Answer:
Classic na tanong ‘yan, and I get why people ask it. So here’s my honest and pastoral answer,
Una sa lahat, hindi ako galit sa mga SDA. Kung galit ako, edi di na ako maglalaan ng oras para magpaliwanag, mag-research, at makipag-usap sa kanila nang may respeto.
Ang totoo, mahal ko sila. Kasi doon din ako galing for 24 years. Alam ko kung gaano kabigat ang guilt, fear, at confusion ng isang taong sincere pero nakatali pa rin sa maling unawa ng “gospel.”
Ang ginagawa ko ay hindi paninira, kundi paglilinaw. Kasi kung may taong nalulunod, hindi mo siya tinutulungan sa pamamagitan ng tahimik na panonood sisigaw ka, at hihilahin mo siya palabas, kahit magalit pa siya sa’yo habang sinasagip mo.
Hindi ako nagagalit sa mga Adventist; nagagalit ako sa deception na bumihag sa kanila. Ang galit ko ay sa false system, hindi sa mga tao. Kasi ang totoo, marami sa kanila ay mas disiplinado, mas tapat, at mas may respeto kaysa sa ibang “born-again” pa nga. Pero kung ang tapat mong puso ay nakakulong sa maling doktrina, responsibilidad kong ipakita ang truth that sets free (John 8:32).
Tandaan: si Apostle Paul din, galing sa maling relihiyon. Galit ba siya sa mga Hudyo? Hindi. Pero in-expose niya ‘yung maling pagkaintindi nila sa Law, dahil love tells the truth, even when truth hurts.
So no hindi ito galit. Ito ay zeal with compassion parang doktor na pinagsasabihan ang pasyente na may cancer:
“Hindi kita kinamumuhian, pero kailangan mong malaman ang totoo kung gusto mong gumaling.”
Ang goal ko hindi para manalo sa debate, kundi para may makilala pa si Cristo bilang tanging Kapahingahan, hindi araw, hindi sistema, kundi Persona.
In short:
“I’m not angry at Adventists. I’m angry at deception. Truth confronts because love refuses to stay silent.”
No comments:
Post a Comment