Thursday, August 31, 2023

๐‘๐„๐๐”๐ˆ๐‘๐„๐ƒ ๐๐€ ๐€๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐๐„๐‹๐ˆ๐„๐•๐„๐‘๐’ ๐๐€ ๐ˆ-๐Š๐„๐„๐ ๐€๐๐† ๐’๐€๐๐๐€๐“๐‡?




    Ang Sabbath ay ang weekly day of rest at worship ng mga Jews. Ang pagpapahinga ng Diyos sa seventh day of creation ang basis ng Sabbath na binigay kay Moses na pinasa naman niya sa Israel. Ito ay paalala sa kanila na si Yahweh ang kanilang Manlilikha. Also, ang Sabbath din ay remembrance ng pagkakaligtas ng Diyos sa kanila from slavery sa Egypt (Deut 5:15). Inutusan sila na magpahinga sa mga ginagawa nila para mag-reflect sa Diyos bilang both Creator and Redeemer nila. It's clear that God wanted the Sabbath to be a blessing to the Israelites, both physically and spiritually.

๐‘๐ž๐ช๐ฎ๐ข๐ซ๐ž๐ ๐ฉ๐š ๐›๐š ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐ ๐š ๐๐ž๐ฅ๐ข๐ž๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ ๐ง๐š ๐ฌ๐ฎ๐ง๐๐ข๐ง ๐š๐ง๐  ๐’๐š๐›๐›๐š๐ญ๐ก?

    Hindi tayo required. In dealing with this subject, there are several points we have to understand:

๐Ÿญ. ๐—ช๐—ฒ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ป๐—ผ๐˜ ๐—œ๐˜€๐—ฟ๐—ฎ๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜๐—ฒ๐˜€.

    Ang Sabbath Law, just like the rest of the Law, ay binigay specifically para sa Israelites sa ancient times. The first expressed instruction sa Sabbath ay para sa mga Israelites (Ex 16:21-30). Later on nang binigay na ni Moses ang 10 Commandments, obviously para sa kanila pa rin ang instruction sa Sabbath (Ex 20:2). Ang Sabbath ay sign ng covenant (kasunduan) ng Diyos sa pagitan Niya at ng Israel (Ex 31:12–17; Ezek 20:12–17). Dahil hindi naman tayo mga Israelites na nanggaling sa Egypt, wala rin tayong kinalaman sa agreement ng God sa kanila. Nakikibasa lang tayo kapag binabasa natin ang Sabbath sa mga Bible natin.

๐Ÿฎ. ๐—๐—ฒ๐˜€๐˜‚๐˜€ ๐—ถ๐˜€ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ต.

    During the earthly ministry of Jesus, the people obviously lost the real meaning of the Sabbath, which was to "rest." Instead of a blessing, this became a burden for them! Kaysa pahinga naging mabigat na obligasyon pa. That's why Jesus needed to correct the people at that time that "the Sabbath was made for man, not man for the Sabbath" (Mk 2:27). The religious leaders regarded the Sabbath as an end in itself. Christ emphasized that this day was made specifically for man’s benefit, and so man's need must be prioritized over the Sabbath’s law (Matt 12:1–14; Mk 2:23–3:6; Lk 6:1–11; Jn 5:1–18). Bilang pagpapahayag Niya ng authority sa ganitong usapin, Jesus told them na Siya ang Panginoon ng Sabbath (Mk 2:28).

    Jesus didn't expressly abolish ang Sabbath pero pinakita Niya na may kapangyarihan Siya over this practice. The Sabbath rules strictly prohibited working on the Sabbath; Jesus worked during Sabbath (Jn 5: 17-18; Lk 13:10–17). Dahil sa outrageous actions ni Jesus pinapakita Niya na sooner or later, ang Sabbath ay hindi na magtatagal. Truly, Jesus was the end of the Law (Rom 10:4)-- including Sabbath. Ang pag-observe ni Jesus sa Sabbath (Lk 4:16) ay hindi indication na we should follow it also. He followed the Sabbath dahil si Jesus ay born under the Law (Gal 4:4), unlike sa atin. Walang indication sa teaching ni Jesus na ang Sabbath ay kailangan pang i-keep ng mga disciples Niya later on. To require believers today to observe Sabbath, the way it was instructed, ay paglalagay ng unnecessary burden na kahit ang Lord of Sabbath ay hindi naman binigay!

๐Ÿฏ. ๐—•๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ป๐—ผ๐˜ ๐˜‚๐—ป๐—ฑ๐—ฒ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—๐—ฒ๐˜„๐—ถ๐˜€๐—ต ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜„.

    Aside from the fact na hindi tayo mga Israelites na kausap sa mga tagpo sa Bible, we are not under the Law dahil na kay Christ na tayo (Rom 7:6; Gal 3:24-25). Si Jesus ang nag-fulfill ng Law, including Sabbath’s law, para sa'tin (Matt 5:17;Rom 8:3-4;10:4). Nabuhay tayo sa panahon na tinapos na ni Jesus ang Law. Ang Law ay "shadow" lang ng padating (Col 2:16-17; Heb 10:1). At dahil dumating na ang dapat dumating dahil naparito na si Jesus, the "shadow" was no longer binding and needed. Tapos na ang ganap nito para sa mga tao (Gal 3:24-25).

๐Ÿฐ. ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ต ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜„ ๐—ถ๐˜€ ๐—ป๐—ผ๐˜„ ๐—ถ๐—บ๐—ฝ๐—ผ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ฏ๐—น๐—ฒ ๐˜๐—ผ ๐—ณ๐—ผ๐—น๐—น๐—ผ๐˜„.
  
    Ang Sabbath’s law ay hindi lang tungkol sa "kailan" ito susundin, pero about din sa kung "paano" ito susundin. Even believers today who "observe" Sabbath by Friday afternoon (the accurate start of Sabbath day) ay guilty pa rin of breaking it dahil may mga rulings ito na hindi na rin applicable at impossible nang masunod. Such as offering ng two lambs in addition sa regular burnt offering (Num 28:9-10). Prine-present din dito ang twelve loaves of showbread (Lev 24:5-9). Wala na ang Temple ngayon to accept such offerings; pader na lang ang natira! Also, bukod sa written Law (Law of Moses) the Jewish rabbis and scribes added more rules sa Sabbath sa kanilang oral law (Shabbath, xii.3-5)! Ang mga Jews during the time of Jesus ay particular din sa pagsunod hanggang sa mga oral traditions of Sabbath. May rules sila mula sa paggamit ng martilyo hanggang kung anong buhol (knot) lang ang allowed na buhulin sa araw na 'yun! Imagine, kung gaano karaming rules mayroon just to keep Sabbath!

    A modern-day believer who wants to keep the Sabbath the way it was instructed must be familiar with all these rules in order to follow each one of them. "For whoever keeps the whole law and yet stumbles at just one point is guilty of breaking all of it" (James 2:10).

๐Ÿ“. ๐‹๐จ๐ซ๐’๐ฌ ๐ƒ๐š๐ฒ

    Christians considered Sunday (the first day of the week) as the Lord's Day. It doesn't mean na ang Sunday na ang Sabbath nila, but rather they considered Sunday as a special day to worship together bilang church (Acts 20:7; 1 Cor 16:2). John also mentioned the Lord's Day sa vision niya (Rev 1:10). This was based on the resurrection of Jesus on Sunday (Jn 20:19; Mk 16:2; Matt 28:1; Lk 24:1).

    Historically, ang mga early Christians ay hindi na rin nag-observe sa Sabbath because they were not required to observe it. This could be supported by the letters ng mga early church fathers. The Epistle of Barnabas (70-132 AD) stated na they kept the Lord's Day (Sunday) dahil sa araw na ito nabuhay ulit si Jesus (15:9). Also, Ignatius in his Epistle to the Magnesians, mentioned that they we're not observing Sabbath but the Lord's Day (9:1). Sinabi rin niya na kung sila man ay sumusunod pa rin ng Law then hindi pa sila nakaka-receive ng grace.

๐Ÿฒ. ๐—ฆ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ต ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—•๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ฒ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐˜€ ๐—ง๐—ผ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†

    Kung matagal na palang tapos ang Sabbath at imposible na sa'tin gawin pa ito kahit gustuhin man natin, anong connection pa nito sa'tin ngayon? Ang Sabbath, kasama ng lahat ng Law na binigay kay Moses, ay pointing kay Christ (Col 2:16-17). Dahil dumating na si Jesus, natapos na ang ganap ng Sabbath practices sa mga believers. Dahil ang ‘totoong” Sabbath ay spiritual hindi literal. Those who believe in Christ entered that rest (Heb 4:3). True Sabbath is found in Jesus. And He invites everyone to find rest in Him (Matt 11:28-30).




Support this ministry

Gcash#: 09695143944

OR











Saturday, August 26, 2023

PAANO UUNAWAIN ANG HULA NI CRISTO SA MATEO 24? ANG KAHULUGAN NG "PAGPARITO" (PART 4)



Tanong #2: “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito?"

Itinala ni Mateo ang pangalawang tanong na itinanong ng mga disipulo kay Jesus:

"Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito?

    Pinapaliwanag ng mga futurist na tagapagturo ang tanong na ito tungkol sa ikalawang pagdating ng ating Panginoon. Sinasabi nila na si Jesus ay babalik sa lupa pagkatapos na matupad ang lahat ng mga tanda ng Mateo 24:4-22. Sa madaling salita, sa darating na hinaharap, pagkatapos ng mga digmaan, lindol, taggutom, pag-uusig, atbp. ay babalik si Jesus.

    Ang mga partial preterist ay nag-aalok ng naiibang kahulugan. Naipaliwanag na natin kung paano ang lahat ng mga palatandaan, tulad ng mga digmaan, lindol, taggutom, atbp., ay mga palatandaan bago maganap ang pagkawasak ng Templo noong A.D. 70. Ang mga palatandaang iyon ay natupad na. Hindi sila matutupad pa lang sa hinaharap.

    Ngayon, kailangan nating alamin kung ano ang ibig sabihin ng mga disipulo nang itanong nila, “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito?”

    Kapag binabasa ng mga tao ang tanong na iyan ngayon, iba ang kanilang iniisip kaysa sa mga alagad 2,000 taon na ang nakalilipas. Nang ang mga alagad ay nakaupo kasama ni Jesus sa Bundok ng mga Olibo, hindi nila iniisip ang tungkol sa ikalawang pagparito ng ating Panginoon. Sa katunayan, noong panahong iyon, hindi sila kumbinsido na si Jesus ay mamamatay (Mat. 16:21-23), lalo pa kaya ang pagbabalik ni Jesus sa lupa balang araw. Samakatuwid, hindi sila maaaring nagtanong tungkol sa Ikalawang Pagparito.

    Ano, kung gayon, ang itinanong nila? Tingnan muli ang tanong: “Ano ang magiging tanda ng iyong pagparito?” Ano ang ibig sabihin ng Kanyang pagparito?

