Answer:
Mukhang ikaw lang talaga ang taong nakilala ko na parang hindi galit sa kasinungalingan at kamalian parang natutuwa ka pa kahit halatang na-scam ka na. Siguro nga may katotohanan ‘yung mga naririnig ko tungkol sa mga sinaunang SDA na kahit malinaw na naloko sila noong 1844 Great Disappointment, ipinagmalaki pa nila ito. Pero payo ko lang: huwag kang 100% umasa sa sagot ng ChatGPT. Dapat ikaw ang may kontrol, ikaw ang master, hindi ka alipin ng AI. Kasi kahit gaano katalino ang system, nagkakamali pa rin ito. At kung sa kanya mo lang iaasa ang sagot, baka hindi ka na mag-isip nang maayos tulad ng sagot na ginamit mo na halatang hindi mo pinag-isipan nang mabuti.
#3. I. UNANG DAPAT LINAWIN: Ang Daniel 7:25 ay hindi nagsasabing “Sunday Law”
Tama ka doon — walang eksaktong salitang “Sunday Law” sa Daniel 7:25. Pero ang tanong: obligasyon ba ng propesiya na gumamit ng modern term para maging totoo? Hindi rin naman mababasa sa Genesis ang salitang “Trinity,” pero totoo ang Trinitarian revelation. Hindi rin mababasa ang salitang “Millennium” sa Revelation 20, pero totoo ang 1,000 years reign ni Cristo.
Answer:
Ito ‘yung tipo ng argumento na maganda lang pakinggan pero sablay sa laman. Bakit mo naman ihahambing ang term na “Trinity” sa “Sunday law”? Magkaibang-magkaiba ang foundation niyan. Oo, hindi mo mababasa sa Bible ang salitang “Trinity” mismo, pero ang diwa at doktrina nito ay solid na naka-ugat sa buong Scripture mula Genesis hanggang Revelation. Kahit wala ang exact word, kayang patunayan ang Trinity dahil naka-base ito sa tatlong malinaw na biblical truths:
- There is One God (Deut. 6:4; Mark 12:29)
- God exists in Three Persons (Gen. 1:26; Matt. 28:19)
- Each Person is fully God (John 1:1; 1 Cor. 8:6; Acts 5:3–4)
Kaya kahit hindi mo mabasa ang salitang “Trinity,” may biblical substance ito. Hindi ito haka-haka.
Pero ang “Sunday law”? SDA invention lang ‘yan walang biblical foundation, walang historical anchor. Hindi mo ‘yan maihahambing sa Trinity.
- Walang binanggit sa Daniel 7:25 tungkol sa Sunday law.
- Hindi Pope ang tinutukoy sa Daniel 7:25 ang context ay tungkol sa pagan Roman Empire, specifically kay Emperor Nero, at that time hindi pa nga nage-exist ang Roman Catholic Papacy. Kaya hanggang ngayon, hindi masagot ng SDA kung sinong Pope daw ‘yon ayon sa church history.
- Wala kang mababasang Bible verse kahit sa diwa na sumusuporta sa end-time Sunday law ng SDA. Unlike sa Trinity, may mga talatang nagpapakita ng pattern at substance. Kahit nga ang salitang “Millennium” sa Revelation 20, hindi man exact word pero maliwanag ang “isang libong taon”—mula sa Latin mille = 1000 at annum = taon. May textual basis.
Pero ang “Sunday law”? Wala sa Hebrew. Wala sa Greek. Wala sa Latin. Wala sa context. Wala sa diwa. Kaya ang doktrina ng SDA tungkol sa end-time Sunday law ay pure imagination lang. At aminin mo man o hindi, marami na ring SDA ang hindi naniniwala sa fiction na ‘yan at siguradong hindi sila sasang-ayon sa iyo.
#4. Ang Daniel 7:25 ay symbolic prophecy — hindi literal phrasebook:
> “He shall think to change times and laws…” (Dan. 7:25)
Ang “times and laws” ay divine ordinances — mga itinakda ng Diyos.
At anong utos sa Sampung Utos ang tumutukoy sa “time”?
“Remember the Sabbath day, to keep it holy.” (Exo. 20:8)
Kaya’t kahit hindi binanggit ang salitang “Sunday Law,” ang ideya ng pagbabago ng panahon ng pagsamba (from Sabbath to Sunday) ay malinaw na implikasyon ng propesiyang ito.
Answer:
Kapag tinanong mo si ChatGPT kung ang “He shall think to change times and laws…” sa Daniel 7:25 ay literal na natupad sa Papacy sa panahon ng tinatawag na “Papal Supremacy” mula 538 AD hanggang 1798, malamang mapapahiya ka lang. Bakit? Kasi mismong mga kilalang SDA scholars tulad ni Dr. Samuele Bachiocchi, isang propesor ng church history at author ng From Sabbath to Sunday hindi sumasang-ayon sa linya ng argumentong ‘yan. Sa halip na patunayan ang 538–1798 timeline bilang fulfillment ng Daniel 7:25, inaamin niya na ang pagbabago ng Sabbath ay nangyari gradually at hindi sa pamamagitan ng isang papal decree. Ibig sabihin, hindi ito prophetic event na pasok sa 1260-day framework, kundi historical development na walang eksaktong date, Pope, o decree. Kaya kung ipipilit mong ito ang katuparan ng Daniel 7:25, SDA version of history lang ‘yan—hindi verified church history. Nakakahiya talaga, parang mini-Great Disappointment sa bawat sagot.
