Tuesday, January 26, 2021

"WALA NA BA TALAGANG MAPUNTAHANG IBANG CHURCH?"


TANONG:

Kung may mga kakilala ka ngang ganito at nanatili pa rin sila sa SDA church, hindi mo ba naisip na BAKA ang dahilan, kahit alam nilang may mga doktrina silang hindi sinasang ayunan, ay wala na rin silang mapuntahang ibang church na nagtuturo ng mga aral na mas higit na malapit sa Biblia? 

SAGOT:

Mayroon din naman talagang ganyan ang dahilan. Maraming mga nag-oopen sa akin na mga Adventist na ganyan din ang sinasabi. Ngunit totoo din talagang may mga nakakausap akong mga Adventist na kino-consider din ang kanilang mga posisyon at trabaho sa SDA church at siyempre, hindi ko pwedeng sabihin dito mga names nila. Yung iba naman ay para maingatan ang mabuting relasyon sa kanilang pamilya. 

Ngunit hindi ito nangangahulugan na wala nga talaga silang ibang church na mapupuntahan kung aalis pa sa SDA. Marami akong kakilala na mga dating Adventist na ngayon ay Saksi ni Jehova na, yung iba naging Muslim, meron din naging Iglesia ni Cristo, marami din naging kaanib sa Dating Daan ni Eliseo Soriano. In fact, noong dumalaw ako sa Lambunao, Antique may naka-debate pa ako dating elder ng SDA. Isa siya sa maraming SDA members na na-convert sa Ang Dating Daan nang ang isang local church ng SDA ay nagsara doon at naging simbahan ng Ang Dating Daan. 

Pero hindi ko sinasabing ang Saksi ni Jehova, Muslim, Iglesia ni Cristo, at ang Dating Daan ay tunay na church. Nabanggit ko lang ito dahil gusto kong baliin yung maling kaisipan na hindi kakayanin ng isang Adventist na magbago ng relihion dahil sa tingin niya ay wala ng iba pang church na nagtuturo ng "mga aral na mas higit na malapit pa sa Biblia". Ang ganitong uri ng argumento ay mahina ang pundasyon. Nakabatay lamang ito sa subjective feeling hindi sa facts. Ang naging sukatan niya ay yung pansariling view niya sa kung ano yung "mga aral na mas higit na malapit sa Biblia" para sa kanya at hindi yung kung ano talaga ang nakasulat sa Bibla as interpreted by the Bible itself hindi ng denomination niya. 

Huwag na tayo lumayo. Sa aking personal karanasan na lang. Noong Adventist pa ako, palagi ko binabanggit sa aking mga sermons tuwing Sabado na "Saan pa tayo lilipat? Nandito na tayo sa tunay na church? Kung aalis ka pa sa impierno na pupuntahan mo!" Dahil ang akala ko talaga itong Seventh-day Adventist na talaga ang tama at wala na akong malilipatan na ibang church pa. Ngunit habang patuloy ako sa aking pagsusuri at pag-aaral ng Salita ng Diyos marami akong nakitang mali at mga questions na bumangon sa kanilang mga doktrina. 

Naisip ko din noon na kung aalis ako saan ako aanib na church? Pagkatapos ng maraming panahon na ginugol ko sa mga panalangin at patuloy na pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos, ipinaunawa sa akin ng Panginoon na mali pala ang concept ko about the nature of the church. Naunawaan ko na ang word na "church" according to the Bible ay hindi tumutukoy sa isa religious denomination, institution or sekta. Ayon sa Biblia ang iglesia o church ay mas tumutukoy sa mga taong mananampalataya kay Jesus na sumasamba sa Diyos sa "espiritu at katotohanan" saan man silang dako naroroon, denomination, o mga bansa sa buong mundo (Juan 4:24; 1 Cor. 1:1, 2; 1 Pet. 1:1).

