Ang Roma 8:1-39 ay isang powerful na kabanata na nagpapahayag ng katotohanan ng pag-ibig at biyaya ng ating Diyos para sa atin na mga anak Niya. Ito ay nagtuturo sa atin na hindi na tayo hinahatulan ng kautusan, kundi pinalaya na tayo ng Espiritu. Ito ay tumitiyak sa atin na walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, kahit kamatayan o pagdurusa man. Ito rin ay naghahamon sa atin na mabuhay ayon sa Espiritu, hindi sa laman, at maging katulad ng larawan ni Cristo.
Ilan sa mga aral na ating matututunan mula sa kabanatang ito ay:
- Mayroon na tayong bagong pagkakakilanlan kay Cristo. Hindi na tayo tinutukoy ng ating nakaraang mga kasalanan, kabiguan, o kahinaan, kundi ng ating relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus. Tayo ay inaaring-ganap, itinuring na mga anak, at pinapaging-banal ng Diyos. Mayroon na tayong bagong layunin, bagong pag-asa, at bagong mana.
- Mayroon na tayong bagong kapangyarihan sa pamamagitan ng Holy Spirit. Hindi tayo iniiwan na makipaglaban sa kasalanan na mag-isa, kundi mayroon tayong Banal na Espiritu na naninirahan sa atin, na tumutulong sa atin na mapagtagumpayan ang kasalanan at mamuhay ng may kabanalan Ang Espiritu rin ay namamagitan para sa atin, gumagabay sa atin, at nagpapatotoo sa ating pagiging anak ng Diyos. Ang Espiritu ang katiyakan ng ating kaligtasan at hinaharap na kaluwalhatian.
- Mayroon na tayong bagong pananaw sa pagdurusa. Hindi tayo ligtas mula sa mga pagsubok, kapighatian, o pag-uusig sa mundong ito, ngunit mayroon na tayong ibang pananaw sa mga ito. Alam natin na ang Diyos ay gumagawa ng lahat ng bagay para sa ating ikabubuti, at ginagamit Niya ang ating mga pagdurusa upang magbunga ng pagtitiis, mabuting katangian, at pag-asa sa atin. Alam din natin na ang ating kasalukuyang mga pagdurusa ay hindi maikukumpara sa kaluwalhatian na ihahayag sa atin pagdating sa langit..
Application:
Ang mensahe ng Roma 8:1-39 ay dapat tayong patuloy na mamuhay ayon sa liwanag ng mga katotohanang binabanggit sa talatang ito.
- Dapat tayong lumakad sa Espiritu, hindi sa laman.
- Dapat nating itakda ang ating isipan sa mga bagay ng Espiritu, hindi sa mga bagay ng mundo.
- Dapat nating patayin ang mga gawa ng laman, at mabuhay ayon sa patnubay ng Espiritu Santo.
- Dapat din tayong magalak sa ating pag-asa sa darating na kaluwalhatiang naghihintay sa langit, at tiisin ang ating mga pagdurusa nang may mahabang pasensya at pananampalataya.
- Dapat tayong magtiwala sa pag-ibig ng Diyos para sa atin, at hindi tayo dapat mapapayanig sa ating tiwala sa Kanya.
No comments:
Post a Comment