Dagdag pa diyan, gumamit ka ng Begging the Question fallacy nang sabihin mong “Ang ‘times and laws’ ay divine ordinances” tapos agad-agad nag-jump ka sa conclusion na ang tinutukoy ay Sabbath. Classic SDA layman move ‘yan yung tipong ginagamit sa mga debate noon pa, pero hindi na pumapasa ngayon. Iho, baka sanggol ka pa nung ginagamit ko na ‘yang style na ‘yan. Ako pa-uwi na, ikaw pa-punta pa lang. Ang problema sa argument mo, hindi mo pa nga napapatunayan na Ten Commandments ang tinutukoy sa ‘times and laws,’ nag-conclude ka na agad na Sabbath ‘yon. Tapos ginamit mo pa ang Exodus 20:8 na parang automatic na connection. Pero kung susuriin mo gamit ang historico-grammatico hermeneutics, walang direct link ang Daniel 7:25 sa Sabbath commandment. Ang times sa Hebrew ay zimnin, na mas tumutukoy sa political seasons or appointed periods, hindi sa weekly holy days. At ang laws ay dat, na mas malapit sa civil decrees, hindi sa moral law ng Decalogue. Kaya bago ka mag-conclude na may “Sunday Law” implication, patunayan mo muna na Ten Commandments nga ang tinutukoy, at na-fulfill ito ng Papacy sa eksaktong timeframe na sinasabi mo.
Dahil mali ang premises ng logic mo mula sa historical assumptions hanggang sa exegetical shortcuts yung conclusion mo na “Kahit hindi binanggit ang salitang ‘Sunday Law,’ malinaw na implikasyon ito ng prophecy” ay walang bigat at walang bisa. Ang tawag diyan ay confirmation bias, hindi prophetic insight. Kung gusto mo ng solid theology, dapat may exegetical consistency, historical accuracy, at logical integrity hindi gymnastic tricks na pang-layman lang.
#5. Ikaw brother Ronald Obidos ay naghahanap ng isang petsa, isang Pope, at isang decree — pero iyon ay false framing. Ang pagbabago ng Sabbath to Sunday ay hindi nangyari sa isang araw, kundi unti-unting naganap sa loob ng ilang siglo — mula 2nd century hanggang Middle Ages.
Panahon ng supremacy ng papacy (1260 years) — ito ang period of persecution (Dan. 7:25), hindi ang unang pagbabago ng Sabbath. Kaya kapag hinihingi mo Bro. Ronald Obidos ang “exact date” ng pagbabago ng Sabbath, ang sagot: Walang exact date dahil ito ay historical evolution, hindi one-time decree.
Answer:
“False framing” daw ang argumento ko? Eh hindi naman sa akin galing ‘yan kayo mismo ang gumawa ng false framing sa Daniel 7:25 sa loob ng SDA system ninyo. Mukhang hindi mo kabisado ang official position ng sarili mong church, kaya umaasa ka na lang nang buo kay ChatGPT, na para bang siya na ang mag-iisip para sa’yo. Pero tandaan mo, kahit gaano ka-advanced ang AI, hindi ito kapalit ng sariling pag-aaral lalo na sa usaping propesiya. Baka hindi mo pa alam, pero matagal na akong SDA debater at evangelist bago pa nauso ang AI, at habang sanggol ka pa siguro, minaster ko na ang Daniel and Revelation seminar ng SDA church ninyo. Kaya mag-ingat ka sa pag-critique sa akin pagdating sa prophetic interpretation baka hindi mo alam, mas kabisado ko pa ang official SDA teachings kaysa sa mga nagtuturo sa’yo ngayon.
Ngayon, pagdating sa Daniel 7:25, napakalinaw ng text na ang “little horn” ay uusig sa mga banal sa loob ng tinatawag na “a time, times, and half a time”na ayon sa SDA interpretation ay 3.5 prophetic years o 1260 days, na kapag ginawang prophetic years ay 1260 literal years. At ayon sa official SDA timeline, ito raw ay tumutukoy sa panahon ng Papal Supremacy mula 538 AD hanggang 1798 AD. Pero ang tanong: saan sa Daniel 7:25 sinabi na Pope ang little horn? At kung persecution ang tinutukoy, bakit walang historical record na consistent persecution ang nangyari sa buong 1260 years? Kahit si Dr. Samuele Bachiocchi, isang kilalang SDA scholar, hindi sumasang-ayon sa ilang detalye ng 538–1798 theory, at inaamin niyang gradual ang development ng Sunday observance hindi isang papal decree na pasok sa prophetic timeframe.
Ayon sa Hebrew-Aramaic text ng Daniel 7:25, ang salitang “time, times, and half a time” ay may specific boundary hindi indefinite, hindi symbolic lang, kundi may limitasyon. Pero kung ang persecution ay hindi consistent, at ang identity ng little horn ay hindi historically verifiable as the papacy during that exact period, then the SDA framing of Daniel 7:25 is not just weak it’s historically and exegetically questionable. Kaya kung may false framing man, hindi ito galing sa akin kundi sa mismong sistema ng SDA interpretation na pilit pinapantayan ang prophecy sa isang timeline na hindi naman solid ang historical foundation.
