Ang pinakatampok na tanong na pinagtuunan ko ng pansin dito ay tungkol sa maling konsepto ng “true church” na pinaniniwalaan ng mga Sabadista. Ang kanilang konsepto ng “true church” ay minana nila sa Roman Catholic Church, na palagi naman nilang binabatikos. Hanggang sa bumangon Protestant Reformation noong 16th century, ang karaniwang tanggap na paniwala noon ay ang “true church” ay nag-iisa lamang at ito ay walang iba kundi ang nakikitang iglesia (visible church) ng Roman Catholic church na nasa Vatican city. Hinamon ng mga Protestante ang idea na ang “true church” o universal church ay hindi tumutukoy sa “visible church/local church” ng Roman Catholic institution, kundi sa “invisible church” o mga mananampalataya na matatagpuan mula sa iba’t-ibang dako, sa alinmang panahon na tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung sino sila (2 Tim. 2:19).
Ganito ang sabi ni Dr. Alister McGrath:
“One of the most significant and distinctive Protestant beliefs concerns the nature of the church. As we saw earlier, the medieval church in western Europe offered a strongly institutionalized account of how salvation was effected. There was no salvation outside the institution of the church; it was by membership in the sacral community and observation of its rites that the individual secured salvation…The Protestant response to these entirely proper questions was to offer a new vision of what it meant to be a “Christian church.” As we shall see, the new theory removed any necessity for institutional continuity with the medieval church.[i]”
Kaya walang sinumang mga denomination ang may karapatang mag-angkin na sila lamang ang “true church” dahil ang mga tunay na mga mananampalataya ay masusumpungan din sa iba’t-ibang religion. Ang pag-aangkin ng mga SDA na ang kanilang institution lamang ang “true church” ay isang napakalaking kasinungalingan at pagmamataas na minana mula sa Roman Catholic church at hindi sa mga Protestant Reformers. Tama lang na sabihin na ang mga Seventh-day Adventist church ay anak ng Roman Catholic church kaysa Protestante.
Kahit hindi kapakipakinabang at educational ang mga puntos ni Mr. Vidal[ii] dito ay pinagtyagaan ko na lang patulan upang bigyan ng pagkakataon ang ibang mga Sabadistang makababasa nito na matuto at makakuha ng aral kahit paano sa ilang mga punto na aking ipinaliwanag dito. Paumanhin muna mga kapatid, dahil hanggang ngayo ay wala pa akong natatanggap na medyo mabibigat at intelligent na response mula sa mga aspiring SDA apologist daw.
VIDAL#1:
Ang tanong ko na yan ay sagot sa kanyang statement na “Kung ang SDA ay tunay na iglesia kaya kong isakripisyo ang buhay ko dito kahit ako ay usigin at patayin”. At kaya raw marami ang umalis sa SDA kasama siya dahil sa “…doctrinal problem sa SDA church at writings ni EGW…” Kaya ako ng comment ng patanong.
OBIDOS:
Totoo naman na maraming problema sa doktrina ang mga Sabadista at malinaw naman yan dahil lingid sa kaalaman ng marami sa kanila dahil marami sa kanila ang tamad mag-aral at basa ng Biblia at mga theological books at scholarly Journals kaya hindi sila updated sa mga debate ng kanilang mga theologians. Kung mayroon man nakakaalam, tulad ng mga Pastor nila, ay nililihim na lang sa mga members to protect their job security lalo’t karamihan ay pamilyado. Nagbabala ang kanilang propeta na si Ellen White sa mga Sabadista na nagyayabang na wala daw pagkakamali o hindi maaaring magkamali ang kanilang doktrina:
“Investigation of Doctrine—There is no excuse for anyone in taking the position that there is no more truth to be revealed, and that all our expositions of Scripture are without an error. The fact that certain doctrines have been held as truth for many years by our people, is not a proof that our ideas are infallible. Age will not make error into truth, and truth can afford to be fair. No true doctrine will lose anything by close investigation.[iii]”
May tatlong importanteng bagay na pahayag na ito ni Ellen White:
- Na walang dahilan para mag-angkin ang sinumang SDA na ang kanilang “expositions of Scripture” ay walang pagkakamali. Taliwas ito sa karaniwang paniwala ng mga SDA na masyadong bilib at panatiko na halos sambahin na ang kanilang 28 Fundamental Beliefs.
