Thursday, October 16, 2025

Question: Pastor Ronald, yung Leviathan sa Job 40 at Psalm 104:26, literal ba ‘to, metaphor, o may deeper meaning?

Answer:

Alam mo, yung Leviathan sa Bible is one of those creatures that really spark curiosity, parang between theology at mythology ang dating, pero may solid biblical sense ‘yan.

So, let’s break it down:

1. Literal sense:

Sa Job 41, si Leviathan ay described as a terrifying sea creature may scales, may smoke sa ilong, at halos imposible talunin ng tao. So, yes, it seems na si Job ay naglalarawan ng real animal, most likely a crocodile or sea monster. Pero tandaan ginagamit ni God ‘yung description na ito para ipakita kung gaano Siya makapangyarihan. Parang sinasabi Niya, “Kung hindi mo nga kaya si Leviathan, eh di lalo na Ako.”

2. Metaphorical/poetic sense:

Sa Psalm 104:26 naman, Leviathan appears more poetically: “There go the ships: there is that Leviathan, whom thou hast made to play therein.” Dito, parang symbol siya ng God's sovereignty over creation. Ibig sabihin, kahit yung pinaka-mysterious na nilalang sa dagat, nilalaro lang ng Diyos. Hindi Siya threatened by chaos or power Siya ang may control sa lahat.

3. Deeper theological sense:

Ngayon, sa prophetic literature (like Isaiah 27:1), Leviathan becomes a symbol ng evil forces or chaos powers na lilipulin ni Yahweh. In short, Leviathan, representing ng mga anti-God systems or chaotic powers that oppose God, but in the end, God crushes them.

So, summary:

* Job → real creature, used as illustration.

* Psalms → poetic picture of God’s sovereignty.

* Isaiah → symbolic of evil or chaos defeated by God.

Hindi siya alien, hindi siya dragon sa modern sense, pero ginagamit siya ng Scripture para ipakita na kahit gaano kalakas o nakakatakot ang “forces” ng mundo God remains King over them all.

Kung gusto mo ng maikling takeaway:

Leviathan reminds us that no creature, chaos, or power, literal man or symbolic, can stand against the sovereignty of our Creator!

Former Adventists Philippines

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Website: formeradventistph.blogspot.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph







No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

Question: “Pastor Ronald, bakit po maraming pastor ng Sabadista ang miyembro ng Freemasonry?

Answer: Isa ‘to sa mga tanong na madalas tinatabunan o iwasan ng maraming Adventist pastors. Pero sige, pag-usapan natin nang diretso walang...

MOST POPULAR POSTS