    Noong panahong iyon sa kasaysayan, ang mga Hudyo ay nagaantay ng isang Mesiyas. Iyon ang kanilang pangunahing pag-asa. Sila ay nagaantay ng isang Mesiyas na darating at magtatatag ng isang kaharian kung saan ang mga Hudyo ay magkakaron ng kapangyarihan sa buong lupa at maghahari magpakailanman. Ang pagkaalam nito ay nagbibigay sa atin ng ganap na kakaibang pananaw sa pag-iisip ng mga disipulo. Tandaan noong tinanong ng ina ng mga anak ni Zebedeo si Jesus kung ang kanyang dalawang anak na lalaki ay maaaring maupo, isa sa Kanyang kanan at isa sa Kanyang kaliwa (Mat. 20:20-23)? Ipinapahayag nito kung ano ang nasa isip ng mga Hudyo.

    Nang tanungin ng mga alagad si Jesus, "Ano ang magiging tanda ng Iyong pagparito?" Tinatanong nila siya, "Kailan ka maghahari sa iyong kaharian?" “Kailan mo kukunin ang Iyong posisyon at ihahayag ang Iyong sarili bilang hari?”

    Kailan yun nangyari? Matapos mamatay si Jesus, bumangon mula sa mga patay, at umakyat sa langit, naupo Siya sa isang trono sa kanan ng Diyos. Ang lahat ng awtoridad ay ibinigay sa Kanya, kapwa sa langit at lupa. Dumating si Hesus sa Kanyang kaharian sa sandaling Siya ay umakyat sa langit at umupo sa tabi ng Ama. Nangyari ito halos 2,000 taon na ang nakalilipas, sa henerasyon kung saan nabuhay ang mga disipulo.

Upang kumpirmahin ito, basahin ang mga salita ni Jesus sa Mateo 16:28:

“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayo rito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa kanilang makita ang Anak ng tao na pumaparito sa kaniyang kaharian.” (Matthew 16:28, Tagalog AB)

Sa katulad na paraan, itinala ni Marcos ang mga salita ni Jesus:

“At sinabi niya sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, May ilan sa nangakatayong ito, na hindi matitikman sa anomang paraan ang kamatayan, hanggang sa makita nila ang kaharian ng Dios na dumarating na may kapangyarihan.” (Mark 9:1, Tagalog AB)

    Napakalinaw ng sinabi ni Jesus! Ipinahayag Niya na ang ilan sa mga taong nabubuhay noong panahong iyon sa kasaysayan ay mabubuhay upang makita Siyang dumating sa Kanyang kaharian. Sa katunayan, naupo na si Jesus sa Kanyang trono mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas. Sa pag-unawang iyon sa mga salitang “pumaparito sa Kanyang kaharian,” ay handa na tayong tingnan ang sagot ng ating Panginoon.

    Habang pinag-aaralan natin ito, huwag muna tayo dumating sa konklusyon na tinatanggihan natin ang isang paniniwala sa literal na Ikalawang Pagparito. Alam natin na si Jesus ay babalik sa lupa sa isang panahon sa hinaharap, at pag-uusapan natin ang tungkol sa Kanyang ikalawang pagdating mamaya kapag pag-aaralan na natin ang sagot ng ating Panginoon sa ikatlong tanong. Ang sinasabi natin sa puntong ito ay ang ikalawang tanong ng mga disipulo ay hindi tungkol sa ikalawang pagparito ni Jesus, kundi tungkol sa Kanyang pagdating sa Kanyang kaharian.[9]

Sinagot ni Hesus ang Ikalawang Tanong

     Nakatutulong na makita kung gaano kalapit ang pagkakaugnay ng pagkawasak ng Jerusalem sa pagdating ni Jesus sa Kanyang kaharian. Sinabi ni Hesus:

“Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:” (Matthew 24:29, Tagalog AB)

    Sinabi ni Jesus na "karakaraka" pagkatapos ng pagkawasak ng Jerusalem, malalaman ng mga disipulo na Siya ay "dumating" na sa Kanyang kaharian. Tinatalakay niya ang "pagdating" na iyan sa kasunod na talata.

Mateo 24:30a: Ang Tanda ng Anak ng Tao

"At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit."
 
    Para sa mga futurist na tagapagturo, ang tinutukoy daw sa talatang ito ay ang tungkol pagpapakita ni Jesus sa langit sa Kanyang pagbabalik. Pero tingnan mong mabuti. Sinasabi ba ng talatang ito na si Hesus ay lilitaw sa langit? Hindi po! Sa halip, ang sinasabi ng talata ang lilitaw ay "ang tanda". Ang isang tanda ay katulad ng isang billboard na nagdedeklara ng isang bagay. Ano ang tanda? Ito ang tanda ng Anak ng Tao. Hindi si Jesus ang magpapakita, ngunit "ang tanda" ay lilitaw.

Ang King James Version ng Mateo 24:30 ay ganito ang mababasa:

"At pagkatapos nito ay makikita ang tanda ng Anak ng Tao sa langit."[10]

    Muli, ang maingat na pagbabasa ay tumutulong sa atin na makita na hindi si Jesus ang magpapakita, kundi "ang tanda" ang magpapakita. At ano ang pahiwatig ng tanda na iyon? Ang pinapahiwatig ng "tanda ng Anak ng Tao sa langit" ay na ang Anak ng Tao ay nasa langit na. Dumating na siya sa langit. Naupo na Siya sa Kanyang trono. Nakaluklok na siya sa kanan ng Diyos!


    Ang King James Version ay tumutukoy sa Anak ng Tao sa “langit,” habang ang New American Standard Bible (na sinipi natin kanina) ay tumutukoy sa Anak ng Tao sa “kalangitan.” Ang alinman sa mga salin na ito ay tama dahil ang salitang Griyego na ourano ay maaaring isalin bilang "langit" o "kalangitan." Gayunpaman, kung gagamitin natin ang salitang “kalangitan,” maaaring isipin ng mga bumabasa na si Jesus ay makikita na nasa itaas sa mga ulap. Sa kabilang banda, kung uunawain natin na si Jesus ay nasa “langit,” maaari nating unawain ito na Siya ay kasama ng Kanyang Ama na nakaupo sa Kanyang trono. Ito ang pangitain sa langit na tumutugma sa sinasabing pagdating ni Jesus sa Kanyang kaharian.

Mateo 24:30

    Ilagay ang iyong sarili sa kalagayan ng mga disipulo 2,000 taon na ang nakalilipas na nakaupo sa Bundok ng mga Olibo. Malapit na nilang hindi makasama ang Isa na kanilang tagapagturo. Mamamatay siya. Matapos umakyat ni Jesus sa langit, paano nila malalaman na talagang nakabalik nga Siya sa langit? Paano nila malalaman na ibinigay na sa Kanya ang lahat ng awtoridad sa langit at lupa?

    Iyan mismo ang sinasabi ni Jesus sa kanila. Sinasagot niya ang tanong, “Ano ang magiging tanda ng Iyong pagdating sa Iyong kaharian?"

At ano ang tanda na iyon?

    Sinabi sa kanila ni Jesus ang lahat ng mga tanda na magtatapos sa pagkawasak ng Jerusalem at ng Templo. Ang pagkawasak na iyon ng Jerusalem at ng Templo ang timnutukoy na "ang tanda". Sa sandaling nakita nila ang pagkawasak ng Jerusalem at ng Templo, dapat nilang malaman, nang walang pag-aalinlangan, na si Jesucristo ay nasa Kanyang trono sa langit.

    Upang maunawaan ang epekto ng palatandaang iyon sa unang-siglong Judiong mga disipulo, ihambing ito sa nangyari sa Japan noong 1945 nang ihulog ang dalawang bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki. Nang winasak ng mga bombang iyon ang dalawang lungsod, napagtanto ng mga Hapones na nanonood mula sa malayo na tapos na ang digmaan. Sila ay natalo; kinuha ng Estados Unidos ang kontrol. Ngayon ihambing iyan sa nangyari nang wasakin ang Jerusalem noong A.D. 70. Mas maraming tao ang namatay sa Jerusalem kaysa noong ibinagsak ang dalawang atomic bomb sa Japan. Bumagsak ang bansa ng mga Hudyo. Nawasak ang Templo. Iyon ang tanda.

    Nang ang Templo ay nawasak, ang sistema ng relihiyon ng mga Hudyo ay natapos na. Hindi na makakalapit ang mga tao sa Diyos sa pamamagitan ng Templo na may mga handog na mga hayop. Nagkaroon ng bagong High Priest. Ang Bato na itinakwil ng mga tagapagtayo ay naging Punong Bato sa Panulok. May isang bagong Templo na itinayo mula sa mga buhay na bato. Iyon ang tanda na si Hesus ay dumating na sa Kanyang kaharian. Ang trono ni David ay itinaas na sa langit. Mula doon si Jesu-Kristo ay mamamahala sa Kanyang walang hanggang kaharian.

Mateo 24:29: Ang mga Tanda ng Paghuhukom

“Datapuwa't karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit:” (Matthew 24:29, Tagalog AB)

    Upang maunawaan ang talatang ito, pansinin muna ang time frame. Sinabi ni Jesus na ang mga bagay na ito ay mangyayari “karakaraka pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon.” Dahil ang kapighatian na inilarawan ni Jesus ay naganap noong A.D. 70, dapat nating hanapin ang katuparan ng talatang ito “karakaraka” pagkatapos ng A.D. 70.

   Upang makita ang katuparan na ito, kailangan nating maging pamilyar sa ilang kasabihan ng mga Hudyo. Ang araw, buwan, at mga bituin ay madalas na ginagamit upang tumukoy sa mga awtoridad na namamahala. Halimbawa, si Joseph ay nanaginip kung saan ang araw, buwan, at mga bituin ay yumukod lahat sa kanya (Gen. 37:9); nang sabihin ni Joseph ang panaginip na ito sa kanyang pamilya, hindi nila naisip na literal na yuyuko ang araw, buwan, at mga bituin, sa halip sa kanilang unawa si Joseph ay itataas sa mga awtoridad. Sa katulad na paraan, mababasa natin sa Apocalipsis 12:1 na ang isang babae ay nagpakita na may araw at buwan sa ilalim ng kanyang mga paa at isang korona ng mga bituin sa kanyang ulo, ibig sabihin ay mayroon siyang dakilang awtoridad. Sa modernong panahon madalas nating ginagamit ang mga katulad na terminolohiya kapag nagsasalita ng isang bituin sa pelikula o isang superstar. Sa terminolohiya ng Bibliya, ang katanyagan at kaluwalhatian ng malalaking lungsod ay sinasabing nagniningning bilang araw, buwan, o mga bituin. Kapag ang isang lungsod ay nawasak, ang araw, buwan, o mga bituin ay sinasabing nagdidilim.

