Thursday, October 2, 2025

QUESTION: “Pastor Ronald, kung Sabbath lang ang worship sa bagong langit (Isaias 66), saan masimba ang Sunday keepers"?

 


QUESTION:

“Pastor Ronald, kung Sabbath lang ang worship sa bagong langit (Isaias 66), saan masimba ang Sunday keepers? Si Kristo ang Lord of the Sabbath—so kung Linggo ang sinusunod nila, si Constantine ba ang Lord nila?

ANSWER:

Ang ganda ng tanong na iyan, kasi diretsong hamon talaga sa Sunday worship. Pero pansinin natin: ginagamit minsan ang Isaias 66 nang wala sa tamang context. Kaya himayin natin.

Ang Isaiah 66:22–23 ay apocalyptic prophecy na gumagamit ng Old Covenant imagery gaya ng Sabbath at New Moon, kasi ‘yun ang language na familiar sa Israel noon. Pero tulad ng ibang prophecies, hindi ito literal na pagbabalik sa lumang sistema. Parang sa Revelation, ginagamit ang “Egypt” o “Zion” bilang symbol (Rev. 11:8; 14:1), ganun din si Isaiah symbolic ang covenant language para ipakita ang New Covenant reality na natupad kay Cristo. Sa typical na prophetic style ng mga Hudyo, ginagamit niya ang mga kilalang categories para i-describe ang eternal worship. Parang sinasabi niya, ‘Linggo-linggo, buwan-buwan, lahat ng tao sasamba sa Diyos.’ Hindi ito tungkol sa calendar law, kundi sa tuloy-tuloy at universal na pagsamba kay Cristo.

"All mankind shall come to worship me from week to week and month to month." Isaiah 66:23(TLB)

Kung magiging literal ka sa Sabbath dito, dapat literal ka rin sa New Moon festivals. Pero kahit SDA, hindi nila inoobserbahan ang New Moon ngayon. So bakit selective? Bakit Sabbath lang ang pinipilit gawing eternal?

Col. 2:16–17 malinaw: Sabbath, New Moon, Feasts = "shadows". At nung dumating si Cristo, natupad na ang shadow. Hebrews 4:9–10: “There remains a Sabbath rest for the people of God” pero ang rest na iyon ay hindi isang araw kundi ang eternal rest in Christ. Kaya sa New Heaven & New Earth, hindi na araw ang sentro, kundi si Cristo mismo.

Mga katanungan para sa mga SDAs:

1. Kung Sabbath ang eternal requirement, bakit Revelation 21–22, ang pinaka-detailed vision ng bagong langit at lupa wala man lang Sabbath? Instead, “The Lord God Almighty and the Lamb are the temple” (Rev. 21:22).

2. Kung si Cristo ang Panginoon ng Sabbath (Mark 2:28), sino ang mas mataas ang araw o ang Panginoon? Jesus being “Lord of the Sabbath” it means He owns it, fulfills it, and grants true rest in Himself.

3. Kung si Constantine raw ang Lord ng Sunday, bakit documented na sina Ignatius, Justin Martyr, at Barnabas (100+ years before Constantine) ay nagsasamba na on the Lord’s Day? Sino talaga ang nagsimula si Constantine o si Cristo na nabuhay sa araw ng Linggo?

Kaya ang sagot: Sa Bagong Langit at Bagong Lupa, hindi Sabbath ang pinaka-sentro kundi ang walang hanggang pagsamba kay Jesus. At kung Linggo kami sumasamba, si Jesus pa rin ang Lord namin, hindi si Constantine. Si Jesus ang Lord of the Sabbath at Lord ng lahat ng araw. Hindi si Constantine ang nag-imbento ng Sunday worship; kinilala lang niya ang practice na matagal nang ginagawa ng church. Ayon sa Biblia, si Jesus ang Panginoon, Siya ang muling nabuhay sa unang araw, nagtipon ng mga alagad sa unang araw (John 20:19, Acts 20:7), at tumanggap ng sama-samang pagsamba sa unang araw (Matt. 28:9).


For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Website: formeradventistph.blogspot.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph

Phone: 09695143944






No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

FAP Commentary on SDA Sabbath School Lesson (November 1–7, 2025) Title “The Enemy Within.”

  🧭 Overview This week’s SDA Sabbath School lesson focuses on Achan’s sin in Joshua 7 , where Israel’s defeat at Ai was linked to disobed...

MOST POPULAR POSTS