Exegetical Breakdown of Daniel 7:25 (Aramaic)
The verse reads in Aramaic:
וְיִשְׁנֵא לְעֶלְיוֹנִין וְיִבְעֵי לְהַשְׁנָיָה זִמְנִין וְדָת וְיִתְיַהֲבוּ בִּידֵהּ עַד-עִדָּן וְעִדָּנִין וּפְלַג עִדָּן
Key phrases:
וְיִשְׁנֵא לְעֶלְיוֹנִין — “He shall wear out the saints of the Most High”
יִשְׁנֵא (yishneh) = to wear down, oppress, persecute
לְעֶלְיוֹנִין (le-elyonin) = the holy ones, saints
וְיִתְיַהֲבוּ בִּידֵהּ — “They shall be given into his hand”
Indicates divine permission or allowance for a limited time
עַד-עִדָּן וְעִדָּנִין וּפְלַג עִדָּן — “until a time, times, and half a time”
עִדָּן (iddan) = a set period, often interpreted as one year
עִדָּנִין = dual form, meaning two times (years)
פְלַג עִדָּן = half a time (half a year)
Total: 3.5 prophetic years, often interpreted as 1260 days (cf. Revelation 12:6, 14)
Walang historical record na may isang Pope na nagbago ng Sabbath to Sunday sa loob ng 538 AD hanggang 1798 AD, kaya ang SDA claim na Daniel 7:25 was fulfilled by the Papacy during that exact timeframe is historically unprovable and exegetically flawed.
Ayon sa Aramaic text ng Daniel 7:25, malinaw na may matinding pag-uusig ang “little horn” laban sa mga banal, pero hindi ito walang hanggan may takdang panahon: “a time, times, and half a time,” na karaniwang tinuturing na 3.5 prophetic years o 1260 days. Sa prophetic interpretation ng SDA, ito ay naging 1260 literal years, mula 538 AD hanggang 1798 AD, na tinatawag nilang “Papal Supremacy.” Pero kung susuriin mo nang maayos, ang persecution na tinutukoy sa prophecy ay may boundary hindi lampas, hindi labas. Kaya kung may claim na ang pagbabago ng Sabbath ay bahagi ng persecution ng Papacy, dapat ito ay naganap sa loob ng 538–1798 AD.
Ngunit ayon sa history, Sunday worship began long before 538 AD. Early Christian writings from Ignatius (AD 107), Justin Martyr (AD 150), and others already show Sunday gatherings as a norm among Gentile believers Sabbath Facts. Even the Council of Laodicea (AD 363) discouraged Sabbath observance and promoted Sunday rest Sabbath Facts. The earliest figures associated with Sunday promotion, Pope Sylvester and Pope Eusebius, were active in the 4th century, way before 538 AD Sabbath Facts. Kaya kung hahanapin mo ang “isang Pope” na nagbago ng Sabbath to Sunday sa loob ng 538–1798 AD, walang maibibigay ang SDA church kasi wala talaga.
Dagdag pa rito, kahit si Ellen G. White, sa kanyang mga unang sinulat tulad ng Early Writings, hindi niya binanggit ang Papacy bilang nagbago ng Sabbath. Ang term na “Pope” (singular) ang ginamit niya, at later na lang sa The Great Controversy niya ginamit ang “Papacy” bilang system na kinorek pa ng kanyang mga editors. Ibig sabihin, hindi consistent ang SDA narrative, at ang ideya ng “historical evolution” ng Sabbath change ay modern fallback explanation lang para takpan ang kakulangan ng historical proof.
At kung sasabihin mong “walang exact date kasi gradual ang change,” eh di lalong hindi tugma sa Daniel 7:25, dahil may specific timeframe ang prophecy. Kung gradual pala, dapat nagsimula at natapos sa loob ng 538–1798 AD. Pero ang timeline ng Sunday transition na binibigay mo ay nagsisimula pa sa AD 140—labas sa prophetic boundary. Kaya ang tawag diyan ay eisegesis—pinipilit mong sumunod ang Bible sa interpretation mo, imbes na hayaan mong ang Scripture ang magdikta ng tamang exegesis.
Kaya kung gagamitin mo ang Daniel 7:25 bilang “test verse” para sa SDA claims, bagsak agad ang Sunday law theory. Walang Pope sa loob ng 538–1798 AD na documented na nagbago ng Sabbath. Walang decree. Walang council. Walang historical anchor. Ang meron lang ay theological assertion na hindi kayang patunayan sa kasaysayan.
Sources: Sabbath FactsSabbathFacts.org ResearchOnline@AvondaleSDA Bible Commentary Vol. 4, p. 829 1LibraryAvondale Research on 538 AD Transition.
#6. Hindi sinabi ni Ellen White na “the Sabbath was changed in 538 AD.” Ang sinabi niya, ito ang simula ng supremacy ng papacy, na siyang mag-iisip na baguhin ang batas. “The papacy has attempted to change the law of God. The second commandment, forbidding image worship, has been dropped, and the fourth commandment has been changed from the seventh to the first day of the week.”— The Great Controversy, p. 446
Answer:
Hindi talaga sinabi ni Ellen G. White na “the Sabbath was changed in 538 AD.” At least malinaw na sa iyo ngayon na ang 538 AD ay tinukoy niya bilang simula ng tinatawag na “supremacy of the papacy” isang panahon kung saan, ayon sa SDA interpretation, ang Papacy ay nagsimulang mag-isip na baguhin ang kautusan, gaya ng sinasabi sa Daniel 7:25. Pero kung susuriin natin nang maayos ang implication ng claim na ito, lalo na sa loob ng framework ng SDA theology, may mabigat kang responsibilidad na patunayan na ang pagbabago ng Sabbath to Sunday ay naganap sa loob ng mismong time frame na 538 AD to 1798 AD. Hindi puwedeng sabihin na “gradual” lang ito na nagsimula pa noong 2nd century, kasi kung ganoon, labas na agad sa prophetic boundary na binigay ni Daniel“a time, times, and half a time.”
