Thursday, July 6, 2023

FAFP Daily Devotional: Bakit Ayaw mo ng Kalayaan?

Abner Pablo




Unawain: Makasalanan ka. Buhay mo buhay tao o LAMAN ( human life). Ipinanganak kang tao na likas na makasalanan. 

“Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,” (Psalms 51:5, Tagalog AB)

“At kayo'y binuhay niya, nang kayo'y mga patay dahil sa inyong mga pagsalangsang at mga kasalanan, Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway; Sa gitna ng mga yaon, tayo rin naman, ng ibang panahon ay nangabubuhay sa mga kahalayan ng ating laman, na ating ginagawa ang mga pita ng laman at ng pagiisip, at tayo noo'y katutubong mga anak ng kagalitan, gaya naman ng mga iba:” (Ephesians 2:1-3, Tagalog AB)

Dahil dito, pinatungan ka ng Dios ng Kautusan ng 10 Utos upang malaman mo na ikaw ay makasalanan.

“Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.” (Romans 3:20, Tagalog AB)

Akala mo sa ikabubuhay mo yun.Mali ka kasi sa ikamamatay mo yun. Hindi mo masunod at hinatulan ka ng kamatayan ng kautusan.

“At nang isang panahon ako'y nabubuhay na walang kautusan: datapuwa't nang dumating ang utos, ay muling nabuhay ang kasalanan at ako'y namatay; At ang utos na sa ikabubuhay, ay nasumpungan kong ito'y sa ikamamatay; Sapagka't ang kasalanan, nang makasumpong ng pagkakataon, ay dinaya ako sa pamamagitan ng utos, at sa pamamagitan nito ay pinatay ako.” (Romans 7:9-11, Tagalog AB)

“Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.” (Galatians 3:10, Tagalog AB)

Pero mahal ka ng Dios. Sa halip na ikaw ang mamatay, binigay niya ang Anak niya na bumaba sa lupa sa katawang tao. Siya ang TUMUBOS sayo mula sa sumpa ng kautusan.

“Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't binibitay sa punong kahoy: Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin ang pangako ng Espiritu.” (Galatians 3:13-14, Tagalog AB)

“At dahil dito'y siya ang tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayan na ukol sa ikatutubos ng mga pagsalangsang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng pangako na manang walang hanggan.” (Hebrews 9:15, Tagalog AB)

Yun ang PAGPAPALAYA sayo mula sa kautusan. Hindi ka na sakop pa ng kautusan kasi "NAMATAY KA NA SA KAUTUSAN sa pamamagitan ng katawan ni Cristo" na kumuha ng hatol ng kautusan para sayo.

“Sapagka't ako sa pamamagitan ng kautusan ay namatay, sa kautusan, upang ako'y mabuhay sa Dios. Ako'y napako sa krus na kasama ni Cristo; at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin: at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pananampalataya, ang pananampalataya na ito'y sa Anak ng Dios, na sa akin ay umibig, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa akin. Hindi ko niwawalan ng halaga ang biyaya ng Dios: sapagka't kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran, kung gayo'y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan.” (Galatians 2:19-21, Tagalog AB)

Yan ang GOOD NEWS! "PINALAYA KA NI CRISTO mula sa kautusan.

“Datapuwa't ngayon tayo'y nangaligtas sa kautusan, yamang tayo'y nangamatay doon sa nakatatali sa atin; ano pa't nagsisipaglingkod na tayo sa panibagong espiritu, at hindi sa karatihan ng sulat.” (Romans 7:6, Tagalog AB)

Kung sasampalataya ka kay Cristo at sa GOOD NEWS nayan, MATUWID ka na at bibigyan ka ng BUHAY ESPIRITU NI CRISTO. ( Gal.3:2,13,14; Efeso 1:13,14) 

“Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako, Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.” (Ephesians 1:13-14, Tagalog AB)

Kaibigan, Salita ng Dios yan:

PINALAYA ka ni Cristo mula sa buhay tao mo na makasalanan at binigyan ka ng GIFT OF ETERNAL LIFE. 

“Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Dios ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.” (Romans 6:23, Tagalog AB)

Please, tanggapin mo ang KALAYAAN O BUHAY ESPIRITU NI CRISTO sa iyong buhay ngayon.

“(Sapagka't sinasabi niya, Sa panahong ukol kita'y pinakinggan, At sa araw ng pagliligtas kita'y sinaklolohan: Narito, ngayon ang panahong ukol; narito, ngayon ang araw ng kaligtasan):” (2 Corinthians 6:2, Tagalog AB)



Si kapatid na Abner Pablo ay isang aktibong member ng Former Adventist Fellowship Philippines at isang masipag na manunulat ng mga devotional para patuloy ns ipalaganap ang mabuting balita ng kaligtasan.




No comments:

Post a Comment