- Mali na ipagmalaki ng mga SDA na “infallible” o hindi nagkakamali ang mga doktrina nila kahit sabihin pa na ito ay matagal ng pinaniniwalaan bilang katotohanan. Kasama na diyan ang 10 utos, Sabbath, malinis at maruming pagkain, 1844 investigative judgment at gift of prophecy ni Ellen White. Wala pa palang katiyakan sa mga doktrinang ito kaya huwag muna magyabang at maging kampante.
- Walang masamang imbestigahan ng mainam ang isang doktrina. Ang sinusulat kong mga paglalahad ng kanilang mga maling aral ay hindi dapat masamain ng mga Sabadista bagkus matuwa dapat sila dahil naaayon ito sa kalooban ng kanilang propetang si Ellen White. Mapapansin na 99% ng kanilang comment sa aking mga articles ay puro PAKIKIPAG-AWAY imbis na PAKIKIPAG-ARAL. Tanda ito na kapos sila sa tamang kaalaman.
Kaya walang mali sa aking sinabi na marami na ang umaalis sa SDA church dahil sa mga maling aral nila at isa na ako doon. Sinunod lang namin ang payo ni Ellen White na masusing mag-imbestiga sa mga aral ng SDA dahil ang mga aral nila ay hindi “infallible”.
VIDAL#2:
DITO TAYO MAGSIMULA:
- “ASSUMING” RAW AKO? Tanungin ko kayo mga kapatid, Nag-aasumed din ba kayo na ang SDA church ay TUNAY NA IGLESIA? Pumasok ba kayo sa SDA na HINDI TIYAK na ito ang iglesia na tunay? Syempre TIYAK TAYO. Kung ikaw Bro. Ronald pumasok sa SDA na hindi ka pala sure at nag aasumed ka lang na ito ay tunay, hindi ako magtataka na umalis ka dito. Ngunit, ang pinagtakahan ko, ano pala ang motibo mo na pumasok ka sa SDA na hindi ka sigurado? Anyway, Parang nasagot mo na yan noon pa! Ginawa mo rin yan sa pinanggaling mong mga iglesia.
OBIDOS:
Granting na nag assume lang ako na tunay na iglesia ang SDA church noong nabaustismuhan ako noong 1995, maaaring di pa masyadong malawak ang aking kaalaman noon kumpara ngayon. Newly converted lang din ako noon from Jehovah’s Witnesses. Nag-Adventist ako dahil nalaman ko na ang early founder nila na si Charles Taze Russel ay naging kaanib din ng Adventist after mag splinter groups after the Great Disappointment. Napansin ko na maraming similarities ang SDA at JW kaya minabuti ko na magsuri sa paniniwala ng mga Adventist at nagpasya na umanib dito dahil nasabi ko sa sarili ko noon na ang JW pala ay distorted version ng SDA so lilipat ako dahil sila ang original, pinulot lang ni Russel ang kanilang mga aral. Sa madaling salita, may impluwensya pa din ng pagiging JW ko ang aking pasya. Dahil ang JW ay isang kulto dahil ang pinanggalingan din nito ay kulto. Hindi ko pa alam ang gospel of salvation that time kaya in that sense, nag-assume lang ako na ang SDA ang true church based on human factor not the gospel itself. Unlike today, ang pag-alis ko sa SDA church ay based on the gospel of salvation. We are saved by grace alone, thru faith alone in the merits of Christ’s work alone minus my own works. Ang kabayaran ng aking kasalanan ay ang kamatayan ni Cristo hindi ang pag-anib sa SDA church (Rom. 4:4-5; Eph. 2:8-9).