Ang Daniel 7:25 ay hindi vague o open-ended. Ayon sa Aramaic text, ang persecution ng “little horn” at ang kanyang pag-iisip na baguhin ang “times and laws” ay may takdang panahon 1260 prophetic days o 3.5 years, na sa SDA interpretation ay naging 1260 literal years. Kaya kung ang SDA church mismo ang nagtakda ng 538 AD bilang simula ng Papal Supremacy, at 1798 AD bilang wakas nito, dapat lahat ng prophetic activities ng little horn including the supposed Sabbath change ay maganap sa loob ng time frame na ‘yan. Hindi puwedeng magsimula sa AD 140 kay Justin Martyr, dahil una sa lahat, hindi siya Pope, at pangalawa, wala pang Roman Catholic system noon. Kaya ang paggamit ng early church fathers bilang ebidensya ng Sabbath change ay hindi tugma sa SDA prophetic model sablay agad sa timeline.
At kung sasabihin mong “historical evolution” lang ang pagbabago ng Sabbath, eh di lalong hindi ito pasok sa Daniel 7:25, kasi ang prophecy ay may specific timeframe. Kung gradual pala, dapat nagsimula at natapos sa loob ng 538–1798 AD. Pero ang timeline na binibigay ng SDA scholars ay nagsisimula pa sa AD 140—labas sa prophetic boundary. Kaya ang tawag diyan ay eisegesis—pinipilit mong sumunod ang Bible sa interpretation mo, imbes na hayaan mong ang Scripture ang magdikta ng tamang exegesis.
Dagdag pa rito, kahit si Ellen White, sa kanyang mga unang sinulat tulad ng Early Writings, hindi niya binanggit ang Papacy bilang nagbago ng Sabbath. Ang term na “Pope” (singular) ang ginamit niya, at later na lang sa The Great Controversy niya ginamit ang “Papacy” bilang system na kinorek pa ng kanyang mga editors. Ibig sabihin, hindi consistent ang SDA narrative, at ang ideya ng “historical evolution” ng Sabbath change ay modern fallback explanation lang para takpan ang kakulangan ng historical proof.
Kaya kung gagamitin ang Daniel 7:25 bilang “test verse” para sa SDA claims, bagsak agad ang Sunday law theory. Walang Pope sa loob ng 538–1798 AD na documented na nagbago ng Sabbath. Walang decree. Walang council. Walang historical anchor. Ang meron lang ay theological assertion na hindi kayang patunayan sa kasaysayan.
#7. 1. False Premise / Strawman
Hinahanapan mo ng “exact Pope” at “date” — parang gusto mong ng gawing historical courtroom ang prophetic text. Pero prophecy speaks in symbols and processes, hindi sa civil records.
Answer:
Ang SDA church mismo ang nagtakda ng 538 AD to 1798 AD bilang timeframe ng tinatawag nilang “Papal Supremacy.” Pero kapag tinanong mo kung kailan eksaktong nangyari ang persecution ng saints, o kung anong decree ang nagbago ng “times and laws,” o kung sino ang Pope na nagbago ng Sabbath to Sunday sa loob ng 1260 years, wala silang maibigay na malinaw na sagot. Ang sagot ay laging “gradual,” “symbolic,” o “evolution” pero kung ganoon, labas na agad sa prophetic boundary. Ang prophecy ay may takdang panahon, hindi open-ended. Kung sasabihin mong “symbolic lang,” eh di kahit anong grupo o era puwedeng i-accuse at ‘yan ay hindi prophecy, kundi theological projection.
Ironically, ang SDA interpreters mismo ay gumagamit ng historical dates: 538 AD bilang simula ng papal supremacy, 1798 AD bilang wakas ng 1260 years, Justinian’s decree, Berthier’s invasion, at iba pa. Pero kapag hiningan ng historical fulfillment ng Sabbath change, biglang ayaw magbigay ng eksaktong taon, pangalan, o dokumento tapos tatawagin pang “unfair” ang mga nagtatanong ng ebidensya. Ang totoong “false premise” o “strawman” ay ‘yung nagsasabing may nangyaring pagbabago ng Sabbath to Sunday sa loob ng 538–1798 AD, pero walang maipakitang historical anchor. Kung prophecy ang pinag-uusapan, evidence is not optional it’s essential. Otherwise, ang buong interpretasyon ay peke, hindi totoo, at hindi dapat ituring na divine fulfillment.
#8. 2. Category Error
Ang Daniel 7:25 ay prophecy, hindi encyclopedia entry.
Hindi nito tinutukoy kung sino ang Pope kundi kung ano ang “character” ng power — a persecuting, law-altering power.
Answer:
#9. 3. Appeal to Mockery
Ang pagcha-challenge mo ay may halong ad hominem (“ikaw ang anak ng diyablo”), hindi scholarly approach. Ang prophetic truth ay hindi nasusukat sa sarcasm, kundi sa biblical continuity.
