. Bakit? Dahil itong banal na kasulatan lamang ang tanging kinasihan o "God-breathed" ng Diyos. Hindi kasama dito mga Tradisyong Romano Katoliko tulad ng Pista ng Itim na Nazareno na pawang kathang-isip lamang ng mga makasalanag mga tao. Ang sinumang tao maging Romano Katoliko man o Protestante ang may authority mag interpret ng Bible. Hindi ginawa ang Bible para iinterpret lamang ng sinumang tao na naaayon lamang sa gusto niyang palabasin. Pinatunayan ito ni apostol Pedro,

"Higit sa lahat, unawain ninyong walang makakapagpaliwanag ng alinmang propesiya sa Kasulatan sa sariling kakayahan, sapagkat ang pahayag ng mga propeta ay hindi nagmula sa kalooban lamang ng tao; ito'y galing sa Diyos at ipinahayag ng mga taong nasa ilalim ng kapangyarihan ng Espiritu Santo." (2 Pedro 1:20-21 RTPV)
.
Kaya may katotohanan po ang ipinangangaral ng mga evangelical Christians na nabanggit sa article ng Rappler, na ang pagpuprusisyon ng Itim na Nazareno ay isang idolatriya dahil hindi na sa biblical na Cristo nakatuon ang pansin ng mga tao kundi sa rebulto na ng "Itim na Nazareno!" na wala na talaga sa katotohanan. Ibang "Jesus" na ang sinasamba ng mga Romanong Katolikong deboto. Ang Itim na Nazareno ay hindi ang Jesus of Nazareth ng Biblia! Natutupad lamang sa kanila ang sinasabi sa 2 Corinto 11:4,

"Sapagka't kung yaong paririto ay mangaral ng ibang Jesus, na hindi namin ipinangaral, o kung kayo'y nagsisitanggap ng ibang espiritu na hindi ninyo tinanggap, o ibang evangelio na hindi ninyo tinanggap, ay mabuting pagtiisan ninyo." (2 Corinthians 11:4 Tagalog AB)

Bakit kaya pinababayaan ng mga Pareng Katoliko na nag aral ng theology ng mahigit 10 years itong mga kawawang mga membro nila?

Kaya walang anumang pakinabang ang mga ganitong mga man-made na kaugalian. Pinag-iingat tayo ni apostol Pablo sa mga ganiyong man-made na tradisyon,

"Mag-ingat kayo upang hindi kayo mabihag ninuman sa pamamagitan ng walang kabuluhan at madayang katuruan na hindi kay Cristo nagmula, kundi sa mga tradisyon ng mga tao at sa mga alituntunin ng mundong ito." (Colosas 2:8 RTPV)

Nagsasayang lamang ng panahon at effort ang mga kababayan natin na naliligaw ng landas dahil mas nahirati sila sa mga tradisyon na man-made kasya magbasa sana at mag aral ng Biblia na God inspired instruction para sa mga naliligaw ng landas. Oo, kinahahangaan ng marami ang mga sakripisyo ng mga deboto ng Itim na Nazareno ngunit lahat ng ito ay walang kabuluhan para sa Diyos!

"Ang mga ito'y utos at katuruan lamang ng tao, at nauukol sa mga bagay na nauubos kapag ginagamit. Sa biglang tingin, tila nga makakabuti ang ganoong uri ng pagsamba at ang ganoong pagpapakumbaba at pagpapahirap sa sariling katawan. Ngunit ang mga ito ay hindi nakakapigil sa hilig ng laman."(Colosas 2:22-23 RTPV)

Kaya hindi ipinagkatiwala ng Diyos sa pasiya ng mga damdamin ng mga tao kung ano ang tama at mali sa ating pananampalataya at pagsamba. Tayong mga tao ay mga mananamba lamang sa Diyos na siyang sa atin ay lumikha. Bilang ating manlilikha ay Siya lamang ang may karapatang magsabi sa atin kung ano ang tama at mali at kung anong paraan ng pagsamba ang nararapat at hindi.

