Galing ito sa isang kapatid natin na itatago natin sa pangalang “Bro. Ben,” isang Seventh-day Adventist sa loob ng 11 years mula Pampanga.
Sabi ni bro. Ben:
“Pastor, gusto ko lang po maging open-minded sa lahat ng information. Ayokong maging bias ayoko maging defender o attacker ng SDA. Gusto ko lang po hanapin ang katotohanan. Sa tingin ko po, walang perfect na doktrina sa kahit anong church, dahil ang infallible lang ay Scriptures. Naniniwala ako na mas makikilala ko ang church namin kung babasahin ko rin ‘yung mga isinulat ng mga walang tinatago. Kaya nagpapasalamat po ako sa inyo kasi marami akong natututunan at gusto ko pang magbasa. Pinagpepray ko po kayo, pastor.”
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng “Infallible Source of Truth”?
Ang salitang “infallible” ay nangangahulugang “hindi nagkakamali at hindi kailanman magkakamali.” Kaya kapag sinabi mong “infallible source of truth,” ibig sabihin niyan ay isang pinagmumulan ng katotohanan na laging tama at hindi pwedeng magkamali.
Pero paano naman ang Seventh-day Adventist view?
Ang Problema sa View na ‘Yan
- Kung inspired din si Ellen White gaya ng mga apostol, bakit hindi isinama ang mga isinulat niya sa canon ng Scripture? Ang mga isinama sa canon ay tanging mga akdang may direktang divine authority para sa lahat ng panahon.
- Kung “continuing source of truth” si Ellen White, lalabas na meron tayong dalawang infallible authorities, the Bible and Ellen White. Pero sa Sola Scriptura ng Reformation, isa lang dapat ang Biblia.
- Hindi sapat na sabihin na “non-canonical pero inspired.” Kasi kung totoong inspired ng Holy Spirit, hindi pwedeng non-canonical. The Spirit doesn’t produce half-inspired or optional truth.
Ang Bottom Line
Closing Thought:
“Ang Biblia ay hindi kailangan dagdagan, depensahan, o ayusin ng sinuman. Hindi ito parang cellphone app na kailangan ng update. Ito ay kumpleto, totoo, at buhay dahil ang Diyos na nagsalita noon, Siya rin ang nagsasalita ngayon.”
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
No comments:
Post a Comment