QUESTION:
"Pastor Ronald, kung sabi ni Solomon ang patay ay natutulog, pero sabi ni Pablo ang mananampalataya ay nasa langit na may kinalaman po ba ito sa ginawa ni Jesus sa krus?"
ANSWER:
Good morning din! Ganda ng tanong mo ah at madalas din nalilito ang mga tao dito kasi parang magkaiba nga sina Solomon at si Paul, ‘di ba? Pero pag pinagdugtong mo nang tama sa context ng buong Biblia, malinaw pala. Tama ka sabi ni Solomon sa Ecclesiastes 9:5, “For the living know that they will die, but the dead know nothing.” Ang ibig sabihin nito, sa pananaw ng tao sa ilalim ng araw, ang kamatayan ay parang tulog wala nang kamalayan, wala nang ginagawa sa mundong ito. Pero tandaan: si Solomon nagsalita mula sa human perspective, hindi pa niya alam ang buong larawan ng buhay pagkatapos ng kamatayan na ipinahayag lang nang dumating si Cristo (2 Tim. 1:10).
Kaya nung si Pablo naman nagsulat sa 2 Corinthians 12:2 at Philippians 1:23, sinabi niya na ang mananampalatayang namatay ay “with Christ,” nasa ikatlong langit ibig sabihin, nasa presensiya ng Diyos mismo. Ngayon, tanong: bakit nagkaiba ang pananaw nila? Simple, kasi may nangyari sa pagitan nila: ang krus ni Cristo.
Bago ang krus, ang mga patay kahit matuwid ay nasa tinatawag na Sheol o Abraham’s bosom (Luke 16:22). Pero nung si Jesus ay namatay at nabuhay muli, sabi ng Ephesians 4:8–10, “He descended to the lower parts of the earth and led captivity captive.” Ibig sabihin, dinala ni Jesus sa langit ang mga mananampalataya na dating nasa “paradise compartment” ng Sheol. Kaya tama ka may kinalaman talaga ito sa ginawa ni Jesus sa krus.
Dahil sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay muli,
- Nabuksan ang daan papunta sa presensiya ng Diyos.
- At mula noon, ang mga namamatay na kay Cristo ay hindi na tulog lang sa ilalim ng lupa sila ay gising sa presensiya ng Panginoon.
Kaya ngayon, kapag namatay ang isang mananampalataya, hindi na siya “unconscious” o “parang tulog.” Sabi nga ni Paul, “To be absent from the body is to be present with the Lord” (2 Cor. 5:8). At kung iisipin mo hindi ba ang ganda niyan? Dati, takot tayo sa kamatayan. Pero dahil sa ginawa ni Cristo sa krus, ang kamatayan ay naging isang tulay papunta sa buhay na walang hanggan.
So yes, Solomon saw death before the cross. Paul saw it after the cross. At dahil kay Jesus natapos na ang “tulog,” kasi ngayon, may gising na buhay sa piling ng Diyos.
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
).png)
No comments:
Post a Comment