Kung tatanggapin lang sana ng mga kababayang Pilipino ang final authority ng banal na kasulanan o ang Biblia maiiwasan sana ang ganitong uri ng maling pagsamba na matagal ng naiukit ng tradisyon sa puso ng mga Pilipino. Wala naman masama sa tradisyon perse, ngunit kung ang isang tradisyon ay sumasalungat na sa sinasabi ng banal na kasulatan ay dapat na itong iwanan kaysa tayo ang itakwil at iwanan ng Panginoon. Sabi ni Jesus,

"Kaya, pinawalang-saysay ninyo ang salita ng Diyos dahil sa inyong tradisyon. Kayong mga mapagkunwari, tama ang ipinahayag ni Isaias tungkol sa inyo nang sabihin niya, ‘Iginagalang ako ng bayang ito sa kanilang mga labi, ngunit ang kanilang puso ay malayo sa akin. At walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, na itinuturo nila bilang mga aral ang mga alituntunin ng mga tao." (Mateo 15: 6-9 RTPV)

Ang tunay na pagsamba ay nangangailangan ng katotohanan(fact) at pananampalataya (faith). Ang pagiging genuine ng "faith" ay nakabatay sa "fact" o realidad/katotohanan at hindi nakabatay sa "feelings" o damdamin. Mapapansin natin sa mga pahayag ng mga deboto ng Itim na Nazareno ay  sa tungkol sa kanilang mga nararamdaman lamang at dahil sa madayang damdamin na ito inaakala na nilang tama ang kanilang ginagawa. Nagbabala ang Panginoon sa mga ganung uri ng mga tao:

"May daan na tila matuwid sa isang tao, nguni't ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan." (Proverbs 14:12 Tagalog AB)

.Ang katotohanan ay nangangahulugan na dapat tayong sumamba sa tamang Diyos—ang Diyos na ipinakilala sa Biblia sa pamamagitan ng tunay na Hesukristo at hindi ng Itim na Nazarenong rebulto, na hindi naman totoong itsura o kulay ni Jesus noong siya ay nagkatawang tao.dito sa lupa noon. Bilang tao si Jesus ay isang Judio na ang balat ay brown kaysa black ng tulad sa mga Africano. Sa panlabas na kulay ng balat pa lng ng Itim na Nazareno ay hindi na tama paano pa kaya sa ibang bagay?

Kung sinabi ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa lupa at hindi ninyo pinaniniwalaan, paanong paniniwalaan ninyo kung sabihin ko sa inyo ang mga bagay na nauukol sa langit? (John 3:12 Tagalog AB)

Kung gayon, walang pagssang-ayon at basbas ang tunay na Diyos sa Pista ng Itim na Nzareno dahil hindi tunay na pagsamba ang ipinapakita ng nakasanayang tradisyong ito ng mga debotong Romano Katoliko. Nakabatay lamang ito sa sali't-saling alituntunin at mapanlinlang na damdamin ng mga tao kaysa sa katotohanan na siyang hinahanap ng Diyos ng Diyos sa mga taong nais sumamba sa Kanya. Hindi naluluwalhati ang Diyos sa mga maling uri ng pagsamba na sumasalungat sa kung ano ang tama.

2.) Ang katangian ng mga tunay na mananamba ng Diyos Ama ay yaong sumasamba sa Kanya sa "Espiritu at Katotohanan". 

Ang Diyos ay isang hindi nakikitang Espiritu at wala siyang laman at buto gaya natin kaya ang tinatanggap na tunay na pagsamba ng Diyos Ama ay sa espiritu at katotohanan (Lucas 24:39). Hindi kalooban ng Diyos na sambahin siya gamit ang isang nakiukitang representasyon tulad ng pangangatwiran ng iba. Ang mga imahen at mga rebulto ng mga debotong Romano Katoliko diumano ay hindi nila mismong sinasamba kundi isa pagpapaalala lamang sa tunay na Diyos. Sa una mukhang tama at reasonable naman ang kanilang pangangatwiran ngunit kung uusisain pang mainam ito ay mali at katawa-tawa. 

Walang iniwan ito sa mag-asawa. Isang gabi umuwi si mister ng madaling araw at lasing na lasing. Hindi na siya kinumpronta ni Misis kaya habang mahimbing ang tulog ni Mister ay hinalungkat ni Misis ang wallet ni Mister. Nagulat si Misis sa nakita niyang larawan ng ibang babae na nakalagay sa wallet ni Mister. Dahil sa inis ay pinilit niyang gisingin si Mister at magtanong sa kanya si Misis, "Hoy magaling na lalaki bakit may larawan ka ng ibang babae na naka display pa sa wallet mo? Hindi naman ako ito ah?"  Nabigla si Mister sa tanong ni Misis at mabilis siyang sumagot kay Misis, "Ikaw naman darling nagagalit ka agad, huwag kang mag-alala darling kasi tuwing nakikita kong ang larawang iyan kahit hindi talagang ikaw yan ay ikaw pa din ang naiisip ko!" Kung ikaw ang Misis ng lalaking ito tatanggapin mo ba ang kanyang sagot? Of course hindi. Kasi alam mo na hindi talaga ikaw ang nasa larawan at yun ang di-maitatangging katotohanan. 

