Friday, October 24, 2025

Investigating Ellen G. White #12: “Alterations, Revisions, Changes” (Ang Katotohanang Ayaw Nilang Ipakita sa’yo)


Kung matagal ka nang sumusubaybay sa Investigating Ellen G. White series, alam mo na hindi naging madali para sa Adventist Church ang mga isinulat ni Ellen White. Pero sa episode na ‘to? Humanda ka. Kasi papasok tayo sa isa sa pinaka-awkward, pinaka-inedit, at pinaka-tahimik na tinanggal na bahagi ng tinatawag niyang “inspired” writings ang amalgamation statements.

Oo, ‘yung time na sinabi raw ni Ellen White na nagtalik ang tao at mga hayop bago at pagkatapos ng Baha… at dahil daw sa kasalanang ‘yun, winasak ng Diyos ang mundo. Balikan natin ‘yan.

Ang “Amalgamation” Controversy

Noong 1864, isinulat ni Ellen White sa Spiritual Gifts Vol. 3 na isa raw sa mga kasalanang nagdulot ng Baha ay ang “amalgamation of man and beast.” Sabi pa niya, “it defaced the image of God” at nagdulot ng “confusion everywhere.”

Grabe, ‘di ba? Kasi totoo naman grabe talaga. At hindi ito tungkol sa interracial marriage gaya ng pilit na paliwanag ng mga SDA apologists kalaunan. Literal niyang sinabing naghalo raw ang mga tao at mga hayop.

Ang problema? Myth lang ‘yan noong 19th century — kwentong kumalat sa mga walang masyadong kaalaman, at lumabas pa sa pekeng Book of Jasher (1844 edition). Matagal nang pinatunayan ng agham na imposibleng magkaanak ang tao at hayop.

So bakit isang “propeta ng Diyos” ang magpo-promote ng kwentong galing sa isang fake na aklat?

 “Certain Races of Men”

Dito na pumapasok ang mas madilim na parte. Sinulat ni Ellen White na makikita raw ang resulta ng amalgamation “in certain races of men.”

Anong mga lahi ‘yun? Hindi niya sinabi. Pero sinabi ng mga unang SDA leaders.

Sina B.F. Snook at W.H. Brinkerhoff parehong inorden ni James White  naglabas ng rebelasyon na sinabi raw ni Ellen na “God never made the Darkey.” Oo, tama ang basa mo. Ginamit pa ang kanyang mga “vision” para bigyang-katwiran ang rasistang paniniwala na may mga tao raw na hindi ganap na tao.

Si Uriah Smith, isa sa mga unang SDA leaders, dinepensahan pa siya! Sinabi niya na ‘yung mga “Bushmen of Africa” at “Digger Indians” daw ay bunga ng paghahalo ng tao at hayop. At si James White mismo oo, asawa ni Ellen na-review at inaprubahan pa ang librong ‘yun, at tinulongang ibenta sa mga SDA camp meetings!

Pahinga muna. Lakasan mo loob mo.

The Great Delete

Habang lumilipas ang panahon, naging sobrang nakakahiya na ang doktrinang ito para ipagtanggol. Kaya noong 1890, nung lumabas ang librong Patriarchs and Prophets, tahimik nilang tinanggal ang mga “amalgamation” passages.

Walang abiso. Walang paliwanag. Walang errata. Basta nawala.

Nung napansin ng mga tao at nagtanong, sumagot si W.C. White (anak ni Ellen). Sabi niya, si Ellen daw mismo ang nagbura ng mga iyon sa utos daw ng isang anghel.

Wait lang.

Ang anghel daw ang nag-utos na burahin ‘yung dating isinulat niya “under inspiration”?
So ‘yung anghel hindi siya pinigilan nung una, pero dumating para maglinis ng kalat?

Hindi ‘yun revelation. ‘Yun ay revision.

The Herod Blunder

At hindi ito ‘yung unang beses na nagkamali siya. Sa Spiritual Gifts Vol. 1 (1858), nagkamali siya ng Herod. Sinulat niya na yung parehong Herod na nanlait kay Jesus ay siya ring pumatay kay James.
Mali ‘yun. Magkaibang Herod ‘yun.

Ayun, inayos niya ‘to sa Spirit of Prophecy Vol. 3 (1878).
So much for “God showed me in vision.”
Mukhang mas copy-and-paste fail kaysa inspiration.

Ghostwriters, Editors, at mga “Heavenly” Helpers

Pagkatapos mamatay ni James White, naging parang publishing company na ang operasyon ni Ellen. Dinala niya sina Marian Davis at Fannie Bolton parehong magagaling na writers para “tumulong” daw sa mga libro niya.

Ang problema: umamin si Fannie Bolton na siya mismo ang sumulat ng ilang buong bahagi ng mga librong lumabas sa pangalan ni Ellen bilang “inspired.”
Sabi niya pa nga, “the people are being deceived about the inspiration for what I write.”

So ngayon, may “propeta” tayo na may ghostwriters tapos ‘yung edits daw ay “approved by angels”?
Hindi ‘yan prophecy. ‘Yan ay publishing.

The 1883 Editing Resolution

Noong 1883, sawang-sawa na ang SDA General Conference sa gulo. Kaya naglabas sila ng resolusyon para i-edit at i-correct ang mga isinulat ni Ellen bago i-republish.