    Halimbawa, sa aklat ng Ezekiel, mababasa natin ang tungkol sa paghatol at sa paparating na pagkawasak ng Ehipto.

“At pagka ikaw ay aking nautas, aking tatakpan ang langit, at padidilimin ko ang mga bituin niyaon; aking tatakpan ng alapaap ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag. Lahat na maningning na liwanag sa langit ay aking padidilimin sa iyo, at tatakpan ko ng kadiliman ang iyong lupain, sabi ng Panginoong Dios.” (Ezekiel 32:7-8, Tagalog AB)

    Ang pagkawasak na ito na ipinropesiya ni Ezekiel ay nangyari sa Ehipto, ngunit walang talaan ng araw, buwan, at mga bituin na literal na nagdidilim.

    Maiintindihan natin ito kapag napagtanto natin na minsan ang mga propeta ay gumagamit ng mga terminolohiyang apocalyptic . Maihahambing natin ito sa makabagong-panahong mga kasabihan na maaaring gamitin ng mga tao kapag may nangyaring trahedya: "Pasan ko ang daigdig" "Bituing walang ning-ning" "Nagdilim ang paningin!" o "Parang binagsakan ng langit at lupa!." Maaaring mahirap para sa modernong-panahong mga Kristiyano na isipin si Jesus na gumagamit ng gayong mga terminolohiya, ngunit iyon talaga ang Kanyang ginawa. Sa katunayan, iyon lang ang tanging paraan para makita natin ang terminolohiyang ito na ginagamit saanman sa Bibliya (tulad ng makikita mo sa higit pang mga halimbawang nakalista sa ibaba). Isa itong sawikain ng mga Hudyo na tumutukoy sa paparating na pagkawasak at pagpapalit ng awtoridad.

    Isipin kung paano iniutos ni Isaias ang pagkawasak sa isang rehiyon sa timog ng Israel na kilala bilang Edom:

    At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos. Sapagka't ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan.” (Isaiah 34:4-5, Tagalog AB)

    Noong panahong iyon sa kasaysayan, ang langit ay hindi literal na “mababalumbong parang isang ikid. Ang mga hukbo ng langit ay hindi literal na nahulog sa lupa bilang mga dahon ng puno ng igos. Gayunpaman, nawasak ang Edom.

Sa wakas, isaalang-alang ang pagpapahayag ng paghatol ng Diyos sa pamamagitan ni Isaias sa Babilonya:

“Sapagka't ang mga bituin ng langit at ang mga gayak niyaon, hindi magbibigay ng kanilang liwanag: ang araw ay magdidilim sa kaniyang pagsikat, at hindi pasisilangin ng buwan ang kaniyang liwanag.” (Isaiah 13:10, Tagalog AB)

   Nang hatulan ang Babilonia, walang talaan ng mga bituin at mga konstelasyon na huminto sa pagkinang. Hindi naman dumilim ang araw nang sumikat ito. Hindi lumabo ang buwan. Ngunit dumating ang pagkawasak.

    Kung hahayaan natin ang Bibliya na bigyang-kahulugan ang sarili nito, masasabi natin na si Jesus ay gumagamit ng apocalyptic na wika upang ipahayag ang pagkawasak ng Jerusalem. Kung paanong ang mga propetang sina Isaias at Ezekiel ay nagsalita ng mga kahatulan laban sa Ehipto, Edom, at Babilonya, gayundin si Jesus bilang isang propeta ay nagpahayag ng pagkawasak sa Jerusalem. Nauunawaan ng mga alagad ni Jesus ang mga pariralang iyon. Kabisado nila ang Lumang Tipan. Ang nasabing terminolohiya ay bahagi ng kanilang mga ekspresyong pangkultura.

    Akmang-akma ito sa aktuwal na naganap pagkatapos mamatay si Jesus, binuhay-muli, at umakyat sa langit. Umupo si Jesus sa kanan ng Ama. Ibinigay sa kanya ang lahat ng awtoridad sa langit at lupa. Ang ebidensya sa lupa ng paghahari ni Jesus sa langit ay ang lumang Templo ay nawasak. May bagong High Priest na nakaupo sa langit. Nagkaroon ng bagong pinuno: ang Hari ng mga hari at ang Panginoon ng mga panginoon.

“Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.” (1 Peter 3:22, Tagalog AB)

Ang mga langit ay nayanig dahil si Jesucristo ay dumating na sa Kanyang kaharian.

Mateo 24:30b: Ang Anak ng Tao sa Kaluwalhatian

    Nasuri na natin ang unang bahagi ng Mateo 24:30; ngayon ay isaalang-alang naman natin ang natitirang bahagi ng talata.

“At kung magkagayo'y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.” (Matthew 24:30, Tagalog AB)

Ano ang kahulugan ng “kung magkagayo'y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa”?

    Para masagot ito, kailangan nating suriin ang salitang Griego na ge, na isinalin sa bersyong ito sa “lupa.” Kapag isinalin ang salitang ge sa ibang mga sipi ng Bagong Tipan, ito ay kadalasang isinasalin bilang “lupain.” Sa katunayan, ang salitang ito ay kadalasang ginagamit kapag tumutukoy sa Lupang Pangako ng mga Hudyo. Ito ang pinaniniwalaan naming mas totoo sa konteksto ng siping ito. Kaya naman, sinabi sa atin na ang lahat ng mga tribo ng lupain ay magdadalamhati. Sino ang mga tribo ng lupain? Ang lupain na binabanggit sa talatang ito ay ang Lupang Pangako. Kaya't ang lahat ng mga tribo ng Israel ay magdadalamhati.

    Nang makarating sa mga tribo ng Israel ang balita tungkol sa pagkawasak ng Templo at ang buong Jerusalem, naganap ang matinding pagluluksa sa kanilang mga sinagoga at tahanan. Ang “tanda” (ang pagkawasak ng Jerusalem) ay naging dahilan upang ang “mga tribo” (ng Israel) ay labis na nagdalamhati, gayunpaman hindi pa rin nila nakuha ang kahulugan ng tanda. Ito ang tanda na “ang Anak ng Tao” ay “nasa langit,” na Siya ay umakyat sa Kanyang Ama.

    Nang banggitin ni Jesus ang “Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.” hindi Niya sinabi na ang Anak ay babalik sa lupa. Ang kaganapang ito ay mangyayari sa langit (o sa heaven, ayon sa King James Version). Sa langit si Hesus ay nabihisan ng kapangyarihan at kaluwalhatian.

    Ito mismo ang ipinropesiya ni Daniel nang makita niya sa isang pangitain si Jesu-Kristo na tinatanggap ang Kanyang posisyon sa kanang kamay ng Ama:

“Ako'y nakakita sa pangitain sa gabi, at, narito, lumabas na kasama ng mga alapaap sa langit ang isang gaya ng anak ng tao, at siya'y naparoon sa matanda sa mga araw, at inilapit nila siya sa harap niya. At binigyan siya ng kapangyarihan, at kaluwalhatian, at isang kaharian, upang lahat ng mga bayan, bansa, at mga wika ay mangaglingkod sa kaniya: ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, na hindi lilipas, at ang kaniyang kaharian ay hindi magigiba.” (Daniel 7:13-14, Tagalog AB)

    Ipinropesiya ito ni Daniel. Pagkatapos ay tinupad ito ni Jesus nang matanggap Niya ang karapatang maghari mula sa Kanyang Ama.

Mateo 24:31: Ang mga Anghel na Tinitipon ang mga Hinirang

“At susuguin ang kaniyang mga anghel na may matinding pakakak, at kanilang titipunin ang kaniyang mga hinirang mula sa apat na hangin ng sanglibutan, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.” (Matthew 24:31, Tagalog AB)

    Para sa maraming estudyante ng Biblia, ang talatang ito ay tungkol lamang sa ikalawang pagparito ni Kristo sa katapusan ng kasaysayan. Ngunit hindi iyon ang ibig sabihin ni Jesus. Tatlong talata lamang pagkatapos nito, sinabi Niya na "Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito." Sinabi ni Jesus na ang talatang ito ay naglalarawan ng isa sa mga bagay na magaganap sa loob ng isang henerasyon.

    Paano natin ito uunawain? Nang si Jesus ay nakaupo na sa Kanyang trono, ang lahat ng awtoridad ay ibinigay sa Kanya sa langit at lupa. Nagbago ang lahat nang dumating si Hesus sa Kanyang kaharian. Ang paghihip ng trumpeta ay nangangahulugan para sa mga Hudyo na isang utos ng hari ang ilalabas. At ano ang utos na iyon? Oras na para palayain ang mga anghel ng Diyos para pumunta at tipunin ang Kanyang mga lingkod mula sa bawat bansa. Kasabay nito, ang mga disipulo ni Jesus ay inatasan na humayo at ipangaral ang ebanghelyo, na gumawa ng mga alagad sa bawat bansa. Hindi na ang bansang Judio ang tanging bansa na pinahihintulutan na maging bahagi ng isang tipan na may tanging relasyon sa Diyos. Si Jesus ay naging isang Mabuting Pastol na tinitipon ang Kanyang mga tupa mula sa buong mundo.

    Ang salitang “magtipon” ay napakahalaga, sapagkat ito ay literal na nangangahulugang “sa sinagoga.” Ang mga mensahero ni Kristo ay titipunin ang mga tao para sa Kanyang bagong sinagoga. Ang katapusan ng lumang Templo ay makakatulong lamang upang mapabilis ang pagtatayo ng bagong templo, ang kanyang Church o Iglesia. Isang simpleng katotohanan ng kasaysayan na ang Iglesia ay dumanas ng isang masiglang paglago pagkatapos bumagsak ang Jerusalem.


Mateo 24:32, 33: Talastasin ninyo na Siya ay Malapit na

“Sa puno ng igos nga ay pagaralan ninyo ang kaniyang talinghaga: pagka nananariwa ang kaniyang sanga, at sumusupling ang mga dahon, ay nalalaman ninyo na malapit na ang tagaraw; Gayon din naman kayo, pagka nangakita ninyo ang lahat ng mga bagay na ito, ay talastasin ninyo na siya'y malapit na, nasa mga pintuan nga.” (Matthew 24:32-33, Tagalog AB)

    Sinabi ni Jesus sa mga alagad dito na kung paanong ang pag-usbong ng puno ng igos ay isang tiyak na tanda na malapit na ang tag-araw, gayundin ang mga tanda na ito ay hudyat ng simula ng isang bagong espirituwal na panahon—ang katapusan ng lumang sistema at ang pag-usbong ng isang bagong sistema. Ang aral ng ating Panginoon tungkol sa puno ng igos ay higit na makabuluhan kung ating mapagtanto na si Jesus at ang mga disipulo ay nakaupo noon sa bundok ng Olibo habang tinatanaw ang Jerusalem at ang Templo. Madaling kumuha ang ating Panginoon ng isang malambot na sanga mula sa isang kalapit na puno at bigyan sila ng aral na bantayan ang malinaw na mga palatandaan na magsasaad ng pagkawasak ng Jerusalem at ng Kanyang pagdating sa Kanyang kaharian.