Kung ikaw na Misis ay isang karaniwang tao na nilalang ng Diyos ay nasasaktan at hindi matanggap ang sagot ng Mister what more pa kaya ang Diyos? Kung si Misis ay magagalit sa sagot ni Mister ay magagalit din ang Diyos sa pangangatwiran na sa tuwing nakikita at pinaglilingkuran nila ang Itim na Nazareno ay inaalala nila ang Panginoong Jesus! Kung si Misis ay nagseselos dahil ang larawan na palagi mong tinitignan ay larawan ng ibang babae ay ganun din ang Diyos dahil Siya ay seloso din kapag may ibang larawan o imahen ka pang tinitignan na hindi naman iyon ang talagang itsura niya. Ayon sa official na Bible translation ng Roman Catholic church na The New American Bible (Revised edition) sa Exodus 20:5:

Exodus 20:5 (NABre) 5 you shall not bow down before them or serve them. For I, the LORD, your God, am a jealous God, inflicting punishment for their ancestors’ wickedness on the children of those who hate me, down to the third and fourth generation."

Ang comment sa Footnote ng verse 5 ay may paliwanag sa salitang 'jealous',

* [20:5] Jealous: demanding exclusive allegiance.

Kung ikakapit ito sa Itim na Nazareno dapat ang 'exclusive allegiance" o debosyon mo ay natatangi lamang sa tunay at buhay na Diyos. Ang Itim nna Nazareno ay isang fiction hindi fact dahil wala talagang nag exist na totoong Itim na Nazareno sa kasaysayan ng mundo. Ito ay kathang-isip lamang ng isang hindi kilalang Mexicano a hindi alam ang tunay na pagkatao maging ng mga autoridad ng Romano Katoliko. Ang tunay na Diyos ay isang mapanibughuing Diyos anupa't humihingi Siya ng isang exclusibong uri ng pagsamba at mahigpit Niyang ipinapaalala sa kanyang mga lingkod na hindi Niya ibibigay ang Kanyang kaluwalhatian sa mga inanyuang diosdiosan kasama na ang Itim na Nazareno,

"Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan." (Isaiah 42:8 Tagalog AB)

Ang kontexto ng pagiging seloso ng Diyos ay laban sa idolatry o paggawa ng mga rebulto na ipinagbabawal ng Diyos. Ito ay malinaw na iniutos niya noon sa panahon ni Moses at mga Israelita sa pamamagitan ng Sampung Utos na Kanyang ibinigay sa Mt. Sinai,

"Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin." (Exodus 20:4-5 Tagalog AB)

Sumasasng-ayon din ang saling Romano Katoliko na The New American Bible (Revised)

Exodus 20:4-5 (NABre) 4 You shall not make for yourself an idol or a likeness of anything in the heavens above or on the earth below or in the waters beneath the earth; 5 you shall not bow down before them or serve them. For I, the LORD, your God, am a jealous God, inflicting punishment for their ancestors’ wickedness on the children of those who hate me, down to the third and fourth generation;

Makikita natin dito ang hayag at malinaw na kalooban ng ating Diyos na sinasamba na hindi niya nais na ang sinuman ay gumamit pa ng object na magsisilbing representasyon Niya. Ang problema sa mga display ng Sampung Utos sa mga simbahang Romano Katoliko ay inalis nila yung malinaw na nakasulat na patungkol sa pagbabawal ng paggawa ng mga imahen at pagluhod dito! 


Ang dapat sisihin dito ay ang mga pareng Katoliko kung bakit naliligaw ng landas ang mga debotong Katoliko dahil binabawasan nila ang sinasabi ng salita ng Diyos!