Ang dahilan daw nila? Na si Ellen ay “inspired in thought, not in words.”

Pero teka lang may catch.
Noong 1905, sinabi naman ni Ellen White:
“The Lord has bidden me write. I have not been instructed to change that which I have sent out.”

So alin ba talaga?
Sumuway ba ang church sa propeta?
O nagkakontra lang si Ellen sa sarili niya?

Revisions and Contradictions

Eto pa, ilang halimbawa ng mga binago sa mga “inspired” writings niya:

  • Original: “The church of Christ... has grown feeble and inefficient through selfishness.”

  • Revised: “The church of Christ, enfeebled and defective as it may be, is the only object on earth on which He bestows His supreme regard.”

  • Original: “The pope has arrogated the very titles of Deity.”

  • Revised: “The pope has been given the very titles of Deity.”

Kita mo ‘yung tono?
Mas soft, mas maayos pakinggan, at syempre mas hindi nakaka-offend.

Behind the Curtain

Pati mga SDA historians at editors, umamin na sa nangyayari.
Noong 1919, sinabi ni W.W. Prescott:

“If we correct it here and correct it there, how are we going to stand with it in the other places?”

Exactly. Kasi kapag nag-umpisa ka nang mag-ayos ng “inspired” writings, saan ka hihinto?

Sa likod ng mga libro, sina Prescott at C.C. Crisler ay inutusan daw na burahin o alisin ang mga bahagi na baka “makasira.”
So sila na ngayon ang nagdedesisyon kung alin ang “mensahe ng Diyos” na puwedeng iprint o hindi.

What the Evidence Shows

Tawagin natin sa tunay na pangalan:
Mula sa amalgamation myth, hanggang sa Herod blunder, hanggang sa ghostwritten inspired books, malinaw na pattern ‘yan hindi ng divine revelation, kundi ng human editing, revision, at damage control.

Dekada-dekadang inayos, pinakintab, at tinakpan ng White Estate at SDA leaders ang mga pagkakamali ni Ellen White para mapanatili ang imahe niya bilang “propeta.”

Hanggang ngayon, karamihan sa mga Adventist, walang ideya kung gaano karami sa mga binabasa nila kay Ellen White ang na-edit, nabago, o tuluyang tinanggal.

Ang resulta?
Isang malinis at maayos na bersyon ng mga sinulat niya na tinago ang totoong kwento ang kwento ng mga pagkakamali, pagtatakip, at puting kasinungalingan.

Final Thought:
Kung si Ellen White talaga ay nagsasalita para sa Diyos, bakit kailangan pa ng paulit-ulit na correction at revision ang mga isinulat niya?

Kung inspired talaga ang mga salita niya, bakit may mga tinanggal nang walang paliwanag?

At kung ang mga editor ay puwedeng baguhin ang “inspired” text nang walang parusa sino ngayon ang tunay na propeta?

Baka ang totoong “revelation” ay hindi kung ano ang isinulat ni Ellen White…
kundi kung ano ang pilit na binura ng SDA Church.


Mga Tala / Notes:

  1. Ellen White, Spiritual Gifts, Vol. 3, p. 64, 1864.

  2. Ibid., p. 75.

  3. Book of Jasher, 4:18, 1844.

  4. B.F. Snook at W.H. Brinkerhoff, The Visions of E.G. White Not of God, Kabanata 2 (1866).

  5. Ellen White, Testimonies Vol. 9, p. 214.

  6. Letter 36, 1912 (Selected Messages, Book 2, p. 344, par. 1–2); The Southern Work, p. 15; Manuscript 7, 1896 (Selected Messages, Book 2, p. 343, par. 2).

  7. Uriah Smith, The Visions of Mrs. E.G. White, p. 103, 1868.

  8. James White, Review, Aug. 15, 1868.

  9. Amalgamation of Man and Beast: What did Ellen White Mean?”, Spectrum, June 1982, p. 14.158; Webster’s Dictionary, 1913.

  10. Ibid., p. 11.

  11. Webster’s Dictionary, 1913.

  12. Ellen White, Signs of the Times, Jan. 8, 1880; Great Controversy, p. 106.

  13. Levitico 18:23; 20:16.

  14. W.C. White, Selected Messages, Vol. 3, p. 452.

  15. Amalgamation of Man and Beast: What did Ellen White Mean?”, pp. 16–17.

  16. Ellen G. White, Spiritual Gifts, Vol. 1, p. 71.

  17. Ellen G. White, Spirit of Prophecy, Vol. 3, p. 334.

  18. Ellen G. White, Testimonies, Vol. 5, pp. 64–67; Letter 90, 1906.

  19. Ellen G. White, Selected Messages, Vol. 3, p. 30.

  20. Merritt G. Kellogg statement [Marso 1908], The Story, p. 107.

  21. Review and Herald, Nov. 27, 1883.

  22. Ellen White, Review and Herald, Jan. 26, 1905.

  23. Ibid., Apr. 19, 1906.

  24. Adventist Review, Nov. 19, 1992, pp. 8–9.

  25. W.W. Prescott, 1919 Conference on Ellen White.

Former Adventists Philippines

“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”

For more inquiries, contact us:

Email: formeradventist.ph@gmail.com

Website: formeradventistph.blogspot.com

Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph






No comments:

Post a Comment

FEATURED POST

FAP Sunday Service Online | October 26, 2025

MOST POPULAR POSTS