Question:
“Pastor Ronald, totoo po ba na yung ‘kapahingahan’ sa Mateo 11:28–29 ay hindi pamalit sa Sabbath kasi ‘anapausin’ daw ang Greek word, hindi ‘sabbaton’?”
“Pastor Ronald, totoo po ba na yung ‘kapahingahan’ sa Mateo 11:28–29 ay hindi pamalit sa Sabbath kasi ‘anapausin’ daw ang Greek word, hindi ‘sabbaton’?”
Answer:
Ito talaga ang madalas na argument ng maraming SDA teachers, pero kulang na kulang sa context at sobrang bitin sa biblical theology. Totoo naman na sa Mateo 11:28–29, ang salitang ginamit ni Jesus para sa “kapahingahan” ay anapausis, at hindi sabbaton, kaya sinasabi nila na “hindi puwedeng pamalit sa Sabbath” ang text na ito. Pero ang hindi sinasabi ng mga SDA ay ito: ang biblical theology ng rest ay hindi nakatali sa iisang Greek vocabulary word. Ang tunay na tanong ay ano ang nilalaman ng tinutukoy na rest, hindi kung anong Greek word ang ginamit. Hindi nag-aalok si Jesus ng isang araw ng pahinga; ang iniaalok Niya ay Sarili Niya bilang tunay na pahinga ng kaluluwa. Kung titingnan mo ang context, Matthew 11 ay tungkol sa bigat ng Pharisaic law mga pasanin at legalism na hindi kayang buhatin ng mga tao at Matthew 12 ay tungkol sa Sabbath controversy, kung saan malinaw na ipinapakita ni Jesus na Siya ang Lord of the Sabbath.
Ibig sabihin, ang Matthew 11:28–12:8 ay iisang tuloy-tuloy na kwento na may iisang punto: ang tunay na kapahingahan ay hindi araw, kundi Cristo mismo. Hindi ito rest-from-work, kundi rest-from-works-based righteousness (Acts 15:10). Higit pa doon, ang salitang anapausis ay hindi hiwalay sa Sabbath concept. Sa Greek Old Testament (LXX), ang salitang ito ay ginagamit mismo para sa rest na galing sa Diyos gaya ng covenant rest (Exo. 33:14), rest ng Promised Land (Deut. 12:9), at ang ultimate eschatological rest ng mga tao ng Diyos (Ps. 95:11). Kaya nang gamitin ito ni Jesus, hindi Siya nag-iintroduce ng ibang klase ng rest; ipinapakita Niya na Siya ang fulfillment ng Sabbath rest na ipinangako sa Lumang Tipan.
Ito ang dahilan kaya sinabi ng Hebrews 4 na “we who have believed enter that rest” hindi “every Sabbath,” hindi “weekly,” kundi permanent rest in Christ. At kaya walang command sa New Testament na obligadong tuparin ng church ang Sabbath bilang covenant sign; dahil ang Sabbath ay isang shadow, at si Cristo ang substance (Col. 2:16–17). Dagdag pa, ang invitation ni Jesus sa Matt. 11:28 ay hindi para sa mga pagod na manggagawa, kundi sa mga pagod sa guilt, legalism, condemnation, at religious pressure. Kaya ang rest na ito ay hindi araw kundi buhay: kapatawaran, kapayapaan, freedom from the yoke of the Law, at katiyakan ng kaligtasan.
At mas malinaw pa sa Matthew 11:30 ang yoke ni Jesus ay “easy” at “light,” samantalang ang Sabbath command sa Exo. 31:14 ay may death penalty sa sinumang lumabag. Tanong: alin dito ang tunay na rest? Yung may execution penalty, o yung may gentle invitation? At sa susunod na kwento sa Matthew 12, sinabi ni Jesus na Siya ang Lord of the Sabbath hindi Siya pangalawang Sabbath teacher, kundi mismong May-ari at Kaganapan ng Sabbath. Kung may karapatang magpuno, mag-fulfill, o magbago ng covenant sign, Siya ’yun, hindi ang Romano, hindi ang pope, at hindi ang Pharisees.
Kaya yes, tama anapausis is not sabbaton pero iyon mismo ang punto. Hindi nag-aalok si Jesus ng panibagong araw ng pahinga; nag-aalok Siya ng sariling pahinga. Ang Mateo 11:28–29 ay hindi “pamalit Sabbath,” kundi ang mismong katuparan ng Sabbath. At ito ang dahilan kung bakit noong unang siglo, ang early Christians ay sumamba sa araw ng pagkabuhay ni Cristo hindi dahil “napalitan ang Sabbath,” kundi dahil ang Rest ay nagkatawang-tao, at bumangon, at nagpasimula ng bagong paglikha.
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

No comments:
Post a Comment