Natutunan ko din na, noon pa man sa panahon ng mga apostol, ang test para makilala kung sino ang tunay ay hindi sa pamamagitan ng set of doctrines ng denomination o anumang fundamental beliefs tulad ng 28 Fundamental Beliefs ng mga SDA, kundi ang "Gospel" lamang. Nagbabala si apostol Pablo tungkol dito:

“Nagtaka ako dahil ang dali ninyong tumalikod sa Dios na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo. Bumaling kayo sa ibang magandang balita (Gospel) na hindi naman totoo. Ang totoo, walang ibang magandang balita. Nasabi ko ito dahil may mga taong nanggugulo sa inyo, at gusto nilang baluktutin ang Magandang Balita tungkol kay Cristo. Sumpain nawa ng Dios ang sinuman – kami o maging isang anghel galing sa langit – na mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa ipinangaral namin sa inyo. Sinabi na namin sa inyo noon at muli kong sasabihin: Kung may mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa tinanggap ninyo, sumpain siya ng Dios!” Galacia 1:6-9, ASND

Narito ang ilang mahahalagang punto tungkol sa babala ni apostol Pablo ayon sa Galacia 1:6-9:

1. Iisa lang ang "Magandang Balita" o gospel at "walang ibang magandang balita."

2. Ang gospel ay "Magandang Balita tungkol kay Cristo" at wala ng iba.

Kung gayun, hindi pala gospel ang 3 angels messages na version ng mga Adventist ang tinutukoy dito ni Pablo, hindi din ang 10 commandments, Sabbath, o ang tungkol sa malinis at maruming pagkain. Ang "Magandang Balita tungkol kay Cristo" lamang ang ipinangangaral na mensahe ni Pablo saan man lugar siya pumunta: "
Sapagkat ipinasya ko na wala akong ipangangaral sa inyo kundi si Jesu-Cristo lang at ang kanyang pagkapako sa krus. (1 Corinto 2:2, ASND). Ni hindi natin nabasa na sa 13 epistles ni Pablo sa New Testament na nag-Daniel & Revelation Seminar siya sa mga iglesia noon bago sila bautismuhan, kundi "si Jesu-Cristo lang at ang kanyang pagpako sa krus." Ano ba ang mayroon kay "Jesu-Cristo lang at ang kanyang pagpako sa krus"? Bakit niya tinawag itong gospel o magandang balita? Hayaan natin si apostol Pablo mismo ang sumagot:

“Nang wala tayong kakayahang makaligtas sa kaparusahan , namatay si Cristo para sa ating mga kasalanan sa panahong itinakda ng Dios. Pero ipinakita ng Dios sa atin ang kanyang pag-ibig sa ganitong paraan: Kahit noong tayoʼy makasalanan pa, namatay si Cristo para sa atin. At ngayong itinuring na tayong matuwid sa pamamagitan ng dugo ni Cristo, tiyak na maliligtas tayo sa parusa ng Dios dahil kay Cristo. Datiʼy kaaway tayo ng Dios, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Cristo. Hindi lang iyan, nagagalak tayo sa relasyon natin sa Dios ngayon dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Naibalik na ang magandang relasyon natin sa Dios dahil sa kanya.” Roma 5:6,8-11, ASND


Bakit tinawag na "Magandang Balita" ang kamatayan ni Cristo sa krus? Ito ay dahil sa ginawa ng ating Panginoong Jesu-Cristo sa krus at dahil dito ay naibalik na ang magandang relasyon natin sa Diyos dahil sa ating mga kasalanan (Isaias 59:2). Ang pangangaral ng gospel of reconciliation between God and sinners ang tanging nilalaman at layunin ng pangangaral ng mga apostol at ng mga Cristiano hanggang ngayon sa panahon natin:

“Ang lahat ng itoʼy gawa ng Dios na nagpanumbalik sa atin sa kanya sa pamamagitan ni Cristo. At ibinigay niya sa amin ang tungkuling papanumbalikin ang mga tao sa kanya. At ito nga ang aming ibinabalita: Pinapanumbalik ng Dios ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Cristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan. At kami ang kanyang pinagkatiwalaan na magpahayag ng mensaheng ito. Kaya nga, mga sugo kami ni Cristo, at sa pamamagitan namin, nakikiusap ang Dios sa inyo na manumbalik na kayo sa kanya.” 2 Corinto 5:18-20, ASND