    Sinasabi ng ilang mga tagapagturo ng futurist na pananaw na ang puno ng igos ay isang simbolo ng Israel at na kapag ang Israel ay isinilang na muli bilang isang bansa, ang henerasyong nakakita nito ay makikita rin ang ikalawang pagdating ni Kristo. Ito ay isang kamangha-manghang interpretasyon. Sa Bibliya, ang Israel ay karaniwang inilalarawan bilang isang punong olibo sa halip na isang puno ng igos (Jer. 11:16; Rom. 11:17). Higit pa rito, walang itong binabanggit na muling pagsilang ng Israel sa kontekstong ito. Inilista na ni Jesus ang lahat ng mga palatandaan na dapat nilang abangan, at wala kahit isa sa kanila ang nagpahiwatig ng anuman tungkol sa muling pagsilang ng Israel. Sa kontekstong ito, si Jesus ay hindi nagsasalita tungkol sa isang kaganapan 2,000 taon sa hinaharap. Sinasagot ni Jesus ang mga tanong ng Kanyang mga disipulo tungkol sa Kanyang pagdating sa Kanyang kaharian—isang pangyayari na makikita nila sa kanilang buhay.

    Malalaman natin na ang ilustrasyon ng puno ng igos ay hindi tungkol sa hinaharap na muling pagsilang ng Israel at sa ikalawang pagdating ni Jesus dahil ang susunod na talata ay ang deklarasyon ng Panginoon na ang lahat ng mga tanda ay mangyayari sa henerasyong iyon (24:34). Higit pa rito, sasalungat iyan sa sinabi ni Jesus pagkaraan ng dalawang talata (24:36) tungkol sa walang mga palatandaang magsasaad kung kailan magaganap ang Kanyang ikalawang pagparito (isang paksang tatalakayin natin sa mga susunod). Si Jesus ay hindi nagsasalita tungkol sa pagmamasid sa mga palatandaan at pagkatapos ay agad na sasabihin na hindi Niya alam ang araw at oras ng Kanyang pagbabalik.

    Para sa sinumang nangangailangan ng higit pang patunay, malalaman din natin na ang ilustrasyon ng puno ng igos ay hindi tungkol sa muling pagsilang ng Israel at sa henerasyong iyon na makakakita sa ikalawang pagdating ni Jesus, dahil hindi ito totoo! Ang Israel ay naging isang bansa noong 1948, at mahigit 60 taon na ang nakalipas nang hindi bumalik si Jesus.

    Ang malinaw, at simpleng aral ng puno ng igos ay bantayan ang lahat ng mga tanda na nakalista sa Mateo 24:4-28. Kapag maganap na ang mga tandang iyon, dapat malaman ng mga alagad na si Jesus ay dumating na sa Kanyang kaharian.


Mateo 24:34: Sa Henerasyong Ito

Tinapos ni Jesus ang Kanyang sagot sa ikalawang tanong ng mga disipulo sa pagsasabing:

“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi lilipas ang lahing ito, hanggang sa mangaganap ang lahat ng mga bagay na ito.” (Matthew 24:34, Tagalog AB)

    Kung literal nating uunawain ang mga talatang ito, maniniwala tayo na ang lahat ng ipinropesiya ni Jesus sa Mateo 24:5-34 ay natupad noong A.D. 70.

    Siyempre, hindi matatanggap ng mga futurist na tagapagturo ang mga salita ni Jesus nang literal. Kung minsan ay muling binibigyang kahulugan nila ang salitang “henerasyon” (genesis, sa Griyego) bilang “race,” at samakatuwid, sinasabi nila na ang lahat ng mga pangyayaring nakalista sa Mateo 24 ay mangyayari bago ang lahi ng mga Judio ay pumanaw. Sa katotohanan, ang muling pagpapakahulugan na iyon ay hindi naaayon sa iba pang bahagi ng Bagong Tipan. Ang salitang Griyego na genesis ay ginamit ng 34 na beses sa Bagong Tipan, at hindi kailanman ito isinalin bilang "race" sa anumang karaniwang ginagamit na salin ng Bibliya.

    Kung tatanggapin lang natin ang natural at literal na kahulugan ng pahayag ni Jesus, mahihinuha natin na ang lahat ng mga pangyayaring naitala, kabilang ang pagdating ng Panginoon, ay nangyari sa panahon ng buhay ng mga disipulo na nakikinig kay Jesus noong panahong iyon.






Si Pastor Ronald Obidos ay ang Founder/Chairman ng Former Adventist Fellowship Philippines at siya ay isa sa mga aktibong member at ordained Pastor ng Complete in Jesus church.





Support this ministry

Gcash#: 09695143944

OR




Monday, August 21, 2023

GENEROUSLY GIVING TO GOD'S MINISTRY




1 Corinthians 9:14 (NLT)
“In the same way, the Lord ordered that those who preach the Good News should be supported by those who benefit from it.”

    Both the Old Testament (Dt 25:4; cf. Lev 6:16, 26; 7:6) and the New Testament (Mt 10:10; Lk 10:7) teach that those who are engaged in proclaiming God’s Word (e.g., ministers, pastors, evangelists) should be supported by those who receive spiritual benefit from the message and ministry (Gal 6:6-10; 1Ti 5:18).

Deuteronomy 25:4 (NLT)
“You must not muzzle an ox to keep it from eating as it treads out the grain.”

    The apostle Paul understood the wisdom of the Lord in this Old Testament verse so he used it in his letter to young Timothy with emphasis.

1 Timothy 5:18 (NLT)
"For the Scripture says, “You must not muzzle an ox to keep it from eating as it treads out the grain.” And in another place, “Those who work deserve their pay!”

    This command provided that working animals be given sufficient feed (i.e., food) to maintain strength and health. They were to be treated humanely and rewarded for their labor. Even more, people deserve fair treatment for their labor. The New Testament applies this principle to gospel ministers. Those who labor in the ministry or for Christian institutions should be paid reasonable and fair wages.

1 Corinthians 9:9-11 (NLT) 
"For the law of Moses says, “You must not muzzle an ox to keep it from eating as it treads out the grain.” Was God thinking only about oxen when he said this? Wasn’t he actually speaking to us? Yes, it was written for us, so that the one who plows and the one who threshes the grain might both expect a share of the harvest. Since we have planted spiritual seed among you, aren’t we entitled to a harvest of physical food and drink?"

This is also the wisdom of the Lord Jesus for those who spread the good news of salvation to people.

Matthew 10:10 (NLT)
“Don’t carry a traveler’s bag with a change of clothes and sandals or even a walking stick. Don’t hesitate to accept hospitality, because those who work deserve to be fed.”

    Jesus said that those who minister are to be cared for. The disciples could expect food and shelter in return for their spiritual service. Who ministers to you? Make sure you take care of the pastors, missionaries, and teachers who serve God by serving you.

    Paul shared the same spirit of the Lord's word with the believers in Galatia to remind them of their duties in the work of the Lord.

Galatians 6:6 (NLT)
“Those who are taught the word of God should provide for their teachers, sharing all good things with them.”

    Paul instructs the church to support its teachers materially–with food, money, and whatever good things are appropriate. It is easy to receive the benefit of good Bible teaching and then to take our spiritual leaders for granted, ignoring their financial and physical needs. We should care for our teachers, not grudgingly or reluctantly, but with a generous spirit, showing honor and appreciation for all they have done.

1 Timothy 5:17-18 (NLT) 
"Elders who do their work well should be respected and paid well, especially those who work hard at both preaching and teaching. 18 For the Scripture says, “You must not muzzle an ox to keep it from eating as it treads out the grain.” And in another place, “Those who work deserve their pay!”

    It is our spiritual duty to help provide financial and material support for those from whom we receive ministry and instruction (1Co 9:14). To refuse to give support if the means and opportunity are available, is to “sow” (i.e., plant) selfishness and “reap” (i.e., harvest) destruction. The Scripture says,

Galatians 6:7-9 (NLT)
“Don’t be misled—you cannot mock the justice of God. You will always harvest what you plant. 8 Those who live only to satisfy their own sinful nature will harvest decay and death from that sinful nature. But those who live to please the Spirit will harvest everlasting life from the Spirit. 9 So let’s not get tired of doing what is good. At just the right time we will reap a harvest of blessings if we don’t give up.”

    In Paul's time, many teachers charged fees for their instruction; many Greek teachers insisted that they and their students should share all things in common, and some groups of teachers and disciples lived communally. In Asia Minor (including Galatia), a fee was exacted from those entering temples. Here Paul urges the Galatian Christians to support their teachers who could provide sound teaching (unlike his opponents).

Paul also considered giving help to teachers as part of Christ's command to share each other's burdens.

Galatians 6:2 (NLT)
"Share each other’s burdens, and in this way obey the law of Christ.

    One important way to bear other believers’ burdens is to share in all good things, including financial support, with one who teaches God’s word. After all, teachers and preachers work hard in their ministry.

    To give to those who serve in ministry of the Word is a part of doing good “to those who belong to the family of believers” (v. 10). If we are faithful in our support of ministry and in our opportunities to serve and do good to others for the sake of Christ, “at the proper time we will reap” (v. 9) both reward (Mt 10:41-42) and eternal life (v. 8). In this context it is an application of “carry one another’s burdens” (Gal 6:2)

    Faithful church leaders should be supported and appreciated. Too often they are targets for criticism because the congregation has unrealistic expectations. How do you treat your church leaders? Do you enjoy finding fault, or do you show your appreciation? Do they receive enough financial support to allow them to live without worry and to provide for the needs of their families? Our ministers deserve to know that we are giving to them cheerfully, gratefully, and generously.

2 Corinthians 9:7-9 (NLT)
“You must each decide in your heart how much to give. And don’t give reluctantly or in response to pressure. “For God loves a person who gives cheerfully.” And God will generously provide all you need. Then you will always have everything you need and plenty left over to share with others. As the Scriptures say, “They share freely and give generously to the poor. Their good deeds will be remembered forever.”


Support this ministry

Gcash#: 09695143944

OR






Si Pastor Ronald Obidos ay ang Founder/Chairman ng Former Adventist Fellowship Philippines at siya ay isa sa mga aktibong member at ordained Pastor ng Complete in Jesus church. 

Saturday, August 19, 2023

ANG MALALIM NA KAHULUGAN NG KAMATAYAN NI KRISTO SA KRUS




"Siya ang inialay ng Diyos bilang handog, upang sa pamamagitan ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sumasampalataya sa kanya." Mga Taga-Roma 3:25 RTPV

Binibigyang-diin ng New Testament ang ilang katotohanan tungkol sa kamatayan ni Kristo.