Answer:
“Appeal to Mockery” daw ang ginagawa ko? Pero teka lang hindi ba mas nakakatawa kung may matinding claim na “binago ang Sabbath,” tapos wala ni isa mang makapagbigay ng malinaw na sagot kung sino ang gumawa, kailan ito nangyari, at paano ito isinakatuparan? Kung ang prophecy ay sinasabing may kinalaman sa “change of God’s law” at ito raw ay bahagi ng biblical continuity, bakit hindi ito sinusuportahan ng historical clarity? Ang tunay na prophetic fulfillment ay hindi dapat nakatago sa likod ng vague symbolism o theological speculation dapat may ebidensya, may pangalan, may petsa, at may aktwal na kaganapan.
Kung sinasabi ng SDA interpretation na may “papal act” na nagbago ng Sabbath, nasaan ang decree? Kung may Pope na gumawa nito, sino siya? Kung ito raw ay katuparan ng Daniel 7:25, anong event ang maipapakita sa loob ng 538–1798 AD na tumutugma sa prophetic timeframe? Ang sagot: wala. Kaya ang tunay na mockery ay hindi ‘yung nagtatanong ng ebidensya, kundi ‘yung nagtatago sa likod ng symbolism para takasan ang accountability ng historical verification. Kung seryoso ang prophecy, dapat kaya nitong sagutin ang seryosong tanong. Kung totoo ang claim, dapat kaya nitong tumayo sa harap ng historical facts. Otherwise, ang tawag diyan ay prophetic cosplay parang costume lang ng theology na ginagawang pang-drama ang prophecy, pero walang laman, walang basehan, at walang historical backbone.
Ang tunay na prophetic interpretation ay may exegetical integrity, historical grounding, at theological coherence. Hindi ito dapat binubuo ng mga palusot, poetic generalizations, at evasive answers. Kaya kung ang SDA claim ay hindi kayang patunayan sa kasaysayan, huwag mo nang tawaging fulfillment tawagin mo na lang itong fiction.
#10. V. ANG BIBLICAL AT THEOLOGICAL RESPONSE
Daniel 7:25
> “He shall think to change times and laws…”
→ times (זִמְנִין) = divinely appointed times (cf. Lev. 23).
→ laws (דָּת) = divine decrees.
Ang Sabbath ang pinaka-temporal commandment — may “time” element (“the seventh day”).
Kaya ito ang pinaka-target ng alteration.
Revelation 13:7–8, 17:6
Ang kaparehong kapangyarihan sa Daniel 7 (little horn) ay beast power sa Revelation — parehong nag-uusig at nakikialam sa worship.
2 Thessalonians 2:3–4
> “He will oppose and exalt himself above all that is called God…”
Ang pagpapalit ng utos ng Diyos ng utos ng tao ay pag-upo sa templo ng Diyos bilang Diyos mismo.
Answer:
Ang claim ng SDA na ang “times and laws” sa Daniel 7:25 ay tumutukoy sa Sabbath ay isang malinaw na halimbawa ng linguistic overreach at eisegetical interpretation pinipilit ipasok ang isang ideya sa teksto na hindi naman sinasabi ng mismong wika ng Bibliya. Sa Aramaic text ng Daniel, ang salitang “times” (זִמְנִין / zemanin) ay hindi kailanman ginamit para tukuyin ang Sabbath o anumang Levitical feast days. Sa Daniel 2:21, ang Diyos ang inilalarawan na “nagpapalit ng mga panahon at kapanahunan” (zemanin), na malinaw na tumutukoy sa political transitions at pagbabago ng mga kaharian, hindi sa ceremonial observances. Sa Daniel 7:12, ang parehong salita ay tumutukoy sa extension ng buhay ng mga kaharian, at sa Daniel 3:5, ang root word ay ginamit para tukuyin ang oras ng pagsamba sa rebultong ginto isang political-religious event, hindi Levitical ordinance. Walang kahit isang talata sa Daniel na ginamit ang zemanin para sa Sabbath, feast days, o anumang divine ordinance. Kaya ang pagbasa ng SDA na “times = divinely appointed times” at “laws = divine decrees” ay linguistic fiction, hindi exegesis.
Dagdag pa rito, ang koneksyon ng SDA sa pagitan ng Daniel 7 at Revelation 13 ay kadalasang ginagamit upang palakasin ang ideya ng isang future “Sunday law.” Ngunit kung susuriin natin ang Revelation 13:7–8 at 17:6, makikita natin na ang “beast” na tinutukoy ay hindi isang religious system kundi isang political entity at ayon sa karamihan ng mga biblical scholars at historians, ito ay tumutukoy sa Imperial Rome, partikular sa ilalim ni Emperor Nero Caesar. Ang pangalan ni Nero ay numerically tumutugma sa 666 kapag isinulat sa Hebrew bilang נרון קסר (Neron Qesar), at siya mismo ay kilala sa kasaysayan bilang malupit na tagapag-usig ng mga Kristiyano, lalo na pagkatapos ng Great Fire of Rome noong AD 64 (cf. Tacitus, Annals). Si Nero ay nag-demand ng worship bilang diyos, at siya ang literal na “lasing sa dugo ng mga banal” gaya ng paglalarawan sa Revelation 17:6.