VIDAL#3
- HINDI KO PA NAMAN DAW NAPATUNAYAN NA ANG SDA AY TUNAY NA IGLESIA: Matagal nang napatunayan ‘yan ayaw mo lang tanggapin dahil umalis ka na. Hindi ka pa isinilang napatunayan na ‘yan. Kahit ikaw ay madalas mo na napatunayan ‘yan sa iyong mga programa sa radio,TV, formal debate at sa mga religious dialogue mo sa iba’t ibang secta at religion. Praise the Lord nagtagumpay ka naman diba? Now, Kung hindi pala totoo lahat na iyon, sino sa atin ngayon ang ASSUMING, na kahit ipinagtanggol mo, hindi pala totoo sayo? Oh diba NAGKUKUNWARI KA?, NANGLILIGAW AT NANGLULUKO LANG NG KAUSAP? PARA SAAN ANG PAGPAPAGAL MO NG MAHABANG PANAHON? PARA MAKAKUHA NG ANO? PARA MANG ANO KA? Anyway, nasagot mo narin yan dati! Ang comment ko na patanong sa article mo ay dahil nag-aakusa ka sa SDA doctrine, EGW writings, EGW title, etc. ay mali sabi mo? Kaya, dapat ikaw ang magpatunay ng tamang aral o doktrina mo, resources mo at totoong SUGO mo dahil sabi mo mali yong amin. ITO ANG TANONG KO SAYO: PAANO MO NASABI NA MALI KAMI KUNG WALA KA NAMANG IPINAPAKITANG TAMA? KAYA, MAGPAKITA KA NG TAMA? PWEDE MO BA IPAGBAWAL ANG ISANG TAO SA ISANG BAGAY KUNG WALA NAMANG BATAS NA NAGBABAWAL? COMMON SENSE PALANG SABLAY NA YAN.
OBIDOS:
Oo akala ko kasi dati SDA church ang totoo. Parang si Pablo ako noon nang hindi pa siya Cristiano. Bulag siya noon sa kanyang dating relihion, akala niya tama ang kanyang ginagawa kaya masigasig din siya sa kanyang paglilingkod sa mahabang panahon tulad ko na ipinaglalaban ko pa kahit saang debate kahit alam kong mapanganib. Pero hindi nangangahulugan na tama ang paniniwala ko noong SDA pa ako. Gaya ni Pablo, ako din ay nabubulagan pa at hindi ko pa nauunawaan ang gospel. Kasama ako sa mga nabulag ng dios ng sanlibutang ito:
2 Corinto 4:4 “Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila’y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.”
Hindi mo pwedeng sabihin na “nagkukunwari” lang ako noong ako ay Adventist pa. Huwag mong pangunahan ang Diyos dahil siya lamang ang buklod-tanging nakakabasa ng motibo ng bawat tao (Matt. 9:4; John 2:24; Rev. 2:23).Sincere akong naglilingkod noon bilang Adventist kung paanong ikaw ay malamang ganun din. Ngunit ika nga “sincerity alone is not enough” dahil you can be either sincerely wrong or sincerely right. In fact, napansin din ni Pablo ang sincerity ng mga kababayan niyang mga Judio. Sabi niya:
Roma 10:2 ASND “Ako na rin ang makakapagpatunay na masigasig sila sa kanilang paglilingkod sa Dios, kaya nga lang ay hindi ayon sa katotohanan.”
Oo, masigasig akong naglilingkod bilang SDA noon pero gaya ng mga Pariseo at mga Judio noong panahon ni Pablo, ay hindi naman ayon sa katotohanan. Hindi sapat ang pagiging masigasig ng isang SDA. Mas mahalagang isaalang alang ay kung ang kasigasigan ba niya ay nakabatay sa katotohanan. Pinupuri ko ang Panginoon dahil ako ay Kanyang kinahabagan at iniligtas mula sa nabubulagang mga Sabadista!
