"Pastor Ronald, paano po ang mga taong hindi narinig ang tungkol kay Jesus bago sila namatay?"
Answer:
Good question and honestly, isa ito sa mga pinaka–madalas na tanong pagdating sa theology at evangelism. Ganito ‘yan. Una sa lahat, malinaw sa Romans 1:18–20 na “ang katotohanan tungkol sa Diyos ay malinaw na ipinakita sa kanila, dahil ipinakita ito ng Diyos sa kanila.” Ibig sabihin, lahat ng tao ay may general revelation creation itself shouts, “May Diyos!” Kaya walang makakapagsabi na “wala akong idea sa existence Niya.”
Kung baga, kung may taong hindi nakarinig ng Gospel, hindi siya hahatulan dahil hindi niya kilala si Jesus, kundi dahil nagkasala siya sa liwanag na alam niya sa conscience, sa creation, at sa truth na ipinakita ng Diyos sa kanya. (Romans 2:14–16)
Para mas madali maintindihan, isipin mo ganito:
Kung gaano karaming liwanag ang ipinakita ng Diyos sa iyo, doon ka rin huhusgahan kung paano mo tinugon ‘yung liwanag na ‘yon.
Sa madaling salita:
-
Ang Diyos ay makatarungan sa mga hindi nakarinig.
-
Pero tayo na nakarinig walang excuse para manahimik.
-
At ang Gospel ni Cristo ang tanging daan ng kaligtasan para sa lahat.
Kaya habang may oras pa, huwag tayong kampante.
“The question is not what happens to those who haven’t heard the Gospel the question is, what are we doing about it?”
Download this infographic and share:
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph


No comments:
Post a Comment