Hindi masama per se ang pagawa ng images maging ang Tabernakulo noon ay may mga images tulad ng dalawang anghel sa ibabaw ng kaban ng tipan. Nagiging masama lamang ito kapag niluhuran na o sinamba ng mga tao. Halimbawa na lang yung tansong ahas na ipinagawa mismo ng Diyos kay Moises noon sa ilang,

"At ang bayan ay naparoon kay Moises, at nagsabi, Kami ay nagkasala, sapagka't kami ay nagsalita laban sa Panginoon, at laban sa iyo; idalangin mo sa Panginoon, na kaniyang alisin sa amin ang mga ahas. At idinalangin ni Moises ang bayan. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Gumawa ka ng isang mabagsik na ahas at ipatong mo sa isang tikin: at mangyayari, na bawa't taong makagat, ay mabubuhay pag tumingin doon. At si Moises ay gumawa ng isang ahas na tanso at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso." (Numbers 21:7-9 Tagalog AB)

Ang ahas na tanso na ipinagawa ng Diyos kay Moises ay magsisilbing isang temporary emergency measure para ang sinumang Israelita na "nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso." Pansinin na ang sabi ay "pagtingin sa ahas na tanso" hindi pagluhod at pagsamba sa ahas na tanso. Kaya ipinagawa lamang ang image ng ahas na tanso  hindi para sambahin o paglingkuran kundi para mabuhay ang sinumang matuklaw ng ahas na isang totoong himala. 

Ngunit nung ito ay sambahin na ng mga Israelita saka lamang ito pinasira ng Panginoon,

"Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga Asera: at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa ni Moises; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel; at pinanganlang Nehustan." (2 Kings 18:4 Tagalog AB)

Maliwanag naman ito sa Exodus 20:4, 5 na nabanggit natin kanina na ang madiin na ipinagbabawal ng Diyos ay ang "paggawa ng imahen/rebulto" (v. 4) at ang pagluhod at "pagsamba o debosyon" dito. 

Hindi ito maikukumpara sa karanasan ng mga debotong Romano Katoliko hingil sa Itim na Nazareno. Una, hindi naman iniutos ng Diyos na umukit ng Itim na Nazareno. Walang opisyal na kapahayagan ang Vatican City na nagpapatotoo na ang pag-ukit sa imahen nito ay ayon sa isang revelation o utos ng Diyos. Pangalawa, ang himala mula sa ahas na tanso ay mararanasan ng isang natuklaw na Israelita kung siya ay titingin lamang sa ahas samantalang ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay kailangan pang makipagssapalaran at magsakripisyo na pumila at makipagsiksikan upang mahawakan at mahalikan lang ang rebulto. Ipinagbawal na ngayon ng mga authoridad ang direktang paghalik kailangan naka face mask. Bakit ganun? Akala ko ba naghihimala ang image ng Itim na Nazareno? 

Kung naiiisip lang sana ito ng ating mga kababayan, ay mahahalata nila na hindi na tama ang paniniwala at ginagawa nilang sakripisyo sa Itim na Nazareno dahil kung totoong naghihimala ito dapat mahahalikan nila ito at hindi sila tatablan ng sakit. Isa pang malaking pagkakaiba ng karanasan ng Israel sa ilang at ng ahas na tanso at ang traslacion ng Itim na Nazareno ay ang kaligtasan na dulot nito sa mga tao. Ang ahas na tanso na pinagawa kay Moises sa ilang ay nagdulot ng buhay at kaligtasan sa mga tumingin dito samantalang controbersyal ang madalas na kapahamakan at kamatayan sa prusisyon ng Itim na Nazareno. 

Kahit na ang kaganapan sa pangkalahatan ay mapayapa, may mga nangyari na mga pinsala at kamatayan na may kaugnayan sa prusisyon ng Itim na Nazareno. Noong 2019, may isang tao ang namatay at mahigit 800 ang nasugatan sa Traslación [7]. Taong 2020, namatay ang isang deboto sa atake sa puso habang nagaganap ang prusisyon [8]. 

Bagaman ang prusisyon ng mga deboto ng Itim na Nazareno ay hindi nabanggit sa banal na Salita ng Diyos maroong mga maling prinsipyo ang nilalabag nito ay hayagang binabanggit sa Biblia. Mayroon na ding nagaganap na prusisyon ng mga imahin sa Lumang Tipan. At dapat bigyang pansin na ang nga pistang ito na may kasamang prusisyon ay isinasagawa lamang ng mga Paganong kaaway ng Diyos at hindi ng mga tunay na mananamba ng tunay na Diyos. Kinutya ng Panginoon ang mga ganitong uri ng debosyon sa mga gawang kahoy na imahen:

