Madalas itanong ng mga tao, “Pastor, bakit lagi niyo pong tinatalakay ang tungkol sa Sabbath?” Fair question. Ang totoo, ilang beses na naming natalakay ang paksang ito sa mga podcasts, sa mga Bible study, at sa mga conference. Pero heto kasi: patuloy itong nagiging issue, lalo na sa mga kapatid nating galing sa Adventism na nagsisimula pa lang maunawaan ang kalayaan natin kay Cristo. Hindi naman namin pinupuna ‘yung mga taong gustong “ipangilin” ang Sabbath dahil gusto nilang magpahinga o maglaan ng araw para sa Diyos. Wala pong masama doon. Sabi nga ni Pablo sa Romans 14, okey lang kung may kanya-kanyang paniniwala tungkol sa mga araw. Ang problema lang, kapag ginawa nang requirement for salvation ang Sabbath. Kapag sinabi mo na, “Kung hindi mo ito pinangilin, hindi ka maliligtas” ayun, nagkakaproblema na tayo.
Bakit Mahalaga Ito sa mga Dating Adventist?
Alam mo kung bakit kailangan itong himayin? Kasi malalim ang ugat ng doktrina ng Sabbath sa sistema ng Adventism. Kahit na umalis na sa iglesia, marami pa rin ang nahihirapang ihiwalay ‘yung emotional at doctrinal conditioning na “Sabbath equals true faith.” Kaya bawat tanong tungkol sa Sabbath ay parang domino effect kapag sinagot mo isa, may lalabas ulit na panibago. Kaya mahalaga na maunawaan ng mga transitioning Adventists kung saan talaga nagmumula ang ideya ng “Two Laws Theory” ‘yung paniniwalang may “moral law” (Ten Commandments) at may “ceremonial law” (mga ordinansa ni Moises).
Paano Itinuro Ito ng SDA Church
Si Ellen G. White mismo, founder at propetisa ng SDA, ay nagsulat ng mahigit 200 beses tungkol sa dalawang “magkaibang” kautusan ang moral at ang ceremonial law. Sa kanilang official doctrinal book, Principles of Life, may chapter pa talaga na pinamagatang “The Two Laws.” Doon, pinipilit ipakita na ang Ten Commandments daw ay eternal at divine, samantalang ang Mosaic laws ay pansamantala lang at ceremonial.
May chart pa nga silang ginagamit sa Bible study na may dalawang columns:
At ang sabi ng libro:
“Ang pagkakaiba ng dalawang kautusan ay napakalinaw. Nilayon ng Diyos na maging hiwalay ang moral law at ceremonial law.”
Pero... totoo ba ‘yan sa Biblia? Spoiler alert: hindi.
Ang Biblia: Iisang Kautusan Lang
Kung talagang babasahin mo ang Scripture, walang verse kahit saan sa Lumang Tipan o Bagong Tipan na nagsasabing may dalawang magkaibang kautusan. Walang “moral law” o “ceremonial law” na nakasulat. Ang buong Mosaic Law lahat ng utos, alituntunin, ordinansa, at kapistahan ay tinatawag lang sa Biblia na “ang kautusan.”
Halimbawa:
“May iisang kautusan para sa katutubo at sa dayuhan.” — Exodus 12:49
“May isang batas para sa inyo at sa mga dayuhan.” — Numbers 15:16
“Ito ang palatuntunan ng kautusan na iniutos ng Panginoon.” — Numbers 19:2
Walang distinction, walang dalawang klase. Isa lang. At alam mo kung anong nakakagulat? Kahit sa Deuteronomy, nang ulitin ni Moises ang buong kautusan bago pumasok sa Canaan, tinawag niya ito nang paulit-ulit bilang “ang kautusang ito” singular. Hindi niya sinabing “mga kautusan.”
“Sa dako roon ng Jordan... ipinahayag ni Moises ang kautusang ito.” — Deut. 1:5
“Ito ang kautusang inilagay ni Moises sa harapan ng Israel.” — Deut. 4:44-45
Kasama dito ang Ten Commandments (Deut. 5) at lahat ng 25 chapters na naglalaman ng iba’t ibang utos pero sa dulo, tinawag pa rin ni Moises ang lahat ng iyon na “isang kautusan.”
Ang Kautusan ni Moises = Kautusan ng Diyos
Ito ang part na ayaw aminin ng mga sabbatarian preachers ang “Law of Moses” at “Law of God” ay iisa lang.
