Ang Sabbath sa Lumang Tipan ay Anino, Hindi ang Katotohanan
Sagot ng Deuteronomio 5:15:
“Alalahanin mo na ikaw ay alipin noon sa lupain ng Egipto… kaya’t iniutos sa iyo ng Panginoon na ipangilin ang araw ng Sabbath.”
Ibig sabihin, ang Sabbath ay tanda ng tipan sa pagitan ng Diyos at Israel, hindi sa buong sangkatauhan (Exodo 31:16–17). Parang resibo po ito ng lumang kasunduan maganda at banal, pero may hangganan. Kapag dumating na ang “totoong produkto,” hindi na po kailangang manatili sa resibo.
Si Kristo ang Katuparan ng Sabbath Siya ang Tunay na Pahinga
Sa Bible, sinasabi na lahat ng batas sa lumang tipan, kabilang ang Sabbath, ay anino lamang ng darating na realidad si Cristo.
Sabi sa Colosas 2:16–17:
“Kaya’t huwag na kayong hatulan ng sinuman tungkol sa pagkain o inumin, o tungkol sa kapistahan, bagong buwan, o mga araw ng Sabbath. Ang mga ito ay anino ng mga bagay na darating; ngunit ang katotohanan ay kay Cristo.”
Kaya po, tanong natin: “Kung dumating na ang katawan, bakit hahawakan pa natin ang anino?”
“May natitira pang pamahingang Sabbath para sa bayan ng Diyos; sapagkat ang nakapasok sa kapahingahan ng Diyos ay nagpahinga na rin sa kanyang sariling gawa.”
Ang Bagong Tipan ay Hindi Recycle ng Lumang Tipan Ito’y Bagong Kasunduan
Sa Hebreo 8:13, malinaw:
“Nang sabihin Niya, ‘bagong tipan,’ pinawalang-bisa Niya ang una.”
Bakit Linggo ang Araw ng Pagsamba?
“At sa unang araw ng sanlinggo, nang kami ay nagkakatipon upang magputolputol ng tinapay…” (Gawa 20:7)
“Tuwing unang araw ng sanlinggo magtabi kayo ng ambag…” (1 Corinto 16:2)
Kaya Kung Sumasamba Kayo kay Cristo Nasa Tunay na Sabbath na Kayo
“Lumapit kayo sa Akin, kayong napapagal at nabibigatan, at bibigyan Ko kayo ng kapahingahan.” — Mateo 11:28
Summary sa pananaw ng New Covenant Theology:
| Lumang Tipan | Bagong Tipan |
|---|---|
| Sabbath = Ika-7 araw ng pahinga | Kristo = Araw-araw na pahinga sa Kaniya |
| Utos sa Israel | Katuparan kay Cristo |
| Anino (Col 2:16–17) | Katotohanan (Heb 4:9–10) |
| Tipan ni Moises | Tipan ni Cristo |
| Panlabas na pagsunod | Panloob na pananampalataya |
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

No comments:
Post a Comment