QUESTION:
"Pastor Ronald, yung salitang sabbatismos sa Hebrews 4:9—tumutukoy po ba ito sa weekly Sabbath na nasa ika-apat na utos?"
ANSWER:
Hindi, yung “sabbatismos” sa Hebrews 4:9 ay hindi tumutukoy sa weekly Sabbath ng Old Covenant (yung Saturday rest), kundi sa spiritual at eternal rest na natatagpuan natin kay Cristo. Kung titignan mo sa Greek, yung salitang σαββατισμός (sabbatismos) ay once lang lumabas sa buong New Testament dito lang sa Hebrews 4:9. Ang literal meaning nito ay “a Sabbath-like rest” o “isang kapahingahan na tulad ng Sabbath.”
Pansin mo: hindi sinabi na “the Sabbath day” kundi “rest.” Ngayon, basahin mo yung context Hebrews 4:1–11. Hindi pinag-uusapan dito ang pag-iingat ng araw, kundi ang pagpasok sa kapahingahan ng Diyos.
Kinukumpara ng writer:
* Ang Israel na hindi nakapasok sa promised land dahil sa unbelief,
* at ang mga mananampalataya na tinatawagan ngayon na pumasok sa tunay na rest kay Cristo.
Kaya nung sinabi sa v.9 na, “There remains, then, a sabbatismos for the people of God,” ang ibig sabihin ay may natitirang kapahingahan na katulad ng Sabbath pero ito’y spiritual rest, hindi physical rest. Ito ay ang paghinto sa sariling gawa at pagtiwala sa natapos nang gawa ni Cristo sa krus.
Tingnan mo ang v.10:
“For the one who has entered His rest has himself also rested from his works, just as God did from His.”
So hindi ito tungkol sa pagtigil magtrabaho tuwing Sabado, kundi sa paghinto sa pagsisikap na maligtas sa pamamagitan ng gawa ng kautusan.
Kaya kung i-summarize natin:
*Sabbatismos* = Spiritual rest in Christ.
Hindi = Weekly Sabbath observance.
Sa madaling salita yung Sabbath day ay shadow, si Cristo ang substance (Colossians 2:16–17). Ang Old Covenant ay may lingguhang pahinga, pero ang New Covenant ay may permanent rest kay Cristo. Sa New Covenant, hindi lang tayo nagpapahinga sa Sabbath: Tayo mismo ang Sabbath people, kasi nakapahinga na tayo sa tinapos na gawa ni Jesus.
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
No comments:
Post a Comment