“Dalhin ninyo ang aklat ng kautusan ni Moises, na iniutos ng Panginoon.” — Nehemiah 8:1
“Ang kautusan ni Moises, na ibinigay ng Diyos ng Israel.” — Ezra 7:6
Walang hierarchy. Walang “mas banal” sa dalawa. Kung si Moises ay sumulat ng utos, iyon ay dahil ang Diyos mismo ang nag-utos sa kanya na isulat iyon. Kaya kapag sinasabi ng SDA na mas “eternal” ang Ten Commandments kaysa sa ibang Mosaic laws, para nilang sinasabing may dalawang Diyos na nagbibigay ng magkaibang antas ng kautusan.
Ang Konklusyon: Isa Lang ang Kautusan, At Tinupad na Ito ni Kristo
Malinaw sa lahat ng ito: iisa lang ang Kautusan. At ayon sa Bagong Tipan, tinupad na ito ni Kristo nang buo hindi kalahati lang.
“He takes away the first to establish the second.” — Hebrews 10:9
“For Christ is the end of the law for righteousness to everyone who believes.” — Romans 10:4
Ibig sabihin, sa ilalim ng Bagong Tipan, hindi na tayo sinusukat sa “pangingilin ng Sabbath” o sa pagsunod sa ceremonial laws. Ang sukatan ngayon ay pananampalataya kay Jesus Cristo Siya na tumupad ng buong kautusan para sa atin.
Kung gusto mong sumamba tuwing Sabado, walang masama doon. Pero huwag mong isipin na mas ligtas ka dahil doon. Dahil kahit gaano ka pa “faithful” sa Sabbath, kung wala ka kay Cristo wala kang kapahingahan. At ‘yan ang tunay na Sabbath rest na iniaalok ng Diyos hindi araw, kundi isang relasyon kay Cristo na Siyang ating Kapahingahan.
Ang Lihim na Hindi Sinasabi sa mga SDA Bible Study”
Maraming beses ko nang narinig ang argumentong ito mula sa mga kapatid nating Seventh-day Adventist (SDA): “Iba po ang kautusan ni Moises sa kautusan ng Diyos!” at kadalasan, ginagamit nila ito para ipakita na ang Sampung Utos daw ay hiwalay sa tinatawag nilang ceremonial law. Pero kung susuriin mo nang mabuti, parang may malaking butas sa lohika ng ganitong turo.
Ang “Kautusan” at “Palatuntunan” ay Magkasingkahulugan
Kung may napansin ka sa mga preaching o prophecy seminars ng SDA, palagi nilang ginagamit ang Daniel 7:25 (“babaguhin niya ang panahon at ang kautusan”) tapos idudugtong agad ang Isaias 24:5 (“binago ang alituntunin”). Tapos ang sasabihin nila “ayan o, parehong tinutukoy diyan ang Sampung Utos!” Ang problema? Kapag dumating naman sila sa Efeso 2:15 kung saan sinasabi ni Pablo na “inalis ni Kristo ang kautusang may mga palatuntunan,” bigla nilang binabago ang ibig sabihin!
Sasabihin nila, “Ah, yan po ay ceremonial law lang, hindi po kasama ang Ten Commandments.”
Ano daw? So minsan pareho raw, minsan hindi. Ibig sabihin, ginagamit lang nila ang definition na convenient sa aral nila. Ang totoo: sa Biblia, ang “palatuntunan” at “kautusan” ay interchangeable o magkapareho ng gamit. Parehong tumutukoy sa Mosaic Law ‘yung buong kautusan na ibinigay ng Diyos sa Israel, kasama ang moral, ceremonial, at civil laws. Walang verse sa Bible na nagsasabing dapat nating paghiwalayin ‘yan. Kung baga, kung gusto mong sabihin na iba ang Ten Commandments sa “Law of Moses,” para mo na ring sinabing may dalawang Diyos isa nagsasalita sa Sinai, at isa naman sa pamamagitan ni Moises. Hindi consistent.
Ang “Verbal” at “Written” Law ay Parehong May Awtoridad
Isa pang paboritong argumento ng mga SDA authors:
“Yung Ten Commandments po ay sinambit mismo ng Diyos, pero yung law of Moses ay sinulat lang ni Moises, kaya mas mababa.”
Pero kung babasahin mo ang mga propeta, hindi nila kailanman sinabi na may mas mataas o mas mababang batas. Ang lahat ng utos, whether spoken or written, ay galing pa rin sa Diyos mismo.
