Monday, August 4, 2025

Investigating Ellen G. White #1: "Isang Propeta sa Gitna ng mga Propeta?"

Note: Ang blog series na ito ay simplified version ng mga core ideas mula sa librong White Out: An Investigation of Ellen G. White ni Dirk Anderson. Bagamat sariling salita at pagkakasulat ko ang gamit dito, ang mga historical facts at theological insights ay base sa malalim na research ni Anderson. Layunin ko lang ipresenta ang mga findings na ito sa paraang mas madali maintindihan at mapag-isipan ng marami.


Bago siya kinilalang "Spirit of Prophecy" ng milyon-milyong Adventist sa buong mundo, si Ellen Harmon ay isa lang mahinang batang babae—13 taong gulang, may pinagdadaanan, at walang katiyakan ang kinabukasan.

Ang storya niya ay nagsimula sa literal na sakit. Nine years old pa lang si Ellen nang may batang kaklase siyang humampas ng bato sa kanyang mukha—isang tragic na insidenteng nag-iwan ng matinding pinsala sa kanyang utak. Grabe ang tama—hindi na siya halos makapagpatuloy sa pag-aaral. Sa edad na 12, tuluyan na siyang huminto sa formal education.

Pero sa gitna ng pagkawasak ng pangarap niyang makapag-aral, isang bagong interes ang tumubo sa puso niya: Bible prophecy.

1840s noon sa New England, at sobrang intense ng religious excitement. Nagliliyab ang mga towns sa preaching ni William Miller, isang dating farmer na naging Bible preacher. Ang mensahe niya? Malapit nang bumalik si Jesus—una sa 1843, tapos ni-recalculate sa October 22, 1844.

Tulad ng libu-libong iba pa, nadala ang pamilya Harmon sa tinatawag ngayon na Millerite Movement, Advent Awakening, at Midnight Cry.

Pero hindi lang si Ellen ang visionary noong panahong ’yon. In fact, parang uso talaga maging propeta sa Amerika noong early 19th century. Kung baga sa panahon ngayon, viral ang pagiging “pinili ng langit.”

Halimbawa:

  • Si Joseph Smith, founder ng Mormons, nagsasabing nakausap niya si Moroni, isang anghel. Siya ang nagtatag ng mga Latter-day Saints.

  • Sa mga Shaker communities, maraming batang babae ang bigla na lang nagkakaroon ng visions—nangangatog, natutumba, tapos nagsasalita tungkol sa mga anghel at sa langit. Kailangan pa raw silang buhatin bago sila makapagsalita ulit ng malinaw.

  • Sa loob mismo ng Millerite camp, may mga propetang masyado raw dramatic. Tulad ni John Starkweather, na assistant pastor ng Chardon Street Chapel. Yung mga “fits” niya sa harap ng congregation—na tinawag ng iba na “epileptic episodes”—eventually naging dahilan para mapatalsik siya.

Dito sa napaka-chaotic na spiritual environment na ito pumasok si Ellen Harmon. Bata pa siya, pero nahatak agad ang atensyon sa mga propetikong kaganapan.

Isa sa mga pinakaunang naging impluwensya niya ay si William Foy, isang African American preacher na nakabase sa New England. Noong 1835, naging Christian siya sa Freewill Baptist Church, at noong 1842, habang nag-aaral para maging Episcopal minister, bigla siyang nakaranas ng dalawang dramatic visions.

Nag-ikot agad si Foy sa iba’t ibang lugar para ikuwento ang nakita niya—at libo-libo ang pumunta para makinig. Ayon kay Adventist historian J.N. Loughborough:

“Having a good command of language, with fine descriptive powers, he created a sensation wherever he went… he related to thousands what had been shown him of the heavenly world.” [1]

At guess what? Isa si Ellen sa mga nakinig. Naroon siya sa Beethoven Hall sa Portland, front row pa siguro, tahimik pero alerto. Grabe raw ang pagkakalarawan ni Foy sa langit—may mga angel na lumilipad pataas-baba, dala ang “messages” para sa mga recording angels sa langit:

“I then beheld angels ascending and descending to and from the earth; they bore tidings to the recording angels.” (p.20)

Totoong-nakaka-wow 'yon para sa mga taong wala pang telepono, email, o kahit telegram. So of course, angel messengers ang logical na explanation kung paano nakakaugnay ang langit at lupa.

By 1844, kilalang propeta na si Foy sa buong Millerite movement. Kaya nang kumalat ang balita na isang batang babae, si Ellen Harmon, ay nagkaroon din ng vision, curious agad si Foy. Nakipagkita siya kay Ellen—prophet to prophet.

Wala tayong detalye ng usapan nila, pero documented na nangyari ‘yon. At hindi doon natapos ang kwento.

That very night may public meeting si Ellen para i-share ang kanyang first vision. Hindi niya alam na nandoon si Foy sa audience. Habang nagkukuwento siya, medyo kinakabahan siguro, nangyari ang nakakagulat:

Tumayo si Foy sa gitna ng meeting. Hindi na siya nakapigil. Sabi niya, “Eksakto! 'Yan din ang nakita ko!” Word for word. Detail for detail. Parang instant prophetic validation.

Ang hindi niya binanggit? Nagkita na sila ni Ellen kahapon lang. Maybe para hindi isipin ng audience na scripted ang lahat. Maybe para hindi mahiya si Ellen. O baka ayaw lang niyang overshadow-an ang bagong “visionary” sa eksena.