“Mga kapatid, nais kong ipaalala sa inyo ang Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ito ang aral na inyong tinanggap at hanggang ngayon ay pinaninindigan ninyo. Sa pamamagitan nitoʼy maliligtas kayo kung panghahawakan ninyong mabuti ang ipinangaral ko, maliban na lamang kung hindi talaga tunay ang inyong pananampalataya. Sapagkat ibinigay ko sa inyo ang pinakamahalagang aral na ibinigay sa akin: Na si Cristoʼy namatay upang iligtas tayo sa ating mga kasalanan, ayon sa Kasulatan. Inilibing siya ngunit muling nabuhay sa ikatlong araw, ayon din sa Kasulatan.” 1 Corinto 15:1-4, ASND


Ganito ang pagkakasalin ng King James Version:

“Moreover, brethren, I declare unto you the gospel which I preached unto you, which also ye have received, and wherein ye stand; By which also ye are saved, if ye keep in memory what I preached unto you, unless ye have believed in vain. For I delivered unto you first of all that which I also received, how that Christ died for our sins according to the scriptures; And that he was buried, and that he rose again the third day according to the scriptures:” 1 Corinthians 15:1-4, KJV


Samakatuwid, hindi ang SDA 28 Fundamental Beliefs o Daniel and Revelation Seminar ang magre-reconcile between God and sinners kundi si Cristo at ang kamatayan niya sa krus lamang wala nang iba. Sapat na ang gospel na ito upang makamit ang pinakahahangad nating mga makasalanang mga tao na maibalik ang naputol na magandang relasyon natin sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. 


Noong ako ay isang mangangaral pa ng Adventist, akala ko ay sapat na ang makapakinig at tanggapin ng mga taong nakikinig ang mga doktrina like, Sabbath, 10 commandments, dietary laws, prophecies, na tinuturo ko sa kanila gabi-gabi sa loob ng isa o dalawang linggong crusade o evangelism. Hindi pala ito ang tamang paraan ng pagtanggap kay Cristo bilang Panginoon at tagapagligtas. Hindi pala ang pagtanggap ng mga aral na nakasaad sa SDA 28 Fundamental Beliefs ang ebanghelyo na magbabalik ng ating nasirang ugnayan sa Diyos kundi si Cristo ang kanyang kamatayan sa krus lamang. Ang mga Creeds or sets of beliefs ng isang church ay importante din naman para sa isang Cristiano sa kanyang paglago sa pagkakilala sa Panginoon ngunit ito ay kailangan lamang pagkatapos na ang isang tao ay mareconcile sa Diyos sa pamamagitan ng pagtanggap niya kay Jesus as Lord and Savior:

“Na kung ipapahayag mo na si Jesus ay Panginoon at sasampalataya ka nang buong puso na muli siyang binuhay ng Dios, maliligtas ka. Sapagkat itinuring ng Dios na matuwid ang taong sumasampalataya sa kanya nang buong puso. At kung ipapahayag niya na siyaʼy sumasampalataya , maliligtas siya. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, “Hindi mabibigo ang sinumang sumasampalataya sa kanya.”  Roma 10:9-11, ASND


Napakagandang balita talaga ng gospel dahil hindi lang nito magagawang manumbalik ang relasyon ng isang makasalanan sa Diyos, kundi ituturing nang matuwid o sakdal ang sinumang sasampalataya kay Jesus! Sabi nga ni Martin Luther, simul justus, et peccator o sinner and saint at the same time, na ang isang mananampalataya. Ibig sabihin, kahit na ikaw ay actual na makasalanan at hindi sakdal, dahil sa relasyon mo kay Cristo na-reconcile ka na sa Diyos kaya ngayon ay tinuturing kang matuwid o sakdal ng Diyos at hindi na makasalanan. Ito ay nabanggit ni Pablo sa 2 Corinto 5:

“At ito nga ang aming ibinabalita: Pinapanumbalik ng Dios ang mga tao sa kanya sa pamamagitan ni Cristo, at hindi na ibinibilang na laban sa kanila ang kanilang mga kasalanan. At kami ang kanyang pinagkatiwalaan na magpahayag ng mensaheng ito. Kailanmaʼy hindi nagkasala si Cristo, ngunit alang-alang sa atin, itinuring siyang makasalanan para sa pamamagitan niyaʼy maituring tayong matuwid ng Dios.” 2 Corinto 5:19,21, ASND


Kung si Cristo ay kayang ituring ng Diyos na makasalanan kahit sa actual ay hindi siya nagkasala, ay kaya din ng Diyos na ituring tayong matuwid o sakdal kahit sa totoo lang ay hindi naman tayo tunay na matuwid at sakdal.