Naitanong din niya ng pasigaw na may pagdidiin, “ITO ANG TANONG KO SAYO: PAANO MO NASABI NA MALI KAMI KUNG WALA KA NAMANG IPINAPAKITANG TAMA?” at ITO ANG TANONG KO SAYO: PAANO MO NASABI NA MALI KAMI KUNG WALA KA NAMANG IPINAPAKITANG TAMA? KAYA, MAGPAKITA KA NG TAMA? PWEDE MO BA IPAGBAWAL ANG ISANG TAO SA ISANG BAGAY KUNG WALA NAMANG BATAS NA NAGBABAWAL? COMMON SENSE PALANG SABLAY NA YAN. Masasabi kong ang SDA ay mali dahil ang batayan ko ay ang katotohanan na nakasulat sa Biblia! Mayroon ka pa bang ibang batayan ng tama at mali maliban sa Biblia, ang Salita ng Diyos? Parang sinasabi mo na hindi pala sufficient o sapat ang Biblia to know between truth and error? Basahin natin ang sinasabi ng Biblia:
1 Juan 4:6 “Tayo nga’y sa Dios: ang nakakakilala sa Dios ay dumirinig sa atin; ang hindi sa Dios ay hindi dumirinig sa atin. Dito’y ating nakikilala ang espiritu ng katotohanan, at ang espiritu ng kamalian.”
John 8:47 “Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito’y hindi ninyo dinirinig, sapagka’t kayo’y hindi sa Dios.”
Sa madaling salita, ang sukatan ng TAMA at MALI ay Biblia, ang Salita ng Diyos. Para sa mga SDA naman, ang sukatan ng tama at mali ay ang kanilang church denomination! Wala sa hulog di po ba? Sapat na po ang Biblia para itapat sa kanilang ipinagmamalaking SDA church. Ayon sa 2 Timoteo 3:16-17:
2 Timoteo 3:16-17, ASND “Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Dios, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan , pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, para maging handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Dios.”
Kaya nasagot po natin ang kanyang humahamon na tanong, Biblia lamang po ang katapat ng mga SDA para malaman nila na sila ay MALI at Biblia lamang din ang kanilang katapat para malaman ang KATOTOHANAN! Ang hinahanap mo sa akin na “Batas na nagbabawal” ay nakasulat na lahat sa Biblia.
1 Corinto 4:6 “Mangatuto kayo na huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba.”
Hindi na nakapagtataka kung bakit napakaraming palalo ngayon dahil hindi pa sapat sa kanila ang salita ng Diyos!
VIDAL#4:
- HINDI LAHAT NANINIWALA NA PROPETA SI EGW? Kahit isama mo pa ang ibang Fund’l beliefs marami rin hindi naniniwala ‘hindi naman ‘yan bago. Ikaw narin ang may sabi, “hindi porke’t maraming pasaway, masasama ugali, hindi nagkakaintindihan at nagbabangayan ang mga kapatid sa loob ng iglesia ay hindi na tunay”? (from video compilation) Di ba paborito mo I-quote itong writings ni EGW sa Testimony to Minister and Gospel Worker 1893, p.49 bilang sagot mo? Gamitin ko ito sayo. Tapos mag remark na “ end of the world naba ngayon?” “Although there are evils existing in the church and will be until the end of the world, the church in these last days is to be the light of the world that is polluted and demoralized by sin”.
MAGHANAP KA NG IGLESIA NA WALANG PASAWAY NA MEMBERS SA KANILA? O DI KAYA MAGTAYO KA PARA MALAMAN O ANG REYALIDAD HINDI PURO THEORY.
OBIDOS:
Sabi niya “HINDI LAHAT NANINIWALA NA PROPETA SI EGW? Kahit isama mo pa ang ibang Fund’l beliefs marami rin hindi naniniwala ‘hindi naman ‘yan bago.” Salamat naman at inamin niya na walang pagkakaisa ang mga SDA sa mismong 28 Fundamental Beliefs nila. Hindi ito dapat ipagmalaki ng mga SDA. Isang kahihiyan ito sa kalagayan ng kanilang church. Nakakahiyang ipagmalaking “true church” or “Remnant church” ang SDA kung parang BABILONIA (Confusion) din naman pala ito dahil magulo ang aral? Bakit mga debaters niyo lalo na yang mga TV ministry niyo kung makapagsalita ay SDA LAMANG ANG TUNAY NA IGLESIA kumpara sa ibang relihion samantalang kayo-kayo mismo ay nag dedebate at kanya-kanyang paniwala? Sa palagay ko bago kayo magyabang at magmalaki at maghamon ng debate sa iba ay kayo muna ang magkaayos at mag debate?
