Ang pinakatampok na tanong na pinagtuunan ko ng pansin dito ay tungkol sa maling konsepto ng “true church” na pinaniniwalaan ng mga Sabadista. Ang kanilang konsepto ng “true church” ay minana nila sa Roman Catholic Church, na palagi naman nilang binabatikos. Hanggang sa bumangon Protestant Reformation noong 16
th century, ang karaniwang tanggap na paniwala noon ay ang “true church” ay nag-iisa lamang at ito ay walang iba kundi ang nakikitang iglesia (visible church) ng Roman Catholic church na nasa Vatican city. Hinamon ng mga Protestante ang idea na ang “true church” o universal church ay hindi tumutukoy sa “visible church/local church” ng Roman Catholic institution, kundi sa “invisible church” o mga mananampalataya na matatagpuan mula sa iba’t-ibang dako, sa alinmang panahon na tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung sino sila (2 Tim. 2:19).