3. Na ang Mabuting Balita na ito o gospel na ipinangaral noon ng mga apostol ay siya ding gospel na dapat na ipinangangaral ngayon sa ating panahon dahil marami pang tao ang hindi pa nare-reconcile sa Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Hindi ito dapat dagdagan o bawasan o baguhin sa anumang paraan

“Mga minamahal, gustong-gusto ko sanang sumulat sa inyo tungkol sa kaligtasang natanggap natin, pero naisip ko na mas kailangan ko ngayong sumulat tungkol sa mga bagay na magpapalakas ng inyong loob upang manindigan sa mga aral ng ating pananampalataya. Ang mga aral na ito ay ipinagkatiwala ng Dios sa mga pinabanal niya , at hindi dapat baguhin.” Judas 1:3, ASND


“Beloved, when I gave all diligence to write unto you of the common salvation, it was needful for me to write unto you, and exhort you that ye should earnestly contend for the faith which was once delivered unto the saints.” Jude 1:3, KJV

Naunawaan natin na ang sukatan upang malaman ang tunay ay hindi ang 28 Fundamental Beliefs ng mga Adventist o anumang doktrina kundi yung gospel o ang magandang balita na nabasa natin na ipinangaral ng mga apostol. Magandang balita ito dahil pinapahayag nito kung paano tayong mga makasalanang tao ay ma-reconcile sa Diyos sa pamamagitan lamang ni Cristo. Uulitin ko, hindi ang sets ng doktrina or knowledge about God ang magpapanumbalik ng ating relasyon sa Diyos kundi ang pagtanggap kay Cristo at sa kanyang kamatayan sa krus. Ang aral na ito lamang ang ginamit ng Diyos upang sukatin ang mga sari-saring mga paniwala at hindi ito mababago hanggang ngayon. 

Kaya hindi ko na kailangang suriin pa isa isa ang mga doktrina ng bawat churches sa buong mundo para mahanap ang tunay na church na dapat kong aniban. Isang aral lamang ang hahanapin ko sa mga churches na naglipana sa buong mundo. Ito ay kung itinuturo ba nila ang biblical gospel? Itinataas ba nila si Cristo at ang kanyang krus bilang ang tanging daan ng kaligtasan? Kanila bang tinanggap lamang ang kaligtasang ito by means of grace through faith alone? Magkakaibang fellowship or local churches man ang evangelical church ay nagkakaisa naman sila sa ipinangangaral na gospel of reconciliation of man and God through Christ alone and grace alone. This is more essential to salvation than the minor differences in their sets of creeds. Hindi ganito ang preaching ng Seventh-day Adventist, Jehovah's Winesses, Mormons, Iglesia ni Cristo, Ang Dating Daan at ng Islam. They promote work-based means of salvation. For these groups, salvation is a reward not the gift of God! (Eph. 2:8-9)

Nang naunawaan ko ang mensahe ng gospel habang ako ay mangangaral pa noon sa SDA nag-iba ang aking pananaw tungkol sa kaligtasan. Nag-iba din ako ng emphasis sa aking pinangangaral. Isang halimbawa na lang, noong ako ay nangangaral for two-week Crusade sa Abra, marami ang nakapansin sa mga topic na aking tinatalakay. Hindi na ito yung typical Adventist doctrines about Sabbath, 10 commandments, state of the dead, bawal na pagkain, atbp. Ang aking mensahe ay tungkol na sa kung paano tayo manunumbalik sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan sa krus ni Cristo upang tayo ay ituring o ariing ganap bilang mga anak ng Diyos! Natuwa ako dahil sa kakaiba sa pandinig ng mga Adventista doon sa Abra ay marami pa din ang nagpa-bautismo at tunay na tumanggap kay Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas!

No comments:

Post a Comment