FEATURED POST

"PAGLALANTAD SA MGA KASINUNGALIAN NI PASTOR BJORN CAPIENDO AT JOHNSON AMICAN TUNGKOL SA “THREE HOLIEST BEINGS” NI ELLEN G. WHITE!"

Ang live na episode ng 'Katotohanan' sa Hope TV kung saan tinalakay nina Johnson Amican at Pastor Bjorn Capiendo ang konsepto ng Tri...

MOST POPULAR POSTS

Thursday, July 27, 2023

PINALAYA NI CRISTO MULA SA KAUTUSAN!

Abner Pablo




    Lahat ng ipinanganak ng tao ay buhay LAMAN. Ang lahat ng tao ay taglay ang makasalanang buhay na ito na galing kay ADAN, ang taong taga lupa.( 1 Cor.15:45-49; Roma 7:14-20) Ang kautusan o 10 Utos ay ginawa at ipinatong ng Dios sa buhay LAMAN na makasalanan upang hatulan ng kamatayan ito.( 1 Tim.1:8-10; Roma 7:5; 2 Cor.3:5-9) May hangganan ang "ministeryo ng kamatayan na nasulat sa tapyas ng bato." ( Sampung Utos) .Ito ay pinairal mula kay Moises hanggang dumating si Cristo. ( Gal.3:19-26). Bakit? Lahat ay nagkasala at nahatulan ng kamatayan.( Roma 3:23; Gal.3:10) .

    Sinugo ng Dios ang kanyang Anak na si Cristo sa lupa sa katawang-tao. " Siya ang TUMUBOS sa atin mula sa SUMPA NG KAUTUSAN..upang matanggap natin ang PANGAKONG ESPIRITU sa pamamagitan ng pananampalataya."Gal.3:13,14. Yun ang nagpalaya sa atin mula sa Kautusan. " Si Cristo ang tumikim ng kamatayan para sa lahat." Heb.2:9;9:15 Kasi may bisa lang ang kautusan sa tao hanggang tayo ay buhay , o nasa " buhay Laman na makasalanan" ( Rom.7:1,5).Paano tayo NAMATAY? -" NAMATAY kayo sa KAUTUSAN sa pamamagitan ng katawan ni Cristo." ( Rom.7:4; Gal. 2:19-21) 

    Simple po ang PAGTUBOS: " Ang ISA ay namatay para sa lahat, kung gayon LAHAT ay namatay na." 2 Cor.5:14. Sumasampalataya ka ba kay CRISTO NA SIYA ANG MANUNUBOS MO? Hindi ka na sakop ng Kautusan sapagkat namatay na si CRISTO PARA SA IYO. SI CRISTO na ang kumuha ng HATOL O SUMPA NG KAUTUSAN PARA SAYO. Yan ang PAGPAPALAYA NI CRISTO sa mga tao mula sa kautusan.(Gal.4:4-7; 5:1-6,18-25): " NAMATAY NA AKO SA KAUTUSAN upang mabuhay sa Dios. NAPAKO AKO NA KASAMA NI CRISTO. Hindi na ako ang nabubuhay kundi si CRISTO NA NABUBUHAY sa aking katawan..sa pagsampalataya ko sa Anak ng Dios." (Gal 2:19-20)      

    Ang Kautusan ay nagwakas na kay Cristo sa krus. NGAYON ay nasa BAGONG TIPAN na tayo .MATUWID NA ANG SUMAMPALATAYA kay Cristo at NASA BUHAY ESPIRITU na , hindi na sa buhay Laman na makasalanan na nasa ilalim ng kautusan.( Rom.8:9-17; 10:4; Efe.2:14-20) 

    Ngayon ay Anak ka na ng Dios sa pananampalataya kay Cristo. Kung bumalik ka sa kautusan o "pamatok ng pagka-Alipin", hulog ka sa biyaya ng Dios at hiwalay ka kay Cristo.( Gal.5:1-5; 4:4-7,21-31)




Brother Abner Pablo is an active member of the Former Adventist Fellowship Philippines and a diligent writer of devotionals to continue spreading the good news of salvation.

2 comments:

  1. So, it means that I'm free to breach that "finger written law" of God. Pinalaya means we we're released from God's law?

    ReplyDelete
    Replies
    1. May ipinait na kasi sa Old Covenant na lumipas na kaya nga Old. Pero may New Covenant na pumalit at kautusan na ng Espiritu ang pumalit na ayaw naman sundin ng mga Sabadista.

      “Datapuwa't kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.” (Galatians 5:18, Tagalog AB)

      Delete