Kaya kung pagbabatayan natin ang biblical context, linguistic analysis, at historical data, ang issue sa Revelation ay hindi Sabbath vs. Sunday kundi allegiance to Christ vs. allegiance to Caesar. Ang “war against the saints” ay hindi future Sunday law scenario kundi natupad na sa Neronian persecution mula AD 64 hanggang AD 68 isang panahon ng halos apat na taon ng matinding pag-uusig sa mga Kristiyano. Kung bibilangin mula sa Great Fire of Rome noong July AD 64 hanggang sa pagkamatay ni Nero noong June AD 68, ito ay tumutugma sa prophetic pattern ng “time, times, and half a time” (3½ years) na binanggit sa Daniel 7:25 at Revelation 13:5. Kaya ang tunay na katuparan ng propesiya ay hindi isang religious institution na nagbago ng Sabbath, kundi isang political figure si Emperor Nero na literal na umusig sa mga banal at nagpakilalang diyos.
#11. VI. ELLEN WHITE SUMMARIZES IT BEST
> “When the church of Rome united with the state, she corrupted herself by forming an alliance with the rulers of the earth… Then the Sabbath was changed from the seventh to the first day of the week.”
— The Great Controversy, p. 50
> “The change of the Sabbath is the sign or mark of the authority of the Roman Church.”
— GC, p. 448
Hindi niya kailangang banggitin kung anong “araw at buwan” —
ang mahalaga, ang prophetic pattern ay tugma sa Daniel 7:25, Revelation 13, at church history.
Answer:
Ang linyang “Hindi kailangang banggitin kung anong araw at buwan” ay madalas gamitin bilang palusot kapag hindi maipaliwanag ang kakulangan ng historical evidence sa isang prophetic claim pero kung susuriin natin nang maayos, hindi ito kapani-paniwala at salungat sa mismong prinsipyo ng biblical prophecy. Sa Daniel 7:25, malinaw na binanggit ang timeframe: “a time, times, and half a time,” na sa prophetic reckoning ay tumutukoy sa 1260 days o 3½ years. Sa Revelation 13:5, ang beast ay binigyan ng kapangyarihan sa loob ng 42 months. Ibig sabihin, may specific duration ang prophetic activity ng “little horn” o beast power, at kung walang eksaktong historical event, decree, o pangalan ng Pope na tumupad nito, ang claim ay nagiging assumption, hindi fulfillment. Ang prophecy na walang historical anchor ay hindi revelation poetry lang ‘yan, hindi divine fulfillment.
Halimbawa, sa The Great Controversy p. 50, sinabi ni Ellen G. White na “The Sabbath was changed…”pero nasaan ang ebidensya? Anong taon ito nangyari? Sino ang nag-authorize? Anong council o papal decree ang nagpatibay nito? Walang documented papal decree sa pagitan ng AD 538 at 1798 na nagsasabing opisyal na binago ng Papacy ang Sabbath. Sa halip, ang Sunday observance ay gradual na umusbong mula sa 2nd hanggang 4th century, sa impluwensya ng early church fathers at Roman culture matagal bago pa ang tinatawag na papal supremacy. Kaya ang pahayag ni Ellen White ay theological assertion lang, hindi historical fact.
Sa GC p. 448, sinabi pa niya na “The change of the Sabbath is the sign or mark of the authority of the Roman Church.” Pero kung ito raw ang “mark,” nasaan ang official act na nagpapatunay ng authority na ‘yon? You can’t claim a “mark” without a moment. You can’t claim a “change” without a changer. Kung ang SDA interpretation ay mahilig sa prophetic precision, dapat tanggapin din nito ang burden ng historical precision. Hindi puwedeng gumamit ng timeline (538–1798), empire (Papacy), at persecution (saints), tapos kapag tinanong kung sino, kailan, at paano biglang sasabihin na “symbolic lang.”
At ‘yung linya na “Ang mahalaga, tugma sa prophetic pattern”? Tugma saan? Sa symbolic language? Sa theological narrative? O sa actual historical fulfillment? Kung symbolic ang pattern pero historical ang claim, self-contradictory ang interpretation. Hindi puwedeng gamitin ang history para patunayan ang prophecy, tapos i-reject ang history kapag na-challenge ang prophecy. Ang tawag diyan ay selective literalism kapag convenient, historical; kapag inconvenient, symbolic.
Final Refutation Summary:
| SDA Claim | Refutation |
|---|---|
| The Sabbath was changed by Rome | No documented decree or date to confirm |
| Prophetic fulfillment doesn’t need exact dates | Daniel and Revelation give exact timeframes |
| Ellen White’s quotes are sufficient | Quotes are not substitutes for historical evidence |
| Prophetic pattern matches church history | Only if history is selectively used and unverified |
1. Kung walang “Sunday Law,” bakit may Council of Laodicea Canon 29 na nagbabawal sa Sabbath at nag-utos ng Sunday worship?
2. Kung ang Sabbath ay “shadow” lang, bakit si Jesus, si Mary, at ang mga apostol ay Sabbath-keepers kahit pagkatapos ng cross (Luke 23:56; Acts 13:42)?
3. Bakit sinabi ni Cristo, “Pray that your flight be not in the winter, neither on the Sabbath day” (Matt. 24:20) kung wala nang Sabbath sa future destruction ng Jerusalem (70 AD)?
4. Kung “shadow” na, bakit sa Isaiah 66:22–23, sa New Earth pa rin ay may “Sabbath-to-Sabbath” worship?
5. Sino ang nagbago — ang Diyos ba o ang tao? Dahil sabi sa Malachi 3:6, “I change not.”
Answer:
Ang apat na argumento na madalas gamitin ng mga tagapagtanggol ng end-time Sabbath doctrine ng SDA ay, kapag sinuri nang mas malalim gamit ang tamang hermeneutics, biblical context, at historical grounding, ay hindi lamang mahina kundi salungat sa kabuuang redemptive narrative ng Scripture.
