QUESTION:
"Pastor Ronald, kaya po ba walang Sabbath command sa New Testament kasi wala naman pong binago si God sa Ten Commandments?"
ANSWER:
Nice question and honestly, ito ‘yung classic SDA reasoning na parang maganda sa una, pero kapag binuksan mo talaga sa Biblical context, ay bumabagsak sa sarili niyang argumento na madalas ay imbento basta masabi lamang na nakasagot. Ngunit ang totoo, ito ay hindi sagot kundi palusot
Kapag ang isang tao ay sumagot sa tanong gamit ang sariling imbento, hindi dahil ito ang turo ng simbahan kundi dahil ayaw niyang aminin na hindi niya alam, ang tawag diyan ay "Appeal to Ignorance", minsan may halong "Red Herring" at "Bluffing". Hindi ito intellectual honesty, kundi tsamba disguised as authority.
Nagpapakita din ito ng "Impostor Syndrome", May takot na ma-expose ang kakulangan, kaya gumagawa ng sagot kahit walang basehan. Hindi ito yung karaniwang “feeling inadequate,” kundi yung kabaligtaran: nagpapanggap na may alam para hindi mapahiya.
Cognitive Dissonance naman ang tawag kapag may tension sa isip dahil hindi tugma ang paniniwala at realidad, minsan gumagawa ng sariling narrative para maibsan ang discomfort. Halimbawa: “Hindi ko alam ang sagot, pero dapat may sagot ako kaya mag-iimbento ako.”
Kaya let’s unpack this question in a conversational but solid way:
Kung ang logic ay “wala namang binagong command sa Ten Commandments, kaya obligasyon pa rin ang Sabbath,” eh ang tanong: "kailan ba sinabi ni Cristo o ng mga apostol na ang Ten Commandments as a covenant law ay nananatili bilang legal code sa ilalim ng Bagong Tipan?"
Romans 7:4–6 says, “You have died to the law through the body of Christ.”
Paano mo susundin ang isang kasunduan kung patay ka na sa ilalim nun?
2 Corinthians 3:7–11 calls the Ten Commandments “the ministry of death, engraved in letters on stone.”
Hindi niya sinabing masama ‘yung commandments, pero malinaw na ito ay may glory noon, pero may mas higit na glory ngayon sa bagong covenant kay Cristo.
Kaya walang “bagong Sabbath command” sa New Testament, hindi dahil nakalimutan ni God o tinamad si Jesus mag-utos ulit, kundi dahil nagbago na ang covenant mismo.
Hindi mo kailangang “baguhin” ang lumang kautusan kung pinalitan na ito ng isang mas dakilang tipan na may bagong batas the Law of Christ (Galatians 6:2).
Parang kontrata ng empleyado kapag may bagong kontrata, hindi mo kailangan baguhin pa ‘yung luma; ineffective na ‘yon dahil may bago ka nang pinirmahan.
So bakit wala nang Sabbath command sa New Testament?
Kasi the Sabbath was a shadow, sabi sa Colossians 2:16–17, and Christ is the substance. Hindi mo na hinahawakan ang anino kapag dumating na ‘yung totoong tao.
Kung may mas dakilang kapahingahan na kay Cristo (Hebrews 4:9–10), bakit ka pa babalik sa araw na simbolo lang ng rest kung mismong Rest Himself ay kasama mo na?
Former Adventists Philippines
“Freed by the Gospel. Firm in the Word.”
For more inquiries, contact us:
Email: formeradventist.ph@gmail.com
Website: formeradventistph.blogspot.com
Facebook: https://www.facebook.com/groups/formeradventistph
No comments:
Post a Comment