(1) Isa itong sakripisyo. Si Hesus ay kusang-loob na nag-alay ng kanyang sariling perpekto at walang kasalanan na buhay.

"Mamuhay kayong puno ng pag-ibig tulad ni Cristo; dahil sa kanyang pag-ibig sa atin, inialay niya ang kanyang buhay bilang mabangong alay at handog sa Diyos." Mga Taga-Efeso 5:2 RTPV 

(2) Ito ay pang-halili (i.e., nararanasan o tinitiis ng isang tao para sa kapakinabangan ng iba). Namatay si Jesus hindi para sa kanyang sariling kapakanan, kundi para sa kapakanan ng iba.

"Sa kanyang pagkamatay sa krus, pinasan niya ang bigat ng ating mga kasalanan upang tayo'y mamatay na sa kasalanan at mamuhay ayon sa kalooban ng Diyos. Kayo'y pinagaling na sa pamamagitan ng kanyang mga sugat." 1 Pedro 2:24 RTPV

(3) Ito ay pakikipagpalit. Si Kristo ay nagdusa ng kamatayan bilang kabayaran para sa ating kasalanan, bilang ating kapalit natin.

"Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon." Mga Taga-Roma 6:23 RTPV

(4) Ito ay pampalubag-loob (ibig sabihin, gumawa ito ng kapayapaan at nireresolba ang isang problema). Ang kamatayan ni Kristo para sa mga makasalanan ay nagbigay-kasiyahan sa perpektong katarungan, katuwiran at moral na kaayusan ng Diyos, na humuhiling na ang kasalanan ay parusahan at isang multa na dapat bayaran para sa mga pagkakasala ng tao laban sa Kanya. Ang sakripisyo ni Kristo ay sumaklaw sa parusang iyon nang buo, na nag-aalis ng poot ng Diyos (i.e., ang kanyang makatwirang poot at parusa) mula doon sa mga umamin at tumalikod sa kanilang kasalanan, tinatanggap ang kapatawaran ni Kristo at ipinagkatiwala ang kanilang buhay sa kanya. Sa pamamagitan ng dugo ni Kristo, ang kabanalan ng Diyos ay hindi nakompromiso at nagawa niyang ihayag ang kanyang biyaya (i.e., ang kanyang hindi nababayaran at hindi sana nararapat na awa) at pagmamahal sa atin (cf. Jn 3:16). Ang Diyos mismo ang gumawa ng planong ito, hindi dahil may utang Siya sa atin, kundi dahil sa Kanyang pag-ibig at habag sa atin. 

"Ang Diyos ang gumawa ng lahat ng ito. Sa pamamagitan ni Cristo, ibinilang niya tayong mga kaibigan at hindi na kaaway, at pinili niya kami upang ang iba pang mga tao ay maging kaibigan rin niya. Ang ibig sabihin, sa pamamagitan ni Cristo, ang mga tao'y ibinilang ng Diyos na kaibigan, at nilimot na niya ang kanilang mga kasalanan. At kami naman ay inatasan niyang ipamalita ito." 2 Mga Taga-Corinto 5:18-19 RTPV

(5) Ito ay tumutubos (i.e., ito ay nagbigay ng kabayaran para sa ating mga pagkakamali laban sa Diyos). Ang perpektong sakripisyo ni Jesus ay hindi lamang nagbayad ng buong halaga para sa ating kasalanan, ngunit ito rin ay nagbubura at nagpapawalang-bisa sa pagkakasala ng mga taong tumatanggap sa kanyang kapatawaran at sumusunod sa kanya. Ginagawa ito ni Kristo na parang ang kanyang mga tagasunod ay hindi kailanman nagkasala sa Diyos. Sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo, ang kapangyarihan ng kasalanan na naghihiwalay sa Diyos at sa mga tao ay naputol na para doon sa buhay ng mga taong lubos na nagbibigay ng kanilang buong sarili sa kanya sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya.

(6) Ito ay ganap na epektibo. Ang pantubos na ginawa ni Kristo sa krus (i.e., pagtatakip ng kasalanan, pagbibigay ng kapatawaran) at kamatayan ay may kapangyarihang magbalik sa mga tao sa tamang relasyon sa Diyos kung ilalagay nila ang kanilang pananampalataya sa kanya.

(7) Ito ay nagtagumpay. Sa pamamagitan ng kamatayan sa krus, si Kristo ay nakipaglaban at nagtagumpay laban sa kapangyarihan ng kasalanan, ni Satanas, at ng kanyang mga puwersa ng mga demonyo na dating bumihag sa lahat ng sangkatauhan. Ang kanyang kamatayan ang pasimula ng tagumpay laban sa mga espirituwal na kaaway ng Diyos at ng sangkatauhan (8:3; Jn 12:31-32; Col 2:15). Ang kamatayan ni Jesus ay nagbayad ng pantubos (1Pe 1:18-19)—sa Diyos, hindi kay Satanas. Bilang resulta, pinalaya ni Jesus ang mga tao mula sa kasalanan (6:6), kamatayan (2Ti 1:10; 1Co 15:54-57) at kay Satanas (Gaw 10:38). Ang tagumpay ni Kristo ay naging posible para sa mga tao na maglingkod sa Diyos.

"Ngunit salamat sa Diyos, kayong dating mga alipin ng kasalanan ay taos pusong sumunod sa aral na ibinigay sa inyo. Pinalaya na kayo sa kasalanan at kayo ngayon ay mga alipin na ng katuwiran." Mga Taga-Roma 6:17-18 RTPV

    Ang lahat ng mga resulta sa itaas ng sakripisyong kamatayan ni Kristo ay maaari ng mapasa-atin ngayon para sa lahat ng taong nagnanais na maligtas. Ngunit sa katotohanan, ito ay may bisa lamang sa buhay ng mga tao na tatanggap ng sakripisyo ni Jesus sa pamamagitan ng kanilang pagtanggap sa kanya bilang kanilang personal na Panginoon at Tagapagligtas! 

Kung handa ka na magtiwala kay Jesus sa iyong buhay, manalangin ka ng ganito:

Panginoong Hesus, namuhay po ako sa sarili ko na hiwalay at nagkasala sa iyo. Maawa ka sa akin at ako ay nagsisisi na, at patawarin mo ang aking kasalanan. Naniniwala ako na ikaw ang Anak ng Diyos na namatay bilang kahalili ko, pagkatapos ay bumangon mula sa mga patay na may kapangyarihan at awtoridad na bigyan ako ng bagong buhay. Salamat at ginawa mo akong anak ng Diyos. Ibinibigay ko ngayon ang aking buhay sa iyo at sa iyong mga layunin. Bigyan mo ako, sa pamamagitan ng iyong Banal na Espiritu, ng katapangan na ipahayag ang aking pananampalataya sa iyo sa iba. Hinihiling ko ito sa pangalan mo, Hesus. Amen.






Si Pastor Ronald Obidos ay ang Founder/Chairman ng Former Adventist Fellowship Philippines at siya ay isa sa mga aktibong member at ordained Pastor ng Complete in Jesus church. 






Support this Ministry

Gcash#: 09695143944

OR





Friday, August 18, 2023

PAANO UUNAWAIN ANG HULA NI CRISTO SA MATEO 24? (PART 3)



Mateo 24:14: Pangangaral ng Ebanghelyo

Paano naman ang Mateo 24:14?

“At ipangangaral ang evangeliong ito ng kaharian sa buong sanglibutan sa pagpapatotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayo'y darating ang wakas.” (Matthew 24:14, Tagalog AB)

    Kung ikaw ay nasanay sa ilalim ng futurist na pananaw, alam mo na ang talatang ito ay madalas na sinisipi upang hikayatin ang mga Kristiyano na makibahagi sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa buong mundo upang makabalik na muli si Jesu-Kristo.

    Ipakikita namin sa inyo ang isa pang paraan upang maunawaan ang kasulatang ito. Sinabi ni Jesus na ang lahat ng mga pangyayari na Kanyang binanggit ay magaganap sa henerasyong iyon. Kung paniniwalaan natin ang mga salita ni Jesus, dapat nating tingnan kung paano natupad ang talatang ito noong unang siglo.

    Sa anumang seryosong pag-aaral ng Banal na Kasulatan ay dapat gamitin ang mga pangunahing prinsipyo ng pag-aaral ng Bibliya, at ang isa dito ay basahin muna ang iba pang mga talata sa Bibliya na nagsasalita din tungkol sa parehong mga paksa bago gumawa ng anumang mga konklusyon tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng isang talata. Sa ganitong paraan, kinahayaan natin ang Bibliya na magpaliwanag sa kanyang sarili, upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan dahil sa pansariling mga unawa at impluwensya ng kultura.

    Halimbawa, para maunawaan natin ang Mateo 24:14, makatutulong na malaman muna natin kung may iba pang mga talata sa Bibliya na nagsasabi tungkol sa ebanghelyo na ipinangangaral sa buong mundo. Kung gagawin mo ito, matutuklasan mo na may limang talata na tumatalakay sa paksang ito. Ang lahat ng limang talatang ito ay naghahayag sa atin kung paano ipinangaral ang ebanghelyo sa lahat ng bansa sa loob ng henerasyon ng mga apostol. Tingnan natin ang limang mga talatang iyon.

Una, suriin ang mga salita ni Pablo sa Roma 1:8:

“Kaunaunahan, ay nagpapasalamat ako sa aking Dios sa pamamagitan ni Jesucristo tungkol sa inyong lahat, na ang inyong pananampalataya ay bantog sa buong sanglibutan.” (Romans 1:8, Tagalog AB)

    Ang kanilang pananampalataya ay ipinahahayag—sa panahon ni Pablo—sa buong mundo. Nilinaw pa ito ni Pablo sa Roma 10:18:

“Datapuwa't sinasabi ko, Hindi baga sila'y nangakinig? Oo, tunay nga, Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa, At ang kanilang mga salita'y hanggang sa mga dulo ng sanglibutan.” (Romans 10:18, Tagalog AB)

Sinabi ito muli ni Pablo sa Roma 16:25-26:

“At ngayon sa kaniya na makapangyarihan na sa inyo'y makapagpapatibay ayon sa aking evangelio at sa pangangaral ni Jesucristo, ayon sa pahayag ng hiwaga na natago sa katahimikan nang panahong walang hanggan. Datapuwa't nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ayon sa ipinagutos ng Dios na walang hanggan, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang magsitalima sa pananampalataya:” (Romans 16:25-26, Tagalog AB)

Sinabi sa atin ni Pablo ito muli sa Colosas 1:5-6:

“Dahil sa pagasa na natataan para sa inyo sa langit, na nang una ay inyong narinig sa salita ng katotohanan ng evangelio, Na ito'y dumating sa inyo; gayon din naman kung paano sa buong sanglibutan na namumunga at lumalaganap, gaya rin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at maalaman ang biyaya ng Dios sa katotohanan;” (Colossians 1:5-6, Tagalog AB)

    Muli, ang ebanghelyo ay nagbunga sa buong mundo—sa kapanahunan ni Pablo. Sa wakas, tingnan natin ang pinakamalinaw na pahayag na ginawa ni Pablo sa paksang ito:

“Kung tunay na kayo'y mamamalagi sa pananampalataya, na nababaon at matitibay, at di makilos sa pagasa sa evangelio na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit; na dito akong si Pablo ay ginawang ministro.” (Colossians 1:23, Tagalog AB)

Hindi ba mas malinaw itong sinabi ni Paul? Ang ebanghelyo ay ipinahayag “sa lahat ng mga nilalang sa silong ng langit.”

