“Yes, that was the old me, and that proves grace works.
From blindness to boldness, from deception to redemption.
This is not a scandal, it’s salvation.”
Once upon a time, yes ako ‘yung Ronald sa video na yan na patuloy na pinapakalat ng mga kaibigan nating mga Sabadista. ‘Yung minsan ay nagsabing, “Wala nang mas tunay pa sa SDA, at malas ang lalabas.” Pero gaya ni Apostle Paul, ang dating “defender” ng sistema ay binago ng biyaya ng Diyos (1 Tim. 1:13-16). Noong panahong iyon na Sabadista pa ako, sincere ako, pero sincerely wrong. Akala ko loyalty sa organization equals loyalty kay Christ. Pero kalaunan, ipinakita ng Diyos sa Kanyang Salita na ang katotohanan ay hindi nakatali sa denominasyon kundi sa persona ni Jesus mismo.
Let’s Be Real: Logical Check
May mga nagre-repost ng lumang video ko para patunayan daw na “nagbago” ako sa pamamagitan ng paglabas ko sa Seventh-day Adventist church noong 2019. Tama nagbago nga ako dahil binago ako ni Lord. At dapat lang, kasi kung hindi ako nagbago, ibig sabihin "napakamalas" ko dahil hindi ako naabot ng biyaya ng Diyos. Pero pansinin natin hindi ba ito Ad Hominem fallacy (personal attack)?
Imbes na sagutin ang ebanghelyo na ipinapangaral ko ngayon, inuungkat nila ang nakaraan ko. Hindi ba ganun ang ugali ni Satanas na ipapaalala sa iyo mga nakaraang pagkakamali mo? Eh kung ganon din pala, dapat tawagin din nilang “hipokrito” si apostol Pablo, kasi dati rin siyang persecutor ng mga Kristiyano at nag-aakalang nasa tunay na religion siya na mga Sabadista din? (Galatians 1:13–16).
At kung sinasabi nilang “mamalasin” ang lalabas sa SDA, tanong ko lang:
- May Bible verse ba na nagsasabing malas ang lalabas sa isang denominasyon?
- O baka naman mas malas yung manatili sa error kahit binigyan na ng liwanag ng katotohanan?
Si Saul of Tarsus
Naalala mo si Saul of Tarsus? Dating tapat sa relihiyon na mga Sabadista din o Sabbath keeper, masigasig, masipag, at kampante na nasa “tunay” siya. Pero nang makaharap niya si Cristo sa daan papuntang Damascus, bumagsak lahat ng akala niyang tama. At nung tumayo siya, hindi na siya si Saul kundi si Paul na, apostol ng biyaya. Kaya kung ang lumang video ko na pinapaulit lang ng mga Sabadista ngayon para ipanglaban sa akin sa social media ay patunay ito ng dati kong mala-“Saul” na buhay, salamat kung gayon. Kasi ‘yan mismo ang ebidensya na may bago nang mala-“Paul” na buhay kong ngayon binago ng grasya, hindi ng galit.
Kung ang tunay na church ay ang mga tinubos ni Cristo sa Kanyang dugo (Acts 20:28), bakit may mga nagsasabing “kami lang ang tunay”? At kung kaligtasan ay nasa denominasyon, bakit hindi kailangang maging SDA si Abraham, Moses, o si Paul para maligtas?
Kaya’t huwag nating ikulong ang katotohanan sa pangalan ng organisasyon. Christ alone saves not a church name, not a prophetess, not a Sabbath law.
Pastoral Heart
Hindi ko kayo kaaway. Hindi ko gustong manira, kundi manghila palabas sa delusyon na minsan ding bumihag sa akin. Kung tinutuligsa ako dahil doon, ayos lang kasi una na si Cristo na siniraan ng Kanyang mga kababayan na mga Sabadista din(John 8:48). Pero tandaan mo: Ang sugatang binago ng Diyos ay mas mabigat magpatotoo kaysa sa taong natatakot sa pagbabago.
Final Line:
“Oo, ako ‘yung Ronald Obidos sa lumang video na patuloy na ginagamit ng mga kalaban ng katotohanan. Pero ‘yung Ronald Obidos na ‘yun ay patay na at ang buhay ko ngayon ay kay Cristo na. Hindi na ako tagapagtanggol ng relihiyong Sabadista, kundi tagapagdala ng katotohanan.” (Galatians 2:20)
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
No comments:
Post a Comment