1. Kung walang “Sunday Law,” bakit may Council of Laodicea Canon 29 na nagbabawal sa Sabbath at nag-utos ng Sunday worship?
Ang Council of Laodicea Canon 29 ay kadalasang ginagamit bilang ebidensya na may “Sunday Law” na diumano’y nagbawal sa Sabbath at nag-utos ng Sunday worship. Ngunit ang totoo, Canon 29 was never a divine command, never a universal decree, and never a change of God’s law ito ay isang local disciplinary rule sa Eastern church na layuning pigilan ang ilang Kristiyano sa pagbabalik sa Judaizing practices. Hindi ito legislative act ng buong Christendom kundi pastoral correction para sa mga believers na nahihirapang iwan ang Mosaic customs. Sa katunayan, ang existence ng Canon 29 ay nagpapatunay pa nga na ang Sabbath observance ay unti-unting nawawala, hindi dahil sa papal power kundi dahil sa spontaneous shift ng early Christians patungo sa Sunday worship. Si Paul mismo, 300 years bago pa maimbento ang Canon 29, ay nagbabala na sa Judaizing tendencies (Col. 2:16–17; Gal. 4:10–11), kaya malinaw na ang issue ay hindi Sabbath vs. Sunday, kundi Old Covenant legalism vs. New Covenant liberty.
2. Kung ang Sabbath ay “shadow” lang, bakit si Jesus, si Mary, at ang mga apostol ay Sabbath-keepers kahit pagkatapos ng cross (Luke 23:56; Acts 13:42)?
Ang tanong kung bakit si Jesus, si Mary, at ang mga apostol ay Sabbath-keepers kahit pagkatapos ng cross ay madaling sagutin kapag isinasaalang-alang ang covenantal timeline. Si Jesus ay “born under the Law” (Gal. 4:4), kaya natural lang na sundin Niya ang Sabbath bilang bahagi ng Lumang Tipan. Ang mga apostol naman, pagkatapos ng resurrection, ay nagpatuloy sa pagpunta sa synagogue hindi dahil sa theological obligation kundi evangelistic practicality ang synagogue ang pinakamadaling lugar para mangaral sa mga Hudyo (Acts 13:14–16; Acts 17:1–3). Gaya ng ginawa ni Paul sa Acts 21 sa purification ritual, hindi ito indikasyon ng binding ceremonial law, kundi cultural engagement. Kaya’t ang Sabbath-keeping ng apostles ay evangelistic strategy, hindi New Covenant command. At malinaw sa NT na ang Sabbath ay hindi na binding sa mga believers (Rom. 14:5; Col. 2:16–17).
3. Bakit sinabi ni Cristo, “Pray that your flight be not in the winter, neither on the Sabbath day” (Matt. 24:20) kung wala nang Sabbath sa future destruction ng Jerusalem (70 AD)?
Ang sinabi ni Cristo sa Matthew 24:20 “Pray that your flight be not in the winter, neither on the Sabbath day”ay hindi moral command kundi prophetic practicality. Ang audience ay mga Hudyo sa Judea, at ang context ay destruction of Jerusalem in AD 70. Noong panahong iyon, may Pharisaic Sabbath laws: sarado ang city gates, bawal lumampas sa 1,000 cubits, at bawal maglakbay. Kaya ang warning ni Jesus ay logistical, hindi theological. Hindi Niya sinasabi na “keep the Sabbath,” kundi “mahirap tumakas kung Sabbath dahil sa Jewish restrictions.” Walang Sabbath command sa text ang meron ay Sabbath inconvenience.
4. Kung “shadow” na, bakit sa Isaiah 66:22–23, sa New Earth pa rin ay may “Sabbath-to-Sabbath” worship?
Ang Isaiah 66:22–23 ay madalas gamitin ng SDA para patunayan na may eternal Sabbath observance sa New Earth. Pero kung susuriin ang literary style ng passage, ito ay Hebrew poetic parallelism ang “Sabbath” at “new moon” ay ginamit bilang poetic pair para ipakita ang continuous worship, hindi literal reinstatement ng Levitical calendar. Kung kukunin mo ito nang literal, dapat isama mo rin ang new moon sacrifices, temple system, at Levitical priesthood (Isaiah 66:20–21). Pero ang SDA interpretation ay selective literalism pinipili lang ang Sabbath, ini-ignore ang iba. Ang tamang hermeneutics ay consistent, contextual, at may literary awareness. Ginamit ni Isaiah ang Old Covenant imagery para ipakita ang New Covenant realities, hindi para ibalik ang ceremonial laws. Kaya kung gagamitin ang Isaiah 66 para i-defend ang perpetual Sabbath-keeping, mahina ang exegesis at salungat sa buong redemptive storyline ng Biblia.
Sa kabuuan, ang apat na tanong na ito ay hindi dapat gamitin bilang proof-text ng Sabbath doctrine, kundi bilang paanyaya sa mas malalim na pagsusuri ng biblical theology, covenantal transitions, at historical development ng early Christianity.
#13. FINAL ANSWER:
> Ang Daniel 7:25 ay hindi nagbigay ng exact name o date, dahil ang propesiya ay pattern-based, hindi papal roll call.