Ginamit pa niya ang aking naging pahayag sa video noong ako ay nabubulagang Sabadista pa, “Ikaw narin ang may sabi, “hindi porke’t maraming pasaway, masasama ugali, hindi nagkakaintindihan at nagbabangayan ang mga kapatid sa loob ng iglesia ay hindi na tunay”? (from video compilation)” totoo ngang sinabi ko yan noong nadidiliman pa ang aking kaisipan at nabubulagan pa sa katotohanan ng gospel (2 Cor. 4:4). Mali pa noon ang concept ko sa “true church.” Ang akala ko dati ang “true church” ay itong mga visible churches na nakikita ko na nagtitipon tuwing Sabado sa iba’t ibang dako. Nang naliwanagan ako mula sa Biblia na ang tinatawag pala na “true church” ay hindi “visible” sa pananaw nating mga tao sapagkat hindi natin maaaring malaman kung sino sa mga taong ito ang true believer at hindi. Tanging Diyos lamang ang nakakakilala kung sino ang mga “true believers” o “true church” at hindi sila makikita lamang sa iisang denomination dahil naging “true believers/true church” sila hindi dahil sa set of fundamental beliefs or creed kundi dahil sa pagtanggap nila kay Jesus bilang kanilang personal na Tagapagligtas at Panginoon!
2 Timoteo 2:19 “Gayon ma’y ang matibay na pinagsasaligan ng Dios ay nananatili na may tatak nito, Nakikilala ng Panginoon ang mga kaniya.”
Juan 10:14 “Ako ang mabuting pastor; at nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako.”
Samakatuwid, ang biblical “true church” ay binubuo ng mga true believers sa lahat ng panahon at lugar regardless kung saang denomination sila members. Tanging ang Panginoon laang ang nakakaalam kung sino sila. Sang ayon sa concept na ito ang kanilang official book na SDA Fundamental beliefs:
“The church is the community of believers who confess Jesus Christ as Lord and Saviour… At His return in triumph, He will present her to Himself a glorious church, the faithful of all the ages, the purchase of His blood, not having spot or wrinkle, but holy and without blemish.”[iv]
Ang talatang pinagbatayan ay ang nakasulat sa Efeso 5:27:
Efeso 5:27 “Upang ang iglesia ay maiharap sa kaniyang sarili na maluwalhati, na walang dungis o kulubot o anomang gayong bagay; kundi ito’y nararapat maging banal at walang kapintasan.”
Dahil tanging ang Panginoon lamang ang nakakaalam kung sino ang mga true believers/true church tinatawag din itong “invisible church” dahil hindi madali makita ng mga tao kung sino ang tunay at peke. Ganito ang karagdagang impormasyon ng SDA Fundamental Beliefs at SDA Question on Doctrines (1957):
“The invisible church, also called the church universal, is composed of all God’s people throughout the world. It includes the believers within the visible church, and many who, though they do not belong to a church organization, have followed all the light Christ has given them (John 1:9). This latter group includes those who have never had the opportunity to learn the truth about Jesus Christ but who have responded to the Holy Spirit and “by nature do the things contained in the law” of God (Rom. 2:14). The existence of the invisible church reveals that worship of God is, in the highest sense, spiritual. “The true worshipers,” Jesus said, “will worship the Father in spirit and truth; for the Father is seeking such to worship Him” (John 4:23). Because of the spiritual nature of true worship, human beings cannot calculate precisely who is and who is not a part of God’s church.”[v]
“Seventh-day Adventists have never sought to equate their church with the church invisible—”those in every denomination who remain faithful to the Scriptures.[vi]“
“We believe that the prophecy of Revelation 12:17 points to the experience and work of the Seventh-day Adventist Church, but we do not believe that we alone constitute the true children of God—that we are the only true Christians—on earth today.[vii]”
Narito ang mga mahahalagang punto na dapat maunawaan ng mga Sabadista ayon sa SDA Fundamental Beliefs:
- Na ang “invisible church” o true church ay binubuo ng LAHAT ng God’s people sa buong mundo. Hindi lang puro mga SDA ito tulad ng inaakala ng maraming Adventists.