Sabi nga sa Malakias 4:4,
“Alalahanin ninyo ang kautusan ni Moises na aking lingkod na aking iniutos sa kaniya sa Horeb.”
Klaro ‘di ba? Ang kautusan ni Moises ay iniutos ng Diyos. Ibig sabihin, kapag sinusunod mo ang kautusan ni Moises, sinusunod mo rin ang kautusan ng Diyos at kung nilalabag mo ito, nilalabag mo rin Siya. Kaya kung sinasabi ng SDA na mas “divine” ang Ten Commandments kaysa sa ibang Mosaic laws, nagkakamali sila. Kasi sa Biblia mismo, lahat ng kautusan ay may parehong awtoridad ang Diyos ang pinagmulan ng lahat.
Ang “Kautusan ni Moises” = “Kautusan ng Diyos”
Ito ang hindi gustong harapin ng mga nagtuturo ng “Law Division” theology ng Adventism.Maraming beses sa Kasulatan, ginamit ang dalawang parirala na magkapareho ng kahulugan.
“... ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, at sa kautusan ni Moises.”
Isa lang ang tinutukoy niyan parehong batas.
Nang dinala ni Maria at Jose si Jesus sa templo, ginawa nila ang lahat “ayon sa kautusan ni Moises” at “ayon sa kautusan ng Panginoon.”
So alin dun ang “kay Moises” lang? Pareho lang ‘yon!
“Si Ezra ay kalihim na bihasa sa kautusan ni Moises, na ibinigay ng Panginoon, ng Dios ng Israel.”
Ayan, diretsahan na ang kautusan ni Moises ay ibinigay ng Diyos mismo!nKung baga, walang “Team Moises Law” vs. “Team God’s Law.” Isa lang ‘yan. At kung lalagyan mo ng pader sa pagitan nila, hindi mo na sinusunod ang kabuuan ng Biblia sinusunod mo na lang ang sistema ng doktrinang gawa ng tao.
So, Ano ang Lesson Dito?
Simple lang: Kapag sinabi ng SDA na “Ang Ten Commandments ay eternal, pero ang Law of Moses ay ceremonial,” para silang nagtatayo ng dalawang trono para sa dalawang hari si Yahweh at si Moises. Pero sa New Covenant, tinupad ni Kristo ang buong kautusan hindi kalahati lang.
Sabi nga sa Hebreo 10:9,
“He takes away the first to establish the second.”
At ‘yung “second” na ‘yan ay hindi araw o dietary law kundi isang bagong tipan ng biyaya.Kaya kung gusto mong maging consistent, hindi mo pwedeng ipilit ang selektibong paggamit ng “law” kapag tungkol sa Sabbath, pero iwas bigla kapag tungkol sa Ephesians 2:15 o Galatians 3:19.
Kung ang kautusan ni Moises ay kinasihan ng Diyos, at ang kautusan ng Diyos ay tinupad ni Kristo then ang tunay na pagsunod sa kautusan ay hindi sa pamamagitan ng pagsambang Sabado o pagkain ng tama, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya na tumupad ng lahat ng iyon para sa atin.
Sa madaling salita: Hindi tayo iniligtas ng “kautusan ni Moises” o “kautusan ng Diyos.” Ang tanging makapagliligtas ay ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ni Kristo Jesus.
Ang Tunay na Moral Law, Hindi Sampung Utos!”
Minsan, nakakagulat marinig ito na may mas mataas pang moral na kautusan kaysa sa Sampung Utos. Wait, what? Akala kasi ng karamihan, ‘yun na ang ultimate standard ng moralidad. Pero kung titignan natin ang kabuuan ng Lumang Tipan, may mga utos si Yahweh na mas tumatagos sa puso kaysa sa “Huwag kang papatay” o “Huwag kang magnanakaw.”
Tingnan mo halimbawa ni James sa James 2:2–12. Hindi niya ginamit ang kahit alin sa Sampung Utos bilang example ng moral failure, kundi ‘yung pagtatangi sa mahirap at mayaman sa simbahan. Hindi ito bahagi ng Ten Commandments, pero sabi ni James, kapag nilabag mo ‘yon, lawbreaker ka pa rin.
Ang tawag pa nga ni James doon ay “Royal Law”“Love your neighbor as yourself.” (Leviticus 19:18).
O diba? Galing pa sa tinatawag ng mga Adventist na ceremonial law!