    Habang binabasa ninuman ang mga talatang ito ay maaaring magtaka sila kung ang mga salitang "buong mundo," "mga wakas ng mundo," "buong mundo," at "lahat ng mga nilalang sa silong ng langit," ay talagang literal na nangangahulugan ng buong mundo sa paraang nauunawaan natin ngayon. Ang ilan ay maaaring magtanong kung an salitang "mundo" ay maaaring mangahulugang "mundo" ayon sa pagkaunawa ng mga alagad sa kanilang kapanuhan noon na sakop ng Imperyo lamang ng Roma.”

    Sa mga talatang ito, mayroong dalawang magkaibang salitang Griyego na isinalin sa salitang “mundo.” Ginamit ni Pablo ang salitang Griyego na kosmos sa Roma 1:8 at Colosas 1:6. Ang salitang kosmos ay maaaring isalin bilang "mundo" o "lupa," ngunit kabilang dito ang buong mundo. Ang iba pang salitang Griyego para sa mundo ay oikumene, na maaaring isalin bilang "tinatahanang lupa" o "sibilisadong lupa." Ginamit ni Pablo ang salitang ito sa Roma 10:18 nang ipahayag niya na ang Salita ay lumabas “hanggang sa mga dulo ng mundo.” Ginamit din ni Jesus ang salitang ito, oikumene, sa Mateo 24:14. Kaya naman, nauunawaan natin na ang Kanyang orihinal na deklarasyon ay na ang mga disipulo ay magkakaroon ng panahon upang ipangaral ang ebanghelyo ng kaharian sa sibilisadong mundo.

    Kahit paano natin tignan ito, ang mga salita ni Jesus ay natupad sa henerasyon ng mga unang disipulo. Binaligtad nga nila ang mundo.

    Matapos nilang matagumpay na maipangaral ang ebanghelyo, sinabi ni Jesus, “at kung magkagayon ay darating ang wakas” (Mat. 24:14). Anong katapusan ang tinutukoy Niya? Tandaan, sinasagot Niya ang kanilang tanong, “Kailan mawawasak ang Jerusalem at ang Templo?” Iyan ang “katapusan” na tinutukoy ni Jesus. Sa katunayan, ang pagkawasak na iyon ang sumunod na binanggit ni Jesus.

Mateo 24:15-20: Babala ng Pagkawasak

    Sinabi ni Jesus sa mga disipulo na pagkatapos nilang matagumpay na maipangaral ang ebanghelyo, kailangan nilang maging handa na tumakas mula sa Judea dahil malapit nang mangyari ang pagkawasak.

“Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea: Ang nasa bubungan ay huwag bumaba upang maglabas ng mga bagay sa loob ng kaniyang bahay: At ang nasa bukid ay huwag magbalik upang kumuha ng kaniyang balabal. Datapuwa't sa aba ng nangagdadalang-tao at nangagpapasuso sa mga araw na yaon! At magsipanalangin kayo na huwag mangyari ang pagtakas ninyo sa panahong taginaw, o sa sabbath man:” (Matthew 24:15-20, Tagalog AB)

    Ang mga Kristiyanong nasanay sa futurist na pananaw ay naniniwala na ang talatang ito ay matutupad sa hinaharap, bago ang katapusan ng mundo. Karaniwan, inaakala nila na ang kasuklam-suklam na paninira bilang ang antikristo na lalakad sa Templo (isa na itatayo sa malapit na hinaharap) sa Jerusalem, magtatayo ng isang imahen para sa kanyang sarili, at ihahayag ang kanyang sarili bilang Diyos. Ang pangyayaring iyon ay inaakalang dyan magsisimula ng isang kakila-kilabot na pandaigdigang kapighatian.

    Upang maunawaan ang talatang ito mula sa pananaw ng partial preterist, tandaan na si Jesus ay nagsasalita tungkol sa mga kalunos-lunos na pangyayari na mangyayari hindi sa buong mundo, kundi doon mismo sa Jerusalem at sa nakapalibot na lugar ng Judea. Alam natin ito dahil nakikipag-usap Siya sa Kanyang mga disipulo at sinasagot ang kanilang tanong tungkol sa kung kailan mawawasak ang Jerusalem at ang Templo. Sinabi ni Jesus na kapag ang kasuklam-suklam na paninira (na tutukuyin natin mamaya) ay nakatayo sa banal na dako, ang mga tao “sa Judea” ay tatakas sa mga bundok. Hindi niya sinabi na ang mga tao sa buong mundo ang dapat tumakas.

    Dagdag pa, alam natin na tinutugunan lamang ni Jesus ang Kanyang babala para sa mga Hudyo, dahil binalaan Niya ang mga tao na manalangin na ang kanilang pagtakas ay hindi sa Sabbath—isang babala na partikular na nauugnay lamang sa mga Hudyo, dahil iniingatan nila ang Sabbath upang huwag silang magtrabaho o tumakbo—kahit na may trahedya.

    Gayundin, sinabi Niya na ang mga tao na nasa sa kanilang mga bubungan ay hindi na dapat pumasok pa sa kanilang mga bahay upang kunin ang kanilang mga ari-arian; ito ay nagpapahiwatig na Siya ay nagsasalita tungkol sa mga tao na naninirahan sa rehiyon na iyon ng mundo, dahil ang mga bahay sa Jerusalem ay itinatayo paraan na kung saan ang mga tao ay maaaring magtipon sa kanilang mga bubong. Walang sinasabi sa babala ni Jesus tungkol sa mga taong naninirahan sa labas ng Judea. Si Jesus ay nagsasalita tungkol sa isang kakila-kilabot na mangyayari sa lugar ng Judea, at walang anuman sa mg talata na nagpapahiwatig na ito ay isang pandaigdigang kaganapan.

Ang mga Halintulad na Talata sa Marcos 13 at Lucas 21

     Upang kumpirmahin na si Jesus ay nagsasalita sa Mateo 24:15-20 ng mga pangyayaring magaganap sa palibot ng Jerusalem at Judea, makatutulong na sulyapan ang mga Ebanghelyo nina Marcos at Lucas kung saan nakatala din ang mga sinabi ni Jesus sa mga alagad niya sa Bundok ng Olivo. Sa pagtingin sa magkatulad na mga talatang ito, mahalagang tandaan kung gaano kalapit ang mga sinasabi nito sa Mateo 24.

(1) Inilantad ni Jesus ang kasamaan ng mga pinuno ng relihiyong Judio (Mat. 23:1-35; Mar. 12:38-40; Lucas 20:45-47).

(2) Idineklara ni Jesus ang pagkawasak ng Templo (Mat. 23:37-24:2; Mar. 13:1-2; Lucas 21:5-6).

(3) Tinanong ng mga disipulo si Jesus tungkol sa paparating na pagkawasak (Mat. 24:3; Mar. 13:3-4; Lucas 21:7).

(4) Sumagot si Jesus, nagsasalita tungkol sa:
      mga taong nag-aangking si Cristo (Mat. 24:5; Mar. 13:5-6; Lucas 21:8),
     mga digmaan at alingawngaw ng digmaan (Mat. 24:6-7; Mar. 13:7-8; Lucas 21:9-10),
     mga lindol at taggutom (Mat. 24:7; Mar. 13:8; Lucas 21:11),
     at ang ebanghelyo ay ipinangangaral sa buong mundo (Mat. 24:14; Mar. 13:10).

    Ang mga talatang ito ay kahanga-hangang magkakatulad, bagaman ang bawat manunulat ay gumamit ng bahagyang magkakaibang terminolohiya. Maaaring ito ang resulta ng pagtatala ng iba't ibang manunulat kung ano ang kanilang naaalala o itinuturing na pinakamahalaga. Ang mga pagkakaiba ay maaaring resulta rin ng iba't ibang pagkakataon kung saan binanggit ni Jesus ang paksang ito. Madalas sila ay nasa Templo sa Jerusalem, at si Jesus sa maraming pagkakataon ay nagsasalita tungkol sa hindi kapani-paniwalang pagkawasak na magaganap. Anuman ang mga dahilan ng kaunting pagkakaiba, makikita natin na ang mga sagot ni Jesus ay halos magkatulad sa bawat isa sa tatlong ulat ng Ebanghelyo.

    Matapos magsalita ni Jesus tungkol sa mga tanda na magaganap, nagpatuloy Siya, ayon sa ulat ng Ebanghelyo, upang magbabala sa mga tao na sila ay kailangang tumakas mula sa Judea. Suriin natin ang mga ulat sa tatlong magkatulad na mga sipi.

“Kaya nga pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel, na natatayo sa dakong banal (unawain ng bumabasa), Kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:” (Matthew 24:15-16, Tagalog AB)

“Datapuwa't pagka nangakita ninyong nakukubkob ng mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo'y talastasin ninyo na ang kaniyang pagkawasak ay malapit na. Kung magkagayo'y ang mga nasa Judea ay magsitakas sa mga bundok; at ang mga nasa loob ng bayan ay magsilabas; at ang mga nasa parang ay huwag magsipasok sa bayan.” (Luke 21:20-21, Tagalog AB)

“Nguni't pagkakita ninyo ng kasuklamsuklam na paninira, na nakatayo doon sa hindi dapat niyang kalagyan (unawain ng bumabasa), kung magkagayo'y magsitakas sa mga bundok ang nangasa Judea:” (Mark 13:14, Tagalog AB)

    Pansinin na sa lahat ng tatlong sinipi, malinaw na sinabi ni Jesus na ang mga tao sa Judea ang tatakas. Wala saanman sa alinman na mga talata na Kanyang binanggit na tumutukoy ito sa labas ng rehiyon ng Judea.

Ang Kasuklam-suklam sa Banal na Dako

     Ngayon ay kailangan nating suriin kung ano ang tinutukoy ni Jesus noong binalaan Niya ang mga disipulo tungkol sa isang kasuklam-suklam na paninira na nakatayo sa banal na dako. Gaya ng nabanggit kanina, ipinapalagay ng mga futurist na tagapagturo na ang kasuklam-suklam ay ang antikristo na magtatayo ng isang idolo sa templo sa hinaharap o aktuwal na tutungo sa templong iyon at magpapakilala ng kaniyang sarili bilang Diyos.