- Na kabilang sa “invisible church” o true church na ito yaong mga “believers within the visible church” kasama na diyan ang Roman Catholic church, Eastern Orthodox church at mga Protestant churches including the SDA church. Paliwanag ni Ellen White:
“In what religious bodies are the greater part of the followers of Christ now to be found? Without doubt, in the various churches professing the Protestant faith.[viii]“
“Seventh-day Adventists firmly believe that God has a precious remnant, a multitude of earnest, sincere believers, in every church, not excepting the Roman Catholic communion, who are living up to all the light God has given them.[ix]”
- Kasama na din diyan yaong taong hindi kaanib sa alinmang church organization maging mga taong hindi man lang nakakilala ng maigi sa Panginoong Jesus.
- Na tanging ang Panginoon lamang ang nakaalam kung sino ang kabilang sa “true church.” Kaya nagkakamali ang sinumang SDA na magyayabang na ang SDA denomination na kanilang kinaaniban ay ang “true church.”
- At sa kahulihulihan, ang karamihan ng members ng true church/true believers ay masusumpungan din sa Roman Catholic church at Protestant churches.
Maliwanag, ayon mismo sa SDA Fundamental Beliefs at SDA Questions on Doctrines na ang “true church” na tinubos ng dugo ni Cristo ay walang dungis, kulubot o kapintasan! Samantalang ang SDA church na ipinagmamalaki ng SDA ay nag-uumapaw sa kapintasan kaya iisa lamang ang ibig sabihin nito na hindi ang SDA denomination ang “true church” according to biblical concept and SDA Fundamental Beliefs! Iyan ang masakit na katotohanan!
VIDAL#5:
- “PAGKUTYA” Ito raw ang aking pangalawang tanong na pagkutya sa kanya? “Ilatag mo na ang doktrina mo, ang tamang relihiyon o sekta mo at ang propeta mo ipakilala mo na at magsimula ka na mangaral baka sakali magkaroon ka ng tagasunod.” Alam mo Bro. Obidos, Ito ang totoong ASSUMING AT PAKIRAMDAM MO LANG ‘YON! Dahil ako SOURCE sa tanong na ‘yan, ako ang nakakaalam ng puno’t dulo ng aking tanong at ng aking layunin. Ang context n’yan ay nan doon sa ibang Article mo na nag a-accused ka na hindi tunay ang SDA at maling aral, ayan sa taas naka screenshot. Ang gusto mo kasi papatunayan ko ditto ang lahat na aral namin doon sa comment section, Possible ba yon? Kung katotohanan ang layunin mo, dapat nga matuwa ka pa at mayroong nagtatanong ng tamang aral at tamang secta at totoong sugo sayo. Sana pagkakataon mo na yan na ma i-share ang katotothanan na mayroon ka. Bakit bigyan mo ng maling pakahulugan ang tanong ko? Kaya, naman siguro na insulto ka dahil wala ka naman talagang layunin na mangaral ng katotohanan kundi sirain lang ang SDA sa mga kapatid at ibang mananampalataya? Sa amin, buo na ang aming doktrina at nan dyan na ang lahat na patunay, tiyak na tiyak na kami d’yan, bakit gusto mo pa patunayan ulit sayo na ayaw mo ngang tanggapin? ITO ULIT ANG TANONG KO SAYO: PAANO MO NASABI NA MALI KAMI KUNG WALA KA NAMANG IPINAPAKITANG TAMA?Ngayon, kung wala ka naman talagang sariling aral, Secta at totoong sugo sa totoong buhay, ang tawag dyan ay FICTION- IT ONLY EXIST IN YOUR MIND, BUT NOT EXIST IN REALITY. Ikaw narin ang nagsabi, dapat “mangangaral, hindi mananakmal” (Video compilation)
OBIDOS:
Inulit lang ang argumento at tanong sa #3. Marahil naubusan na o nalimutan na niya ito sa #3. Pakibalikan na lang ulit ang aking tugon sa #3.