Ang pagbabago ng Sabbath to Sunday ay hindi instant decree kundi gradual corruption na sinimulan ng Rome at na-institutionalize sa Church-State union simula 538 AD.
Ang Sabbath ay hindi shadow na nawala kay Cristo, kundi sign of loyalty to the Creator-Redeemer (Exo. 31:13; Heb. 4:9; Isa. 66:23).
Ang mga hindi marunong bumasa ng prophetic time ay laging hahanapan ng petsa ang misteryo — ngunit ang tunay na mananampalataya ay nakakaunawa ng pattern.
Answer:
Kapag sinasabi ng mo na ang Daniel 7:25 ay “pattern-based” lang at hindi raw ito “papal roll call,” mukhang may half-truth sa simula pero sablay ang ending. Oo, symbolic ang prophecy pero ang symbolism sa Bible ay laging may historical anchor, hindi basta-basta imagination. Ang “he shall think to change times and law” ay hindi automatic na tungkol sa Sabbath, kasi wala namang sinabi si Daniel na Sabbath ‘yan. Sa Hebrew, ang salitang zimnin ay ginagamit para sa political seasons, hindi sa holy days gaya ng Sabbath, at ang dat ay tumutukoy sa civil decrees, hindi sa moral law o Ten Commandments. Kaya kung pattern-based talaga ang prophecy, tanong: bakit SDA pattern ang sinusunod mo, hindi ‘yung pattern na galing kay Daniel mismo? Ang “little horn” sa Daniel ay nagpapalit ng kingdoms, umuusig sa mga banal, at nagmamataas laban sa Diyos pero never sinabi na binago niya ang Sabbath. Kaya kung ipipilit mong Sabbath ang binago, ‘yan ay hindi prophetic fulfillment kundi SDA imagination.
At kung sasabihin mo naman na ang pagbabago ng Sabbath ay unti-unting nangyari sa pamamagitan ng Roman Church, bagsak agad ang claim na ‘yan kapag tinignan mo ang totoong history. Kasi ang mga Kristiyano, sumasamba na sa Sunday kahit wala pang Catholic Church. As early as AD 107, sinabi na ni Ignatius na “we no longer keep the Sabbath but the Lord’s Day.” Si Justin Martyr, AD 150, malinaw na sinabi na ang mga believers ay nagtitipon tuwing Sunday. Lahat ng ito ay bago pa dumating si Constantine, bago pa ang papacy, at bago pa ang 538–1798 theory ng SDA. At kahit si Constantine, ang inilabas lang ay civil rest law hindi worship law. Kaya kung Rome daw ang nagbago ng Sabbath, bakit Sunday worship existed long before Rome had any religious authority? Ang totoo, hindi galing sa Rome ang Sunday worship minana ito ng Rome mula sa early church.
Ngayon, kung sasabihin mong ang Sabbath ay hindi shadow, parang hindi mo nabasa si Paul sa Colossians 2:16–17. Kasama ang Sabbath sa listahan ng mga “shadow of things to come,” at ang substance ay si Cristo. Hindi araw ang sentro ng rest kundi si Jesus mismo (Heb. 4:9–11). Ang Sabbath ay sign ng Old Covenant (Exo. 31:13), pero malinaw sa Hebrews 8:13 na obsolete na ang unang tipan. Kaya Sabbath = shadow, Christ = substance. Kung pinipilit mong literal pa rin ang Sabbath, para mo na ring sinasabing hindi sapat si Cristo bilang ating rest.
At ‘yung Isaiah 66:23 na ginagamit para patunayan na may Sabbath pa sa bagong langit at lupa? Classic case ng selective literalism. Kasi kung literal ang Sabbath doon, dapat literal din ang new moon offerings sa parehong verse. Dapat bumalik ang lunar calendar, at dapat tanggapin din ang animal sacrifices sa Ezekiel 40–48. Pero ayaw n’yo ‘yan, ‘di ba? Kasi inconvenient. Ang totoo, poetic parallelism ang gamit ni Isaiah “from month to month” at “Sabbath to Sabbath” ay expression ng continuous worship, hindi reinstatement ng Mosaic calendar.
At kung sasabihin mong “true believers see the pattern” at hindi raw naghahanap ng dates, ang tanong: anong pattern ang sinusunod mo? Kasi ang SDA pattern ng 1260 years (538–1798) ay galing sa 19th-century interpretation, hindi sa early church. Ang “little horn = papacy” ay hindi tugma sa geography, succession, at grammar ng Daniel. At ang claim na ang Sabbath change ay papal attack ay imposible kung ang Sunday worship ay nauna pa sa papacy. Kaya kung pattern-based talaga ang approach mo, bakit hindi mo tinitingnan ang pattern ng early church yung mga Kristiyanong pinakamalapit sa mga apostol?
Ang bottom line: Daniel never predicted a Sabbath change. History never records a papal Sabbath change. The New Testament never commands the Sabbath for Christians. The early church never kept the Sabbath as law. Jesus is our rest, not a calendar date. Ang SDA version of prophecy is not “pattern-based truth,” it’s pattern-matching imagination. Kung gusto mo ng totoong pattern, eto: Old Covenant = shadow, New Covenant = Christ, Apostolic Church = Sunday worship, Gospel Age = freedom in Christ. Yan ang pattern na may biblical receipts, historical receipts, at theological grounding.
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

No comments:
Post a Comment