Saturday, October 18, 2025

Question: "Pastor Ronald, kung wala na tayo sa sumpa ng kautusan, kailangan pa rin ba sundin ang Sampung Utos?"


Answer:

Ayos ‘tong tanong mo, kasi ito talaga yung pinakapuso ng usapin ng Law and the Gospel. Maraming nalilito dito akala ng iba, “under the law” means curse lang, pero hindi ganun kasimple. So tara, himay-himayin natin. 

Una, ano ba talaga ibig sabihin ng “under the law”?

Sabi ni Paul sa Romans 6:14, “You are not under the law but under grace.” Yung phrase na “under the law” (Greek: hupo nomon) hindi lang ibig sabihin under curse. Ang ibig sabihin nito ay nasa ilalim ka ng buong sistema ng Kautusan ni Moses kasama na yung demands, penalties, at covenant relationship na “do this and live.”

So yes, kasama dun yung curse kapag di mo nasunod ng tuloy-tuloy (Gal. 3:10), pero higit pa dun ibig sabihin nasa ilalim ka ng lumang tipan, kung saan ang favor ni God ay nakabase sa performance mo.


Pangalawa, nung tinubos tayo ni Cristo, hindi lang Niya tinanggal yung sumpa, tinanggal Niya tayo sa buong sistema ng Kautusan.

Sabi sa Galatians 4:4–5:

“God sent His Son, born under the law, to redeem those under the law…”

So hindi lang tayo pinalaya mula sa parusa, kundi inalis tayo sa jurisdiction ng law at inilipat sa bagong relasyon bilang mga anak ng Diyos sa ilalim ng biyaya.

Hindi na tayo mga alipin ng Ten Commandments bilang covenant code, kundi mga anak ng Diyos na sumusunod hindi dahil takot tayo sa parusa, kundi dahil nagmahal tayo sa Tagapagligtas.


Pangatlo, ang Sampung Utos ay puso ng Lumang Tipan, hindi ito ang eternal moral law mismo.

Klaruhin natin:

Ang moral truths ng Ten Commandments (like “Do not kill,” “Do not steal”) ay eternal, kasi base ito sa karakter ni God. Pero ang form ng Ten Commandments bilang covenant document na nakasulat sa bato ay Old Covenant law para sa Israel, hindi para sa church (Exodus 34:28; Deut. 4:13).

Sabi nga ni Paul sa 2 Cor. 3:7, “the ministry of death written on tablets of stone.” Ibig sabihin, natapos na ang covenant na ‘yon nang dumating si Cristo at itinatag ang New Covenant (Luke 22:20; Rom. 10:4).


Pang-apat, paano na ngayon?

Hindi ibig sabihin wala na tayong sinusunod ang ibig sabihin, iba na ang basehan ng pagsunod. Hindi na tayo sumusunod “under the law of Moses,” kundi “under the law of Christ” (1 Cor. 9:21). At ang law of Christ ay summarized sa love (Rom. 13:8–10; Gal. 6:2). Ang motivation natin ngayon ay hindi fear, kundi grace. Ang obedience natin ay bunga ng pagbabagong ginawa ng Holy Spirit sa puso natin (Rom. 8:4).


Simplified Comparison

View Meaning Covenant
Under the Law Nabubuhay ka sa ilalim ng Mosaic Law Old Covenant
Under Grace Nabubuhay ka sa ilalim ng biyaya, led by the Spirit New Covenant
Curse of the Law Parusa ng hindi pagsunod sa Law ng tuloy-tuloy Part ng Old Covenant

Kaya kapag sinabing “you are not under the law,”hindi ibig sabihin free ka magkasala ang ibig sabihin, di ka na bound sa Mosaic system. Ang standard mo na ngayon ay si Cristo mismo.


Panghuling punto

Kung ikaw ay nasa kay Cristo, wala ka na sa ilalim ng sumpa at ng sistema ng Kautusan. Hindi mo na kailangang “bantayan” ang Ten Commandments para maligtas; ang righteousness mo ay si Cristo mismo (Phil. 3:9).

Sabi ni Paul sa Galatians 5:18,

“If you are led by the Spirit, you are not under the law.”

Ang ibig sabihin: hindi mo kailangan ng external law para turuan kang gumawa ng tama kasi nandiyan na ang Holy Spirit sa puso mo na nagtuturo at nagbabago sa’yo araw-araw.


Summary ng Buong Sagot:

🔸 “Under the law” = under the whole covenant system of Moses.
🔸 Christ didn’t just free us from the curse — He freed us from the covenant itself.
🔸 We now live under grace, by the Spirit, fulfilling the law of Christ through love.

Kaya sa madaling sabi: hindi mo kailangang bumalik sa Sinai para maging banal dahil ang kabanalan mo ay nasa Kristo na namatay, nabuhay, at nananahan sa’yo.


Former Adventists Philippines

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Website: formeradventistph.blogspot.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

















No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

FAP Sunday Service October 19, 2025

MOST POPULAR POSTS