    Upang makita kung gaano walang batayan ang pagkaunawang iyon, unang tandaan na ang antikristo ay hindi kailanman binanggit sa Mateo 24 (ni sa alinman sa mga Ebanghelyo). Pansinin din na nakikipag-usap si Jesus sa Kanyang mga disipulo at sinasabi sa kanila na masasaksihan din nila ang kaganapang ito. Si Jesus ay hindi nagsasalita tungkol sa isang antikristo na darating pa lang daan-daan o kahit libu-libong taon pa sa hinaharap, sa halip,  ang kasuklam-suklam na ito ay masasaksihan mismo nila sa kanilang kapanahunan.

    Matutukoy din natin kung saan nakatayo ang kasuklam-suklam. Tinutukoy ni Mateo ang “banal na dako” at ang “Jerusalem” naman ang tinutukoy ni Lucas. Sinong may-akda ang tama? Parehong tama. Nang banggitin ni Mateo ang banal na dako, tinutukoy niya ang parehong lokasyon ni Lucas nang banggitin niya ang Jerusalem. Mapapatunayan natin ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa terminolohiya na “banal na dako,” na isinalin mula sa mga salitang Griyego na hagios topos. Ang terminolohiyang ito ay hindi kailanman ginamit saanman sa Bibliya para tumukoy sa Templo o sa kabanal-banalang dako ng Templo. Malalaman ng sinumang may diksyunaryong Griyego, na ang salitang hagios ay nangangahulugang banal at ang salitang topos ay tumutukoy sa isang lokalidad. Ito ay ginagamit sa mga ekspresyong gaya ng isang "lugar sa disyerto" ngunit hindi kailanman tumutukoy sa isang gusali.

    Dahil tinutukoy ni Lucas ang banal na lugar na ito bilang "Jerusalem," ito ay nangangahulugan na ang tinutukoy ni Jesus ay ang Jerusalem sa halintulad na sipi ng Mateo 24.

    Ano kung gayon ang kasuklam-suklam na paninira? Kapag nagsasalita tayo tungkol sa isang kasuklam-suklam, ang tinutukoy natin ay isang kakila-kilabot, kamuhi-muhi, nakakadiring bagay. Sinabi sa atin ni Lucas na ang kasuklam-suklam ay ang mga hukbong nakapalibot sa Jerusalem. Ano ba ang maaaring maging mas kasuklam-suklam sa mga Hudyo? Ito ay ang mga hukbong pagano na magtitipon upang wasakin ang banal na lungsod at iwan ito ng nakatiwangwang.

    Ito ba ay tumutugma sa ebidensya ng kasaysayan? Opo! Gaya ng nabanggit natin, noong taรณng A.D. 70, 20,000 sundalong Romano ang pumila sa mga bundok sa palibot ng Jerusalem, na nakapalibot sa banal na lunsod.

    Ang paglalarawang ito ay tumutugma din sa Daniel 9. Tandaan na tinukoy ni Jesus sa Mateo 24:15 ang kasuklam-suklam na paninirana sinalita sa pamamagitan ng propeta Daniel.” Susuriin natin ang aklat ni Daniel nang higit pa sa ibang pagkakataon, ngunit dito pansinin ang pagtukoy ni Daniel sa kasuklam-suklam:

“At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, mahihiwalay ang pinahiran, at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na.” (Daniel 9:26, Tagalog AB)

    Sa katunayan, dumating ang mga kawal upang wasakin ang Jerusalem. Sa loob ng apat na buwan ginutom nila ang mga tao; pagkatapos ay lumusong sila sa lungsod tulad ng bumuhos na baha sa lambak.

Pagtakas sa Jerusalem at Judea

     Nang ang kasuklam-suklam—walang iba kundi ang mga kawal na Romano—ay nagsimulang martsa sa mga bundok sa palibot ng Jerusalem, mayroon na lamang maikling panahon upang tumakas ang mga tao. Kaya naman, mauunawaan natin ang payo ng ating Panginoon para sa mga nasa bubungan na huwag bumaba upang kunin pa ang kanilang mga ari-arian, o ang mga nasa bukid ay bumalik pa ng bahay upang kunin ang kanilang mga balabal. Sinabi sa kanila ni Jesus na dapat silang tumakas kaagad. Matapos payagang makatakas ang mga Kristiyanong iyon sa Jerusalem, sinimulan ng isarado ng mga sundalong Romano ang lunsod. Walang ng pinayagang pumasok o lumabas pa ng lunsod. Pinutol ng mga Romano ang supply na pagkain sa Jerusalem upang ang mga tao ay magutom. Sumulat si Josephus:

"Kaya ang lahat ng pag-asang makatakas pa ay pinutol na sa mga Judio, kasama ng kanilang kalayaang lumabas ng lungsod. Nang magkagayo'y patuloy na lumaganap ang taggutom, at nilamon nito ang buong bayan, mga bahay at mga angkan; ang mga silid sa itaas ay puno ng mga babae at mga bata na nangamamatay sa taggutom; at ang mga daanan ng lungsod ay puno ng mga bangkay ng matatanda; gayundin ang mga bata at ang mga binata ay gumagala sa mga pamilihan na parang mga anino, lahat ay pinalala ng taggutom, at nangabuwal na mga patay, saanman sila dinala ng kanilang paghihirap." (The Wars of the Jews, 1998, v:xii:3)

    Sa kasaysayan, alam natin na ang unang mga disipulo ay tumakas sa Jerusalem bago ang pagkawasak ng lungsod. Bakit sila tumakas? Dahil naalala nila ang babala na ibinigay sa kanila ni Jesus, na ang lungsod ay mapapaligiran ng mga hukbo at dapat silang tumakas upang makatakas sa kapahamakan na kasunod nito.

Mateo 24:21, 22: Isang Malaking Kapighatian

     Binalaan ni Jesus ang mga disipulo na tumakas mula sa Judea (Mat. 24:15–20). Pagkatapos ay ipinropesiya Niya ang dakilang pagkawasak na susunod:

“Sapagka't kung magkagayo'y magkakaroon ng malaking kapighatian, na ang gayo'y di pa nangyayari buhat sa pasimula ng sanglibutan hanggang ngayon, at ni hindi na mangyayari kailan man. At malibang paikliin ang mga araw na yaon, ay walang lamang makaliligtas: datapuwa't dahil sa mga hirang ay paiikliin ang mga araw na yaon.” (Matthew 24:21-22, Tagalog AB)

    Sinasabi ng mga tagapagturo na futurist na ang malaking kapighatiang ito ay darating pa sa hinaharap, bago ang katapusan ng mundo, at ito ay kakalat sa buong lupa. Ang paparating na kapighatian na ito ay palaging pinag-uusapan sa ilang mga Kristiyanong lupon na ito ay nakabuo pa ng sarili nitong pagkakakilanlan at tinatawag na “Ang Malaking Kapighatian."

    Sa katotohanan, ang malaking kapighatian na sinasabi ni Jesus ay tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem noong A.D. 70. Sinasagot lamang niya ang tanong ng mga disipulo, “Kailan mawawasak ang Jerusalem at ang Templo?

    Kung totoong ang tinutukoy ni Jesus ay ang mga pangyayari noong A.D. 70, kung gayon mayroon tayong isa pang tanong na sasagutin. Paano Niya nasabi na walang ganoong kakila-kilabot na nangyari mula sa simula ng mundo hanggang ngayon, ni hindi mangyayari kailanman? Hindi ba't mas maraming masasamang bagay ang nangyayari kaysa sa pagkawasak ng Jerusalem? Paano naman ang Holocaust noong ikadalawampung siglo nang pinatay ang 6 na milyong Hudyo? Paano naman ang iba pang panahon ng digmaan at malawakang pagkawasak?

    Ang pagkawasak ng Jerusalem ay hindi ang pinakamalaki ang pinsala sa kasaysayan, ngunit si Jesus ay nagsasalita na ito ay ang pinakamalaking kalamidad sa paraan ng kanyang pagdurusa at dalamhati.

    Inilarawan sa atin ni Josephus ang aktwal na naganap noong A.D. 70. Matapos masarhan ang lungsod ng mga sundalong Romano, ikinuwento ni Josephus kung paano gumawa ang mga Judio ng mga kakila-kilabot na kalupitan laban sa isa't isa, maging ang mga kasuklam-suklam na aksyon, tulad ng cannibalism, na naganap noong taggutom. Isinalaysay niya ang isang napakasamang salaysay tungkol sa pagpatay ng isang babae sa kanyang maliit na anak, niluto siya ito, at kinakain ang kalahati nito, pagkatapos ay nakipagtalo sa mga magnanakaw, na pumasok sa kanyang bahay upang maghanap ng pagkain, kung sino ang kumain sa kalahati ng katawan ng kanyang maliit na anak.

    Sa panahon ng taggutom, nilunok din ng mga Hudyo ang mga diamante at mahalagang mga bato sa pag-asang makatakas at ligtas na madala ang mga ito sa mga bagong lugar na mapupuntahan. Dahil nalaman ito ng mga sundalong Romano ay huhulihin nila ang mga indibiduwal mula sa lunsod at hihiwain ang kanilang mga sikmura at laman-loob, at hahanapin ang anumang mahahanap nila.

    Matapos wakasan ni Heneral Titus ang mga paghahanap na iyon, nagsimula ang isang bagong anyo ng pagpapahirap. Isinulat ni Josephus na habang sinisikap ng mga lalaki na tumakas sa lunsod o gumapang upang kumuha ng pagkain, puputulin ng mga sundalong Romano ang kanilang mga kamay at ibabalik sila sa loob ng lungsod. Nang sa wakas ay binigyan ng utos ang mga sundalong Romano na lumusong sa Jerusalem, sinabi sa atin ni Josephus na mahigit 500 lalaki ang nahuhuli bawat araw, pagkatapos ay hinagupit, pinahirapan, at ipinako sa krus. Ang mga lalaki ay ipinako sa mga krus sa harap ng lungsod hanggang sa wala nang espasyo. Sa wakas, ang mga sundalo ay pumasok sa lunsod, at ang bawat tao ay napatay maliban sa 97,000, na dinala upang maging alipin sa mga minahan ng Ehipto o bilang mga regalo sa iba't ibang lalawigan upang sila ay mapatay sa mga teatro.[7]

    Nang wasakin ang Jerusalem, isang genocide ng mga Hudyo ang na-trigger sa mga nakapaligid na rehiyon. Sinabi ni Josephus:

"Walang sinumang lunsod ng Syria na hindi pumatay sa kanilang mga Judiong nanunuluyan at sila ay mas mahigpit na mga kaaway natin kaysa sa mga Romano mismo." (The Wars of the Jews, 1998, vii:viii:7)”

    Ang kasaysayan ay nagbibigay ng maraming katulad na ulat kung ano ang naganap sa buong Imperyo ng Roma.

