Magandang tanong ‘yan at honestly, medyo madalas din nating ma-encounter ‘yan, lalo na kapag nagsasabi ka ng
katotohanan na ayaw tanggapin ng iba.Una sa lahat, hindi na bago ang ganyang klaseng ugali. Kahit si Jesus mismo ay binintangan, siniraan, at tinawag pang sinungaling ng mga Sabadistang Hudyo (John 8:48). Ibig sabihin, kung si Kristo nga hindi nakaligtas sa mga maling paratang mas lalo tayong mga lingkod Niya. So huwag ka nang magulat kung may Sabadistang (o kahit sino pa) paulit-ulit kang binabansagan ng mali it’s part of the spiritual battle.
Pangalawa, ayon sa Biblia, ang tawag sa ganung klaseng tao ay:
1.) Slanderer (Greek: diabolos) — alam mo ba na ito rin ang root word ng “devil”? Ang ibig sabihin ng diabolos ay accuser o false accuser. Kaya sa simpleng salita, ang taong mahilig manira at magbintang nang walang katotohanan ay ginagamit ng diablo sa gawaing diabolical.
“They are gossips, slanderers, haters of God...” (Romans 1:29–30)
2.) Busybody o meddler — sa 1 Peter 4:15, binanggit ni Pedro:
“Let none of you suffer as a murderer, a thief, an evildoer, or as a busybody in other men’s matters.”
Ang ibig sabihin, may mga taong walang ibang mission kundi manghimasok at manghusga, pero hindi para tumulong kundi para manira.
3.) False witnesses — Proverbs 19:9: “A false witness shall not go unpunished, and he who speaks lies shall perish.”
Hindi biro ang manira ng kapwa. Sa Biblia, kasalanan ‘yan na diretsong binabanggit ng Diyos bilang Kanyang kinamumuhian (Proverbs 6:16–19).
Pangatlo, paano natin tutugunan? Simple lang huwag mong sabayan ang ingay. Hindi mo kailangang ipaliwanag ang katotohanan sa mga taong ayaw makinig sa katotohanan.
Ang sabi ni Pablo,
“Avoid foolish controversies and arguments... because these are unprofitable and useless.” (Titus 3:9)
Ang ginagawa ko personally?
- I clarify publicly when needed,
- I correct with Scripture,
- then I move on with grace.
Hindi mo kailangang makipagpatayan sa keyboard warriors; ang totoo, hindi mo kailangang ipagtanggol ang katotohanan it will defend itself in time.
Pastoral Reflection:
Kapag sinisiraan ka habang pinaninindigan mo ang ebanghelyo, ibig sabihin lang nun may tinatamaan kang kasinungalingan. Ang taong walang tinatago, hindi kailangang manira. Pero ang taong nabubuhay sa error, natural na gigibain ang nagsasabi ng truth.
Kaya relax lang. Tuloy lang nating ipangaral ang katotohanan. Ang Panginoon mismo ang maglilinis ng pangalan ng mga taong sinisiraan ng personal sa oras Niya gaya ng ginawa Niya kay Paul, kay Stephen, at higit sa lahat, kay Jesus.
“The Lord will fight for you; you need only to be still.” — Exodus 14:14
“Ang taong laging namemersonal attack, minsan takot lang talaga sa liwanag ng katotohanan.”
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
No comments:
Post a Comment