Hindi Lang Sampung Utos ang Moral
Kung iisa-isahin mo, ang kautusan ng Diyos ay isang buo, hindi dalawang magkaibang “moral” at “ceremonial” laws. Hindi mo mababasa sa Bible ang salitang “two laws.” Pure invention lang ‘yan ng SDA theology para mapanatili ang Sabbath bilang “eternal moral law.” Pero sa Scripture mismo, iisa lang ang Kautusan (Ex. 12:49; Num. 15:16; Deut. 4:8).
At sa loob ng kautusang ‘yan, may mga command na mas moral pa kaysa sa Ten Commandments:
-
“Love your neighbor as yourself.” (Lev. 19:18)
-
“Don’t oppress the widow or orphan.” (Ex. 22:22)
-
“Don’t follow the crowd in doing evil.” (Ex. 23:2)
-
“Be fair, don’t show favoritism.” (Deut. 16:19)
-
“Leave some of your harvest for the poor.” (Deut. 24:19–22)
Yung mga ganitong utos, hindi mo mababasa sa Ten Commandments, pero lahat sila ay puspos ng pag-ibig, katarungan, at awa mga values na mismong itinuro ni Jesus sa Sermon on the Mount (Matt. 5–7).
Jesus and the “Higher Law”
Si Jesus mismo, sa Kanyang Sermon on the Mount, hindi lang basta inulit ang Sampung Utos — pinataas Niya ang standard.
“You have heard... but I say unto you.”
Kung baga, hindi lang “Huwag kang pumatay,” kundi “Huwag kang magalit.”
Hindi lang “Huwag kang mangalunya,” kundi “Huwag mong pagnasaan.”
Jesus is saying: “Hindi ko sinira ang Kautusan, tinupad ko ito lahat ng moral essence nito, ako ang katuparan!” (Matt. 5:17–18)
Problem with “Two-Law Theory”
Ang SDA theology nag-iimbento ng category:
Pero kapag binasa mo nang maayos ang Bible, walang ganitong division. Bakit? Kasi pati si Moses, sinulat ang buong “Law” bilang iisang kautusan (Deut. 31:9). At nang tawagin ito sa Nehemiah 8:1, “The Law of Moses” at “The Law of God” iisa lang ‘yon. So, kung gusto mong sundin ang “Ten Commandments” para mapanatili ang Sabbath, technically kailangan mo na rin sundin ang lahat ng nasa Leviticus at Numbers kasi bahagi rin ‘yon ng iisang “Law.” Otherwise, pinipili mo lang kung alin gusto mong sundin, at ‘yan mismo ang tinutuligsa ni Paul sa Galatians 5:3.
Mas Malalim Pa sa Sabbath
Ang Sabbath ay hindi “pinakamataas” sa mga kapistahan. In fact, hindi nga siya tinawag na “pinakadakilang araw.” Alam mo kung ano ang tinawag na Great Day? The Day of Atonement (Isa. 1:13–14; Lev. 16). Ang Sabbath ay tanda ng Old Covenant, pero hindi ito ang sentro ng moralidad. Ang Sabbath ay shadow, si Christ ang substance (Col. 2:16–17). Ang Sabbath ay literal na “pahinga,” pero kay Jesus, natagpuan natin ang totoong kapahingahan. (Heb. 4:9–10)
The Law of Love: The Ultimate Moral Law
Sa dulo ng lahat ng ito, malinaw na tinuro ni John:
“And this is His command: to believe in the name of His Son Jesus Christ and to love one another.” (1 John 3:23)
Ito na ang true moral law hindi nakasulat sa bato kundi sa puso (Jer. 31:33). At ang buong layunin ng kautusan? Hindi para manatili sa lumang tipan, kundi dalhin tayo kay Cristo. (Gal. 3:24)
Conclusion: Ang Tunay na Moralidad ay Nasa Pag-ibig, Hindi sa Bato
Kung totoo ang sabi ng SDA na “ang moral law ay eternal,” dapat eternal din ang lahat ng nasa Mosaic law, kasi iisa lang ‘yon. Pero malinaw sa New Covenant: “Love fulfills the law.” (Rom. 13:8–10) Kaya kung nagmamahal ka gaya ni Cristo, tinutupad mo na ang buong moral essence ng Law kahit wala kang sinusunod na “Sabbath requirement.”
At kung gusto mo talagang maging faithful kay Yahweh, tandaan:
Ang tunay na Sabbath ay hindi araw kundi si Jesus mismo, ang ating pahinga, kalayaan, at katuparan ng Kautusan.
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
No comments:
Post a Comment