    Kung ihahambing natin ang genocide noong A.D. 70 sa Jewish Holocaust noong ikadalawampu siglo, dapat nating aminin na ang pinakahuling Holocaust ay mas malaki sa bilang, na may 6 na milyong Hudyo ang napatay sa loob ng anim na taon. Ang pamumuhay sa mga labor camp at pinatay sa pamamagitan ng makamandag na gas ay kakila-kilabot, ngunit sa pagkakaalam natin, walang ipinako sa krus sa kanila. Noong A.D. 70 mahigit isang milyong Hudyo ang nagutom, pinahirapan, at pinatay sa loob ng apat na buwan. Sa kabila ng mas malaking magnitude ng Holocaust noong ika-20 siglo, ang karahasan noong A.D. 70 na kapighatian ay tumapos sa buhay ng mas malaking porsyento ng populasyon ng mga Hudyo at higit na matindi sa mga kalupitan na ginawa.


Mateo 24:23-27: Magsisilitaw ang mga Huwad na Kristo

    Habang ang mga tao ay pinapatay sa buong Judea, maraming Hudyo ang umaasa sa isang Mesiyas na lilitaw upang iligtas sila sa huling sandali. Sinamantala ng ilang pinuno ang paniniwalang ito, na napakahalaga sa puso at isipan ng mga Hudyo. Sa pagkaalam na mangyayari ito, nagbigay si Jesus ng babala:

“Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang. Narito, ipinagpauna ko nang sinabi sa inyo. Kaya nga kung sa inyo'y kanilang sasabihin, Narito, siya'y nasa ilang; huwag kayong magsilabas: Narito, siya'y nasa mga silid; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” (Matthew 24:23-27, Tagalog AB)

    Isinulat ni Josephus ang tungkol sa maraming huwad na propeta at pinuno na nagsasabing sila ang Kristo. Ang isang halimbawang ibinigay niya ay tungkol sa isang huwad na propeta na hayagang nagpahayag sa mga desperadong naninirahan sa Jerusalem, na sa isang tiyak na araw, ililigtas sila sa makahimalang paraan ng Diyos. Maraming Hudyo ang sumunod sa pinunong iyon at nauwi sa pagkawala ng kanilang buhay dahil sa kanilang maling pag-asa. Inilarawan din ni Josephus kung paano lumitaw ang mga pambihirang tanda, kabilang na ang isang bituin na naghugis tulad ng isang espada sa ibabaw ng Jerusalem at pagkatapos ay isang liwanag sa paligid ng Templo sa loob ng kalahating oras.[8] Gaya ng inihula ni Jesus, ang mga huwad na Kristo ay magpapakita ng “mga dakilang tanda at mga kababalaghan."

    Binalaan ni Jesus ang mga disipulo na huwag makinig sa anumang mga alingawngaw o pahayag tungkol sa Kristo o mga huwad na propeta na nagpapakita. Pagkatapos ay gumawa Siya ng isang deklarasyon upang inihambing ang mali sa tunay. Sinabi niya:

“Sapagka't gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.” (Matthew 24:27, Tagalog AB)

    Dahil dito, dapat nilang malaman na ang pagdating ni Jesus ay hindi mangyayari sa ilang o sa isang lihim na lugar. Kapag tunay na dumating ang Mesiyas, sabi ni Jesus, ito ay mangyayari sa itaas.


Mateo 24:28: Ang Bangkay at mga Buwitre

“Saan man naroon ang bangkay, ay doon mangagkakatipon ang mga buwitre.” (Matthew 24:28, Tagalog AB)

    Isipin ang libu-libong kawal na nagtitipon sa mga bundok na nakapalibot sa Jerusalem. Ngayon idagdag sa larawang iyon ang bandila kung saan sila nagtipon—ang bandila ng buwitre, na dinadala ng mga sundalong Romano sa mga watawat at kadalasang pinipintura sa kanilang mga kalasag. Bilang isang propeta, ipinahayag ni Jesus na ang mga buwitre ay magtitipon, at ang Jerusalem ang magiging bangkay. 

Kumpirmasyon Mula sa Halintulad na Gospels

     Natapos na ni Jesus ang pagsagot sa unang tanong, na ipinaliwanag ang lahat ng mga palatandaan na hahantong sa pagkawasak ng Jerusalem at ng Templo. Bago natin suriin ang Kanyang sagot sa ikalawang tanong, nararapat na makita din natin ang kumpirmasyon ng dalawa pang manunulat ng Gospel.

     Tinalakay natin kung gaano kalapit ang Marcos 13 at Lucas 21 sa Mateo 24. Gayunpaman, mayroong isang pangunahing pagkakaiba. Sa Mateo 24:3 ang mga disipulo ay nagtanong kay Jesus ng tatlong tanong:
 
Tanong #1: "Kailan mangyayari ang mga bagay na ito?"
Tanong #2: “Ano ang tanda ng iyong pagdating?”
Tanong #3: “Kailan naman ang katapusan ng panahon (mundo)?”

Sa kabaligtaran, hindi itinala ni Marcos o ni Lucas ang pangalawa o pangatlong tanong. Ang Lucas 21:5-7 ay ganito:

“At habang nagsasalita ang ilan tungkol sa templo, kung paanong ito'y napalamutian ng magagandang bato at ng mga handog ay kanyang sinabi, "Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nakikita ay darating ang mga araw na walang maiiwan dito ni isang bato sa ibabaw ng kapwa bato, na hindi ibabagsak." Kanilang tinanong siya, "Guro, kailan mangyayari ang mga bagay na ito? At ano ang magiging tanda kapag malapit nang mangyari ang mga bagay na ito?" ” (Luke 21:5-7, ABAB)

    Ang Marcos 13:1-4 ay kapareho ng pagbasa sa talatang ito, nang hindi nagtatanong ng anuman tungkol sa mga palatandaan ng pagdating ng ating Panginoon o ng katapusan ng mundo.

“Sa paglabas niya sa templo, O sinabi sa kanya ng isa sa kanyang mga alagad, "Guro, tingnan mo! Pagkalalaking mga bato, at pagkalalaking mga gusali!" Sinabi sa kanya ni Jesus, "Nakikita mo ba ang malalaking gusaling ito? Walang matitira ditong isa mang bato sa ibabaw ng kapwa bato na hindi ibabagsak." Samantalang siya'y nakaupo sa bundok ng mga Olibo sa tapat ng templo, tinanong siya nang lihim nina Pedro, Santiago, Juan, at Andres, "Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito at ano ang magiging tanda kapag malapit nang maganap ang lahat ng mga bagay na ito?" ” (Mark 13:1-4, ABAB)

    Mahalaga ito dahil nagbibigay ito sa atin ng malinaw na balangkas kung saan mauunawaan natin ang Mateo 24. Dahil itinala lamang nina Marcos at Lucas ang tanong tungkol sa kung kailan mawawasak ang Templo, alam natin na sinasagot ng ating Panginoon ang tanong na iyon nang magsalita Siya tungkol sa mga taong nagsasabing sila ay Kristo, digmaan, lindol, taggutom, pag-uusig, atbp. Ang mga sagot ni Jesus sa Marcos at Lucas ay halos magkapareho sa mga sagot na ibinigay ni Jesus sa Mateo 24:4-22. Samakatuwid, makatuwiran lamang na ipagpalagay na si Jesus ay nagsasalita tungkol sa pagkawasak ng Templo nang Siya ay nagsalita tungkol sa mga taong nag-aangkin na sila ay Kristo, digmaan, lindol, taggutom, pag-uusig, atbp. Ito ay kumpirmasyon na ang Mateo 24:4-22 ay sumasagot sa unang tanong lang.

    Ang pagkilala sa mga pagkakatulad sa mga Ebanghelyo ay nagpapakitang muli kung gaano kamali ang mga futurist na tagapagturo kapag sinubukan nilang pagsamahin ang lahat ng tatlong tanong na nakatala sa Mateo 24:3 na para bang lahat sila ay nagtatanong tungkol sa Ikalawang Pagparito at sa katapusan ng mundo. Titingnan natin ang mga sagot na ibinigay ni Jesus sa dalawang natitirang tanong, at pag-uusapan natin ang tungkol sa Kanyang pagdating at katapusan ng mundo, dahil iyon ang pangalawa at pangatlong tanong. Gayunpaman, huwag magkamali na ang unang tanong ay tungkol sa pagkawasak ng Jerusalem at ng Templo. Nangyari iyon noong A.D. 70, sa loob ng henerasyon ng mga disipulo, eksakto tulad ng propesiya ni Jesus.

Pangwakas na Pangungusap tungkol sa Unang Tanong

    Hindi natin sapat na bigyang-diin kung gaano kahalaga ang isang pangyayari noong nawasak ang Jerusalem at ang Templo. Ang Jerusalem ay ang “banal na lungsod.” Ang Bundok Moria, kung saan nakatayo ang Templo, ang lugar kung saan handang ihandog ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac (Gen. 22:2). Ito rin ang lugar kung saan nagpakita ang Diyos kay David (2 Cron. 3:1). Ito ang lugar kung saan itinayo ni Solomon ang unang Templo. Doon naghandog ang mga mataas na saserdote para sa mga kasalanan ng mga tao. Ito ang sentro ng buhay ng mga Judio, isang napakasagradong dako. Nang nawasak ang Templo, nawasak ang pamana ng mga Hudyo. Sa isang diwa, sila ay nahiwalay sa Diyos. Nawala ang kanilang pagkakakilanlan. Ang kanilang sistema ng relihiyon ay inalis.

    Ipinaliwanag ng manunulat ng Hebreo kung paano inalis ang sistema ng relihiyon ng mga Judio at pinalitan ng bagong tipan na itinatag sa pamamagitan ni Jesus.

“Sa pagsasalita tungkol sa "bagong tipan," ginawa niyang lipas na ang una. At ang ginawang lipas na at tumatanda ay malapit ng maglaho. ” (Hebrews 8:13, ABAB)

    Mayroon tayong bagong tipan na may mas magagandang pangako. Mayroon tayong Mataas na Saserdote na gumawa ng panghuli at pangwakas na sakripisyo.

     Ang paglipat mula sa luma tungo sa bago ay nakatayo sa gitna ng kasaysayan at ng Bibliya. Ito ay isang mahalagang punto sa plano ng Diyos sa buong panahon. Nang wasakin ang Templo sa Jerusalem, tinapos na nito ang katapusan ng lumang sistema ng relihiyon.


END OF PART 3

(Part 4 Coming Soon!)

Support this Ministry

Gcash#: 09695143944

OR










Si Pastor Ronald Obidos ang Founder/Chairman ng Former Adventist Fellowship Philippines at President ng Evangelism Department at ordained Pastor ng Complete in Jesus church.