VIDAL#6:
- “SPOON FEED”, “Negative attitude”, “tamad sila magbasa ng SS lesson kahit mismo ang Biblia”, “ lahat ng mga churches na nadalaw ko sa Pilipinas at ibang bansa” Ito raw ang kalagayan ng mga SDA member ngayon, SINUSUBUAN NALANG? Kapatid, wag mo namang lahatin, para namang mayroon kang ipinapahiwatig n’yan sa mga SDA members? Pwede mo namang sabihin na batu-bato sa langit ang tamaan-BUKOL! Diba? Pero ang paratang mo na ang SDA members ay tamad magbasa, mag-aral ng ss lesson, sinusubuan lang at mga negatibo ay hindi naman yan totoo na lahatin mo. At higit sa lahat, hindi ‘yan basehan ng isang tunay na iglesia. Ganon talaga, hindi maiwasan na meron ganyan sabi mo nga hindi maikaila ngunit hindi lahat ganyan. Infact, katuparan ‘yan sa huling kasaysayan ng iglesia? Rev. 3:15, Para saan ang parable ni Jesus tungkol sa wheat and tares? Matt.13:28, Paano itong paborito mong quotation sa writings ni EGW? Testimony to Minister and Gospel Worker 1893, p.49 “Although there are evils existing in the church and will be until the end of the world, the church in these last days is to be the light of the world that is polluted and demoralized by sin. Selected Messages 1892: Vol. 2, p.390 “ God is at the head of the work, and He will set everything in order. If matters needs adjusting at the head of the work, God will attend to that, and work to right every wrong… God is going to carry that noble ship which bears the people of God safety into port”. Testimonies Vol. 7 p.163 – Whatever the church does that is in accordance with the directions is given in God’s Word will be ratified in heaven.”
OBIDOS:
Another repetition of outrage and non-sense rants! I refer my dear readers to #3 and #4. TRUTH HURTS!
VIDAL#7
- BAKIT DAW SANAY ANG SDA MEMBERS AND MEDIA APOLOGIST NA BUMATIKOS KAYSA SUMAGOT? AT BAKIT RAW MAHIHINA KAYO MGA SDA? ITO RAW ANG MGA DAHILAN SABI NI BRO OBIDOS:
OBIDOS:
Non-sense rants. Pinatutunayan lang niya yung bagay binibintang ko daw. No need to explain obvious naman sa mga salita niya. Si Mr. Vidal nagpapatunay mismo ng bagay na tinatanggi niya.
VIDAL#8:
- MAHIHINA AT HIRAP MAG ENGLISH ang mga SDA members at debaters, Ano masabi n’yo? Ang totoo n’yan ako hirap din pero hindi ko sinasaklaw ang iba at hindi ako debater. Ang tanong, kailan ba naging Requirements o qualification sa kaligtasan at sa pangangaral? Ang tunay na iglesia ba at mga sugo, propeta o apostol ay ni required ng Dios na kailangan magaling sa English? Bakit ba pati ang kahinaan ng mga kapatid ay hinuhukay pa ng taong ito? Mga kapatid, Hanggang dito muna ako, hindi na pala ma-download pag subrang haba.
OBIDOS:
Exaggerated masyado at emotional sana nahimasmasan na si Mr. Vidal matapos isulat ito. Wala tayong natutunan. Nakipag-away lang siya. Tama ang aking slogan. Ang mga SDA mas sanay sa AWAY kaysa ARAL. Hanggang dito lamang din po. Salamat sa pagsubaybay!
Endnotes:
[i] Alister McGrath. “Christianity’s Dangerous Idea: The Protestant Revolution–A History From the Sixteenth Century to the Twenty-First.” Apple Books. 409
[ii] Charlie Arroz Vidal on his Facebook account link: https://www.facebook.com/rvobidos/posts/1605752302927439
[iii] White, Ellen Gould.Christian Writers and Editors. 35
[iv] Ministerial Association of Seventh-Day Adventists. Seventh-day Adventists believe: a Biblical exposition of 27 fundamental doctrines. Potomac Adventist Book Center, 1988. 135
[v] ibid., 142
[vi] Seventh-day Adventist Defense Literature Committee. “Seventh-day Adventists Answer Questions on Doctrine.” (1957). 186
[vii] ibid., 187
[viii] Ellen White, The Great Controversy, p. 383.
[ix] ibid., 192
No comments:
Post a Comment