Monday, October 20, 2025

Question: “Pastor Ronald, bakit SDA lang ang lagi mong tinutuwid? Bakit di mo rin ituwid ang ibang sekta?"


Answer:

Una sa lahat, gusto kong sabihin ito nang may paggalang: hindi ko nililimitahan ang gospel sa SDA lang. Pero ang specific calling ko ay sa mga taong galing sa Adventism kasi doon ako nanggaling, doon ako tinawag ng Diyos, at doon ko alam kung saan nakaugat ang deception.

Kung iisipin mo, ganito rin ang pattern ni Apostle Paul. Maraming relihiyon sa panahon niya may mga pagan, Greek philosophers, idol worshipers, at iba pa. Pero ang pinaka-madalas niyang ka-debate at tinutuwid ay ang mga Judaizers ‘yung mga relihiyosong Jews na nahumaling pa rin sa Sabbath, circumcision, at lumang covenant, kahit dumating na si Cristo. Bakit? Dahil doon siya galing. Alam niya ang sistema, kabisado niya ang mindset, at may moral authority siyang ituwid iyon. Kung tutuusin, pareho lang kami ni Paul  former insider turned reformer.

Hindi ako nagmamagaling; I’m just being faithful where God placed me. Hindi ko rin sinasabing ako lang ang tama, pero ginamit ako ng Diyos sa lugar na dati kong pinagmulang error. Kaya kung may iba namang tinawag ng Diyos para magsalita sa labas (sa mga kulto, atheists, o ibang religion), eh di praise God! Pero sa akin, ito ang field ko ang mga dati at kasalukuyang Adventists.

Ang Former Adventists Philippines is a discipleship and evangelism ministry. Evangelism is not pride it’s obedience to the Great Commission (Matt. 28:18–20). At oo, may alam kami sa evangelism kasi hindi lang ito tungkol sa pagpunta sa kalsada, kundi sa loving confrontation of error para mailapit ang tao sa katotohanan ni Cristo. Hindi ito “pakikialam,” kundi pangangaral ng katotohanan sa mga dati naming kapatid.

At kung tatanungin mo naman ako tungkol sa motibo, hindi pride, bro. Kung pride ang dahilan, titigil na sana ako matagal na, kasi hindi madali ang ginagawa ko. Maraming insulto, pangungutya, at personal attacks pero patuloy ako kasi love compels me (2 Cor. 5:14).

Ang goal ko ay hindi makipag-away sa mga Adventist, kundi mailabas ang mga tapat na naghahanap ng liwanag mula sa ilalim ng anino ng legalismo. Kung galit ka kasi tinutuwid ka ng Salita, isipin mo rin:

Pati si Apostle Paul, lagi ring inaaway ng mga Sabbath keepers noon pero ginagawa lang niya ang tungkulin ng isang tagapagturo ng katotohanan.

Kaya bago mo sabihing “bakit SDA lang,” isipin mo ito. Hindi mo rin naman hihingiin sa isang dating Buddhist na magturo laban sa Adventism, di ba? Common sense lang talaga: kung saan ka galing, doon ka pinaka-effective gamitin ng Diyos.

Bottom line:

Hindi galit, hindi pride calling. And if you’re sincere, baka tinawag ka rin ng Diyos, hindi para magtago, kundi para ipagtanggol ang katotohanan sa mga dating kasamahan mo tulad ng ginawa ni Paul.

Former Adventists Philippines

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Website: formeradventistph.blogspot.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph


No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

Question: "Pastor Ronald, paano niyo tinutugunan ang mga Sabadistang paulit-ulit na nagbibintang at naninirang personal sa inyo?"

Magandang tanong ‘yan at honestly, medyo madalas din nating ma-encounter ‘yan, lalo na kapag nagsasabi ka ng katotohanan na ayaw tanggapin n...

MOST POPULAR POSTS