Wednesday, November 19, 2025

“Pinalambot Pero Delikado: Paano Ni-rebrand ng SDA ang Doktrina ng 1844 Investigative Judgment?”


Intro: Ang Deceptive Strategy sa Pag-soften ng SDA Doctrine

Nakakita na naman ako ng post mula sa isang Revisionist SDA na gumagawa ng sariling imbentong definition tungkol sa doktrina nilang 1844 Investigative Judgment. Ang totoo, kaya nila pinapabait at pinapakinis ang paliwanag ay dahil alam nila mismo na mali ang doktrinang ito ayaw lang nilang mahalata na kulto sila. Kaya dapat natin itong ibunyag. Nagpapakabait na naman ang mga SDA, pero oras na para hubarin ang kanilang maskara.

Isa sa mga pinakamahalagang doktrina ng SDA ay ang Investigative Judgment (IJ) isang paniniwala na nagsimula sa pagkabigo ng "Great Disappointment" noong 1844, nang akalain ng mga tagasunod ni William Miller na babalik si Jesus sa petsang iyon. Nang hindi ito nangyari, si Ellen G. White (ang propetisa ng SDA) ay nagturo na hindi pa pala bumaba si Jesus sa lupa, kundi pumasok Siya sa “Most Holy Place” sa langit upang simulan ang Investigative Judgment ang "pagsisiyasat" ng lahat ng mga nag-profess na mananampalataya kung karapat-dapat silang maligtas.

Ito ang orihinal na turo ni Ellen White:

“At the time appointed for the judgment—the close of the 2300 days, in 1844—began the work of investigation and blotting out of sins... The work of judgment which began in 1844 must continue until the cases of all are decided, both of the living and the dead.”
Ellen G. White, The Great Controversy, p. 486–487

Ayon kay Ellen White, sinusuri ngayon ni Cristo sa langit kung sino ang tunay na karapat-dapat sa kaligtasan, bago Siya bumalik. Ngayon, sa modernong SDA apologetics, madalas nilang “soften” o baguhin ang tono ng doktrinang ito sinasabing ito ay “good news,” “reassurance of salvation,” o “revealing who rested in Christ’s righteousness.”

Pero kung titingnan ang orihinal na turo, ito ay judgmental, investigative, at conditional taliwas sa finished work ni Cristo sa krus (John 19:30).

Pahayag ng Revisionist SDA

#1. "Sa Investigative Judgment ang sinisiyasat nito ay kung sino ang namahinga sa Katuwiran ni Cristo dahil sa araw ng paghatol ay titignan ikaw kung ano ang katuwiran na nasa sayo..."

Response

Sa unang tingin, parang maganda ang tunog parang tungkol sa “resting in Christ’s righteousness.” Pero kung susuriin mo, may mapanlinlang na revision dito. Sa Biblical truth, hindi tayo “sinisiyasat” para malaman kung sino ang rested in Christ. Alam na ito ng Diyos (2 Tim. 2:19  “The Lord knows those who are His”). Ang Investigative Judgment ng SDA ay hindi Biblical concept ito ay human invention para i-explain kung bakit hindi bumalik si Jesus noong 1844. Ang tunay na Ebanghelyo ay nagsasabing tapos na ang hatol para sa mga nasa kay Cristo (Romans 8:1“There is now no condemnation for those who are in Christ Jesus”). Hindi mo kailangang “mapatunayan” sa celestial record kung tunay kang ligtas dahil si Cristo mismo ang iyong katuwiran (2 Cor. 5:21).

#2. "...ito ba ay galing sa iyo o galing ni Cristo dahil hindi makakapasok ang tao sa langit gamit ang sariling katuwiran..."

Response

True salvation is not by our righteousness. Pero ang problema, sa context ng SDA’s IJ, ang tanong na ito ay hindi rhetorical kundi literal na bahagi ng isang heavenly investigation. Ang teaching nila ay: may panahon ng “judgment” kung saan titignan pa kung talagang tinanggap mo ang righteousness ni Christ implying hindi pa final ang kaligtasan ngayon.

Samantalang sa New Testament, ang kaligtasan ay sigurado at tapos na para sa mga nasa kay Cristo (John 5:24 “He who believes... has passed from death to life and will not come into judgment”). So, kahit tama ang statement sa ibabaw, may maling sistema sa likod nito.

#3. "...ang mga taong namahinga sa perfectong Katuwiran ni Cristo... ito ang nagbibigay ng pag-asa..."

Response

Ito ang isa sa mga “softened” phrases ng Revisionist SDA ngayon ginagamit nila ang “resting in Christ’s righteousness” para tunog evangelical. Pero ang tanong: kailan at paano mo malalaman na “namahinga ka na nga” ayon sa SDA system? Ayon sa kanilang doktrina, malalaman lang ito sa panahon ng Investigative Judgment. Kaya kahit sabihin nilang “hope,” sa totoo lang uncertain hope ito dahil under investigation ka pa raw sila sa langit. Ang Biblical hope, sa kabilang banda, ay assured (Hebrews 6:19). Hindi ito nakasalalay sa heavenly audit, kundi sa finished work ni Jesus sa cross (Hebrews 10:10, 14).

#4. "...alam ng Diyos kung sino ang namahinga kay Cristo..."

Response

Ito ang ironic part kasi kung alam na ng Diyos, bakit pa kailangan ang Investigative Judgment? Kung perfect ang kaalaman ng Diyos, hindi Niya kailangang mag-imbestiga o mag-review ng mga record para malaman kung sino ang sa Kanya. Ang konsepto ng “heavenly records being reviewed” ay anthropomorphic at non-biblical sinisikap nitong ipaliwanag ang hindi nangyaring pagbabalik ni Cristo sa 1844.

Summary

Ang SDA teaching na ito ay mapanlinlang dahil ginagamit nito ang evangelical-sounding words tulad ng resting in Christ, righteousness by faith, at hope pero sa ilalim nito, nandiyan pa rin ang original Investigative Judgment doctrine na nagtuturo ng conditional assurance at heavenly investigation.

Ang Biblical truth ay malinaw:

“It is finished.”  John 19:30
“There is now no condemnation for those who are in Christ Jesus.” Romans 8:1
“He who believes has everlasting life.” John 6:47

Sa madaling sabi, ang SDA doctrine ay hindi nagbibigay ng tunay na kapahingahan kasi kahit “rest” ang sinasabi nila, may nakabinbing judgment file sa likod nito. Ang tunay na rest ay nasa tapos na gawain ni Cristo, hindi sa ongoing investigative process sa langit.


Former Adventists Philippines

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Website: formeradventistph.blogspot.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

How One Word Changed Theology: Comparing the 1888 and 1911 Editions of The Great Controversy

In the long and complex history of Adventist literature, few books have been as influential as The Great Controversy by Ellen G. White. For...

MOST POPULAR POSTS