Pagkatapos ng meeting, tahimik siyang umalis—at wala nang nabalitang contact sa pagitan nila ever again.

Pero teka, may twist pa.

Noong 1845, pinablish ni Foy ang kanyang mga visions sa isang copyrighted pamphlet. Natuto siya ng lesson: prophetic content is intellectual property. Baka napaisip siya noong narinig niyang si Ellen ay nagsimulang magsulat ng mga sariling vision niya—at kapansin-pansing hawig sa kanya ang mga description nito ng langit.

Coincidence? Puwede. Inspiration? Maybe. Influence? Halos sigurado.

Maikli lang ang naging encounter nina Foy at Harmon, pero naging isa iyon sa pinaka-defining moments sa kasaysayan ng Adventist movement. Si Ellen, isang batang babae na noon pa lang hinuhubog na ang boses bilang propeta. Si Foy, isang seasoned visionary, parang nakita ang pag-usbong ng panibagong bituin.

Wala nang masyadong duda na iniingatan talaga ni Ellen ang kopya ng mga vision ni Foy na nasa possession niya. Malamang, sobrang na-thrill siya sa napakagandang paglalarawan ni Foy tungkol sa langit.

At kahit naka-copyright na ’yung mga iyon, ilang taon lang ang lumipas, habang sinusulat na ni Sister White ang sarili niyang mga vision, mapapansin mong halos parehas ang mga description niya ng langit sa kay Foy—as in, strikingly similar.




Matapos makita ni Foy ang kagandahan ng langit sa pamamagitan ng isang vision, inutusan siya ng kanyang anghel:

“Thy spirit must return to yonder world, and thou must reveal these things which thou hast seen...”

Marahil hindi pa niya alam noon, pero ilang taon lang ang lumipas, ang guide ni Ellen White ay nagsalita rin ng halos parehong mga salita sa kanya—parang echo ng utos na ibinigay kay Foy. 

Ayon sa Adventist historian na si J.N. Loughborough, matapos daw ang taong 1845, nagkasakit at namatay si William Foy, at dahil doon, naipasa raw ang prophetic baton kay Ellen White, na siyang pumalit at tumanggap ng tawag bilang propeta ng Adventist movement.

Pero ito ay isang classic example ng mythmaking—isa sa mga kilalang alamat na ginamit para itaguyod ang propetikong imahe ni Ellen White. At sa totoo lang, malayo ito sa katotohanan.

Hindi namatay si Foy noong 1845. Wala ring ebidensiya na tinalikuran niya ang kanyang prophetic calling. Sa katunayan, nagpatuloy siya sa ministeryo, nagpastor sa iba’t ibang Freewill Baptist churches sa Maine, at nagpatotoo para sa Panginoon hanggang sa kanyang kamatayan noong 189348 years later.

So much for the "baton passing" myth.

Ayon kay Adventist historian J.N. Loughborough, sa kanyang aklat The Great Second Advent Movement, meron daw proseso kung paano napili si Ellen Harmon bilang propeta ng Diyos. Kwento niya, unang pinili raw ng Diyos si William Foy para tumanggap ng mga vision. Pero dahil hindi raw tinupad ni Foy ang kanyang tungkulin, nagkasakit daw ito at namatay. Kaya ipinasa raw ng Diyos ang “prophetic baton” kay Hazen Foss, na siya namang tumanggap ng vision kasunod ni Foy. Ngunit nang tumanggi si Foss na ibahagi ang kanyang vision, doon na raw bumaling ang Diyos sa “pinakahina sa mga mahihina,” si Ellen Harmon.

Pero maraming problema sa version ng storyang ito. Una sa lahat, hindi totoo na namatay si Foy pagkatapos ng 1844 disappointment, gaya ng pinapalabas ni Loughborough. Nagpatuloy si Foy sa ministeryo, nagpastor sa iba’t ibang Freewill Baptist churches sa Maine, at buong buhay niyang nagpatotoo para kay Cristo hanggang sa kamatayan niya noong November 9, 1893, sa edad na 75. Makikita pa nga ang libingan niya sa Birch Tree Cemetery sa East Sullivan, Maine.

Pangalawa, may theological conflict rin na lumilitaw. Sa mga vision ni Foy (basahin sa pp. 11–12 ng kanyang booklet), binanggit niya ang buhay pagkatapos ng kamatayan, isang bagay na magiging questionable para sa maraming Adventists, dahil taliwas ito sa doktrina nilang "soul sleep."

Kaya kung susuriin, yung buong kwento ng “passing the prophetic baton”—mula kay Foy, kay Foss, hanggang kay Ellen—ay hindi lang historically inaccurate, kundi may halong myth at theological inconsistency rin.


Former Adventists Philippines

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Website: formeradventistph.blogspot.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

Inspired and adapted from Dirk Anderson’s “White Out,” this blog seeks to present its insights in a more digestible format.

Footnotes:

[1] J.N. Loughborough, The Great Second Advent Movement, p. 145.

[2] William E. Foy, The Christian Experience of William E. Foy, 1845, p. 20.





No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

Is Jesus Called God in Hebrews 1:8? A Closer Look at William Barclay's View

Introduction A question often raised in biblical discussions is whether Hebrews 1:8 directly affirms the divinity of Jesus or presents Him ...

MOST POPULAR POSTS