"Walang kuwentang tao ang mga gumagawa ng rebulto, at walang kabuluhan ang mga diyus-diyosang kanilang pinahahalagahan. Mga bulag at hangal ang sumasamba sa mga ito, kaya sila'y mapapahiya. Walang idudulot na mabuti ang paggawa ng mga rebulto para sambahin. Tandaan ninyo, ang sumasamba sa mga ito ay mapapahiya lamang. Ang mga gumagawa nito'y tao lamang, kaya't magsama-sama man sila at ako'y harapin, sila'y matatakot at mapapahiya rin. Ang karpintero naman ay kumukuha ng isang pirasong kahoy. Ginuguhitan niya ito ng anyong tao, saka inuukit hanggang sa mayari ang isang magandang imahen. Pagkatapos, ilalagay niya ito sa kanyang bahay. Pumipili siya at pumuputol ng isang matigas na kahoy sa gubat tulad ng sedar, ensina at sipres. Maaari din siyang magtanim ng laurel at ito ay hintaying lumaki habang dinidilig ng ulan. Ang kaputol na kahoy nito ay ginagawang panggatong at ang kaputol naman ay ginagawang diyus-diyosan. Ang isang piraso ay iginagatong para magbigay ng init sa kanya at para igatong sa pagluluto. Ang isang piraso ay ginagawang rebulto para sambahin. Ang ibang piraso ng kahoy ay ginagawang panggatong. Dito siya nag-iihaw ng karne at nasisiyahan siyang kumain nito. Kung nadarama niya ang init ng apoy ay nasasabi niya ang ganito: “Salamat at hindi na ako giniginaw!” Ang natirang kahoy ay ginagawa nga niyang diyos na kanyang niluluhuran at sinasamba. Dumadalangin siya sa rebulto, “Iligtas mo ako sapagkat ikaw ang aking diyos!” Ang mga taong gayon ay mga mangmang at hindi inuunawa ang kanilang ginagawa. Tinakpan nila ang kanilang mga mata at sinarhan ang isipan sa katotohanan. Hindi na nila naisip na ang kaputol ng ginawa nilang rebulto ay ginamit na panggatong sa pagluluto ng tinapay at karneng kanilang kinain. Hindi man lamang nila itinanong sa kanilang sarili kung hindi kaya karumal-dumal ang sumamba sa isang pirasong kahoy." (Isaias 44:9-3, 13-19 RTPV)

Ang Simbahang Katoliko ay may iba't ibang antas ng pagsamba: dulia, hyper dulia, at latria. Ang Dulia ay ang karangalan na ibinibigay sa mga santo kasama na diyan ang Itim na Nazareno. Ang Hyper dulia ay ang karangalan na ibinibigay lamang kay Maria, bilang pinakadakila sa mga santo. Ang Latria naman ay ang karangalan na ibinibigay tangi lamang sa Diyos.  Sa kabilang banda, ang Biblia ay laging nagbibigay ng karangalan, sa konteksto ng pagsamba, sa Diyos lamang (1 Cronica 29:11; 1 Timoteo 1:17; 6:16; Pahayag 4:11; 5:13). Kahit na mayroong suporta sa Biblia para sa iba't ibang antas ng pagsamba, wala pa ring suporta sa Biblia para sa pag-bibigay ng mas mababa/mas kaunting antas ng pagsamba sa sinuman maliban sa Diyos.

Isa sa mga paraan para makasamba tayo ng totoo sa Diyos ay ang pagtanggap sa Salita ng Diyos bilang tanging batayan ng ating pananampalataya at paglilingkod. Kung ang ating paniniwala sa pagsamba ay hindi nakasunod sa mga katotohanan at aral na itinuro ng Diyos, hindi natin Siya tunay na sinasamba. Sa halip, tinatalikuran natin ang tanging pundasyon na dapat nating sundin para makapagbigay ng karangalan sa Kanya.

3.) Ang Diyos ay isang hindi nakikitang Espiritu kaya ang tinatanggap na tunay na pagsamba ng Diyos Ama ay sa espiritu at katotohanan.

Ang ibig sabihin ng Diyos ay espiritu ay na ang Diyos ay hindi gawa sa anumang pisikal na bagay at isang materyal na katawan kundi mayroon Siyang isang mas kahanga-hangang uri ng pag-iral na nasa lahat ng lugar kaya ang pagsamba ay hindi nakatali sa isang lugar, (John 4:21), hindi nakikita ng mga pandama ng tao (cf. 3:6, 8), at gayunpaman ay Siya ang dahilan ng pag-iral ng uniberso (cf. 1:1–3, 10; 17:5). Dahil ang “Diyos ay espiritu,” hindi dapat gumawa ang mga mga mananamba Niya ng mga idolo “sa anyo ng anuman” sa nilikha tulad ng mga nakapaligid na bansang Pagano (Ex. 20:4).

Ang mensahe ni Jesus sa Juan 4:24 ay naglalayong ipakita na yamang ang Diyos ay Espiritu, ang wastong pagsamba sa Kanya ay isang bagay ng espiritu kaysa sa pisikal na lokasyon o imahen. Sa Ebanghelyo ni Juan, ang katotohanan ay nauugnay kay Cristo (tingnan ang mga tala sa 1:14; 14:6), isang katotohanan na may malaking kahalagahan para sa tamang pag-unawa sa tunay na Kristiyanong pagsamba. Si Jesus lamang ang tanging qualified para gawin ito para sa atin.

Ikaw ba ay isang deboto ng Itim na Nazareno? Kaibigan, hinihikayat kita na basahin muli ang Bible particular na ang four Gospels nna Mateo, Marcos, Lucas at Juan. Hindi mo mababasa doon na inutusan ni Jesus na ulitin pa natin ang kanyang ginawang sakripisyo para sa kaligtasan ng ating mga kaluluwa. Sapat na ang kanyang ginawang saktipisyo at kamatayan sas krus ng Kalbaryo.

"Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu."(1 Peter 3:18 Tagalog AB)

Kaibigan, ayon sa salita ng Diyos si Cristo ay nagbata o nagsakripisyo minsan magpakailanman at hindi na ito naulit at hindi na natin dapat ulitin dahil ang minsanang sakripisyo na iyon ay sapat na upang tayo ay madala niya sa Diyos. Hindi mo na kailangan ng Itim na Nazareno na isa lamang man-made na gawa ng taong makasalanan ang kailangan mo ngayon kaibigan ay magrepent at magbalik loob sa totoong Jesus na Anak ng Diyos na namatay para tubusin ka mula sa iyong kasalanan at Siya ay nabuhay mula sa mga patay para sa iyong kaligtasan.

"Sapagka't kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka: Sapagka't ang tao'y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas." (Romans 10:9-10 Tagalog AB)




Footnote:

[1] Ang Traslacion ay isang salitang Espanyol na nangangahulugang "paggalaw" o "paglipat". Ito ay madalas na ginagamit sa konteksto ng astronomiya upang tumukoy sa paggalaw ng mga katawan sa kalangitan, tulad ng buwan o mga planeta, sa paligid ng araw o iba pang mga bituin.

[2] Bakit negro ang Nazareno ng Quiapo? | GMA News Online (gmanetwork.com)

[3] CCP Encyclopedia of Philippine Art Digital Edition. [Black Nazarene of Quiapo] Nuestro Padre Jesus Nazareno (N.P.J.N) (culturalcenter.gov.ph)

[4] https://www.catholicnewsagency.com/news/32047/understanding-the-fierce-devotion-behind-the-black-nazarene.

[5] https://www.rappler.com/moveph/80342-online-conversation-idolatry-religion-respect/

[6] https://en.wikipedia.org/wiki/Law_of_noncontradiction

[7] https://www.esquiremag.ph/culture/lifestyle/black-nazarene-the-tale-of-traslacion-a1729-20190109-lfrm

[8] https://www.rappler.com/moveph/248916-filipinos-catholics-share-stories-behind-devotion-black-nazarene-traslacion-2020/


CONTROVERSIES

Yes, some controversies have surrounded the Feast of the Black Nazarene. Some evangelists have deemed the feast idolatrous, and for them, the immense veneration of the Nazareno is tantamount to sin ². However, for some Catholics, devotees need only purify their faith to keep the feast from getting violent ². Every year, hundreds are injured in the procession ².

I hope this helps answer your question. Let me know if you have any other questions or if there's anything else I can help you with.

Source: Conversation with Bing, 1/6/2024

(1) Things to know about the Feast of the Black Nazarene - RAPPLER. https://www.rappler.com/newsbreak/iq/220515-things-to-know-about-feast-black-nazarene/.

(2) Feast of the Black Nazarene - Wikipedia. https://en.wikipedia.org/wiki/Feast_of_the_Black_Nazarene.

(3) Feast of the Black Nazarene | Sinaunangpanahon. https://sinaunangpanahon.com/feast-of-the-black-nazarene/.


No comments:

Post a Comment